04

696 31 14
                                    

04 : Deal

Hanggang ngayon ay tumatawa pa din ako habang nakatayo sa may door frame ni Elion.

Nakaupo na siya ngayon sa kama niya habang nagkakamot ng ulo at masama ang tingin sa akin. Na para bang sinusumpa niya na ako sa utak niya.

"Kita mo yung reaksyon mo? Sana kinuhanan ko ng video! Para makita nila kung paano ka nag-panic," saad ko sa gitna ng tawa ko.

"Sa tingin mo nakikita ko yung reaksyon ko?" matabang niyang tanong bago tinanggal ang kumot niya at tumayo.

"Putang-! Mag-short ka nga!" sigaw ko sa kanya habang nakatakip ang mga kamay ko sa mata ko. Cause girl, naka boxer lang si kuya niyo tapos sleeveless na sando na kulay grey.

Bahagya akong sumilip sa kanya dahil once in a life time ko lang na makikita si Elion na naka-boxer. Kaya dapat sulitin ko na ang mga pagkakataon na makikita ko siya ng ganito. Hihi.

Tangina, para akong manyak na balak siyang gapangin mamayang gabi.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong niya habang nakapamewang at nakatingin sa akin ng mariin. Sinara ko muna ang pinto sa likuran ko bago siya hinarap.

"Sige explain ko sayo kung paano, una sumakay ako ng helicopter tapos binagsak nila ako dito," sagot ko bago ngumisi.

"This girl..." napailing nalang siya kaya napangiti ako bago pinatong sa kama niya ang tinanggal kong backpack ko, kung nasaan ang mga lessons na dapat kong ituro sa kanya.

"Ang aga-aga nandito ka," saad niya bago tumingin sa wall clock niya.

"Fuck! It's still 6 am! You witch! I just slept for 3 hours!" singhal niya pero hindi naman ako naaapektuhan. Kasalanan niya bakit siya nagpupuyat.

"Bakit ka kase nagpupuyat?!" tanong ko pero hindi niya iyon pinansin.

"I'll forgive you this time, but the next time you'll teach me in our house. The earliest time you'll come here is 10 am," saad niya bago ulit umupo sa kama niya at walang ganang tumingin sa akin.

"Aba't! Ako ang tutor mo! Kaya ako dapat ang masusunod! Kung gusto kong umaga tayo mag-lessons edi umaga! Kung hindi bahala ka ng maghanap ng new tutor mo," saad ko bago kinuha ang backpack ko, pero bago pa man ako makaalis agad niyang hinarang ang kamay niya sa pintuan dahilan para mapangisi ako.

Alam kong ako na naman ang nanalo sa aming dalawa.

"Argh! Fine, 8 am is the earliest time you'll come here," saad niya bago bigong umupo sa kama niya.

Napangiti naman ako bago tinanggal ang backpack ko at ipinatong iyon sa tabi niya.

"Ako talaga ang gusto mong maging tutor noh?" panunuya ko sa kanya habang nilalabas ang mga libro na dinala ko.

Umirap lang siya habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Para kang bakla kung umirap," saad ko.

"Gusto mo naman," tugon niya kaya bahagya akong natigilan.

"Gago! Dati pa yun! Nag-mo-move on na kaya ako sayo," saad ko bago ipinatong ang mga librong dinala ko sa study table niya at umupo sa upuan.

"Talaga?" panunuya niya kaya inirapan ko siya bago binuksan ang isang libro pero agad ko din iyong sinara at hinarap siya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"What?"

"Let's make a deal," saad ko na lalong pinagtakhan niya.

"What do you mean?"

"Ganito noh, magiging tutor mo ako hanggang sa pumasa ka sa exam natin tapos kapalit nun dapat tulungan mo akong gumanda, deal?"

"What the..., sa tingin mo gaganda ka pa?" nagtaas siya ng kilay habang nakangisi ng nakakaloko.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now