21

557 29 13
                                    

21 : His cheerleader

"GO DAZE!!!" halos takpan ko na gamit ang dalawa kong kamay ang tenga ko dahil sa sigaw ng magandang babae sa likuran ko. Patapos na yung laban pero bakit ngayon ko lang siya napansin?

"Sino yun?" tanong bigla sa akin ni Samantha habang lihim na nakatingin sa babae. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Eh hindi ko naman kase alam kung sino yun.

"Jowa siguro ni Elion," matabang na sagot ko.

"Siguro nga," pagsang-ayon naman ni Samantha, dahilan para mas lalong lumaki ang pagbusangot ko.

Ngayon mas lumaki ang tiyansang wala talaga akong pag-asa sa kumag na iyon, may jowa na pala.

Lihim ulit akong lumingon sa babaeng nasa likuran ko, anong laban ko dun? Kahit nga magsuot yun ng sako eh maganda pa din siya!

Sana lahat.

Bumalik ang atensyon ko sa laro at nanlaki ang mata ko nung makitang lamang na sila Elion ng tatlong puntos! Napatingin na din ako sa natitirang oras, malapit ng matapos!

Kaya pala mas lalong lumakas ang sigawan ng mga ka-schoolmates ko kase nalamangan na ng BWarriors ang RStorm. Umayos ako ng upo bago ulit nanonood. Ngayon medyo tahimik na ako dahil ang sakit na ng esophagus ko dahil sa kakasigaw.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nagsitalunan at sigawan na ang mga taga-Roundell dahil nanalo ang team nila Elion.

"MAY PARTY SA AMIN!!!" sigaw ni Samantha habang tumatalon.

Napangisi ako habang pinapanood ang basketball team namin na nagyakapan na dahil sa tuwa. Nanigas ako nung biglang magtama ang mga mata namin ni Elion habang pinapalibutan siya ng mga ka-team niya.

Hindi naman siguro ako ang tinitingnan niya. Tch!

Pairap akong nag-iwas ng tingin sa kanya pero natigilan ako nung maalala kong may usapan kami na ipapakilala niya ako sa pinakagwapong basketball player. Tumingin ulit ako kay Elion para naman tumupad siya sa usapan namin dahil mabait ako.

Ngumisi ako ng maluwang bago siya kinindatan nung makita ko siyang nakatingin pa din sa akin habang blanko ang ekspresyon niya. Napansin kong napunta sa likuran ko ang tingin ni Elion at alam ko kung sino ang tinitingnan niya.

Of course, his cheerleader.

Napunta naman ang atensyon ko sa kabilang team, kung nasaan ang magaling kong kapatid, na naka-upo sa bench habang nakayuko at umiinom ng tubig sa tumbler niya na may straw. Hindi ko nga alam bakit bumili siya ng tumbler na pang-elementary tapos may design pa na iron man.

"Puntahan ko lang yung kapamilya ko," paalam ko kila Regina habang nakaturo kay Azriel.

"Cheer up mo siya baka umiyak eh," saad ni Regina habang nakangisi.

"Oo na," inirapan ko sila bago naglakad papunta kay Azriel na nakayuko pa din habang tinatapik ni Charles ang likod niya. Napansin ako ni Charles na papunta sa direksyon nila kaya sinabihan niya si Azriel.

Nag-angat naman ng ulo si Azriel bago nagkunot ng noo at bumusangot.

"Ang sama na nga ng timpla ko tapos makikita pa kitang nakangisi?" nakabusangot na tanong ng gago kong kapatid. Umayos naman siya ng upo bago kinuha ang itim na bag niya at hinagis sa akin.

"Sabay ako sayo, te," saad ni Azriel bago tumayo, kahit mas matanda ako sa kanya, mas matangkad naman siya. Parang kailan lang binibiro ko pa siya na pandak tapos ngayon...

"Gege, basta wag ka lang umiyak, baka mamaya ako pang masisi na nagpaiyak sa iyo," matabang ang boses ko habang sinasabi iyon kay Azriel na nagpupunas na ng noo niya.

"Magaling din yung captain nung kabila, diba siya yung pumunta sa bahay nun?" tanong bigla ni Azriel. Tumango lang ako habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya.

"Hi ate!" kumaway si Charles sakin kaya nginitian ko lang siya.

"Hindi kami nanalo kase hindi ka namin naging manager," nakangising saad nung isa pang ka-team nila Charles na nakita ko din kanina. Nakangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.

"Malakas din yung na-injured eh," saad naman nung isa pang ka-team nila Charles.

"Dre, ayos lang kayo dyan?" napunta ang tingin naming lahat sa nagsalita. Oh shet! Siya yung team captain nila Azriel! Atsaka yung lalaking iniisip ko na ipapakilala sa akin ni Elion.

Lumingon ako kay Elion at doon ko nakita ang babae na maganda. Nakangiti siya habang hawak-hawak ang inuman ni Elion. Palihim akong umirap bago nagbalik ng atensyon kila Charles.

"Ayos lang, Renz," sagot naman ni Charles bago ito inakbayan.

"Girlfriend mo, Suriaga?" tanong ni Renz kay Azriel. Pati pangalan, ang gwapo.

"Faith Suriaga," pagpapakilala ko bago ngumiti ng matamis. Nanlaki naman ang mata niya bago ako pinaliitan ng mata. Dahilan para kumunot ang noo ko sa kanya.

Nung problema ni kuya?

"Are you his wife?!" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Renz.

"Dude, porket ba magka-apelyido sila eh mag-asawa na?" natatawang tanong ni Charles sa captain nila.

"Yes?" nakakunot ang noo ni Renz habang nakatingin sa amin.

"Hindi ba pwedeng dahil magkapatid kami?" bigla akong inakbayan ni Azriel.

"Gago! Amoy pawis ka!" agad kong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Azriel habang nakangisi lang ang loko sa akin.

"Kung magkapatid kayo, ibig sabihin ikaw yung girlfriend ni Elion?" tanong ni Renz.

"Mr.Salazar, hindi jowa ni ate ko ang Elion na iyon, tingnan mo nga may kasamang babae eh," napatingin naman sila Renz kay Elion pero ako, hindi ako lumingon.

"Oh..." iyon nalang ang nasabi ni Renz.

"Siguro yun yung jowa ni Elion," saad naman ng bugok kong kapatid. Mas lalong nasira ang mood ko sa kaisipang may jowa na si Elion tapos ako naman etong feeling close.

Bakit niya pinasuot sa akin etong jersey niya?! Para hindi mapagkamalan na jowa niya iyong magandang babae?

Napailing ako bago binigay kay Azriel ang bag niya.

"San ka pupunta teh?"

"Banyo." sagot ko bago naglakad palayo habang napatingin naman sa akin sila Charles dahil sa pag-alis ko.

Papunta na ako sa banyo nung may biglang humatak sa kamay ko at iniharap ako sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino iyon, bago ko ginawang blanko ang ekspresyon ko.

"Bakit? Papakilala mo na ako sa pinakagwapong basketball player?" kumunot ang noo ni Elion. Magsasalita na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Wag kang mag-aalala, hindi mo na siya kailangang pakilala dahil nakilala ko na siya," itinagilid ni Elion ang ulo niya habang nakakunot pa din ang noo niya.

"What do you mean-"

"Nakilala ko na yung taong pwedeng makatulong sa akin na makalimutan ka-"

"What the fuck are you talking about-" magkasalubong na ang kilay niya. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya gwapo ngayon.

"Bukas, ibabalik ko nalang yung jersey mo, baka magselos yung jowa mo," saad ko sa kanya bago tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Blanko na ngayon ang ekspresyon niya kaya tinalikuran ko na siya at pumasok sa banyo.

At simula ngayon, alam kong magbabago na ulit ang tingin niya saakin.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now