07

568 32 5
                                    

07 : Lunchbox

"Ma! Nasaan yung Nutella?" tanong ko kay mama habang kagat kagat ko ang isang tinapay sa bibig ko.

"Bakit naman? Kulang pa ba ang baon mo?" tanong ni mama habang papasok siya ng kusina.

Umiling ako bago binigay sa akin ni mama ang Nutella. Magbabaon ako ng tinapay dahil ang lunch ko ay ibibigay ko sa animal na tinuturuan ko.

Paano ba naman kasi, nakakalimutan niyang kumain dahil kaka-basketball niya kaya ayun kapag tuturuan ko na siya edi hindi siya nakakapag-isip dahil walang laman ang tiyan niya.

"Goodluck sa school!" tumango ako kay mama bago nilagay ang sandwich na ginawa ko at lumabas na ng kusina.

"Azielle! Pinapatanong ni Samantha bakit hindi ka daw pumunta sa party niya last week," tanong ni Regina nung makasabay ko siya sa pagpasok sa loob ng Roundell University.

"Last week pa yun ah? Hindi kayo maka-get over?" tanong ko habang papasok na kami sa building ng mga second years.

"Gaga, ikaw lang yung nasa top ten na hindi pumunta," napakibit balikat na lang ako sa sinabi ni Regina.

Hindi naman kase ako mahilig sa mga party party na yan. Dahil una sa lahat, wala akong damit pang-party. Pangalawa, baka mabaliw ang mga kasama ko kapag nalasing ako.

Dahil iba ang ugali ko kapag nalasing ako. Nagiging walang hiya ako at ayaw kong maraming makakita nun kapag dumalo ako sa isang party.

Atsaka hindi bagay sa akin ang pumupunta sa isang party lalo na't tinatawag nila akong nerd. Porke't ba may salamin nerd agad? Di ba pwedeng dyosa na nakasalamin?

"You may take your lunch break now," agad akong tumayo at kinuha ang lunch box ko at ang sandwich ko bago pumunta sa labas ng building.

Naghanap ako ng isang bench kung saan may lamesa na din at doon ko na lang sana tuturuan si Elion habang kumakain kami.

"Elion!" sigaw ko nung makita ko siyang kakalabas lang ng building kasama ang dalawa niyang mga kaibigan.

Nagpaalam muna siya sa mga kaibigan niya bago naglakad papalapit sa akin. Yung ibang mga estudyante na nakatambay sa labas ay pinapanood siya na naglalakad papunta sa akin.

Gulat sila kasi hindi nila alam na tutor ako ni Elion at tutee ko siya. Kung hindi lang niya ako tutor hindi naman niya ako tatapunan ng tingin eh.

Kung nung dati kagaya din ako ng iba na pinapanood lang si Elion at walang lakas ng loob na tawagin siya sa pangalan niya, pero ngayon...

Parang ako ang master niya at alipin ko siya. Hihihi!

"Dito nalang tayo mag-aral,", tumango lang siya sa sinabi ko bago umupo sa tapat ko, hinagod niya ang kanyang buhok gamit ang kamay niya dahilan para masilaw ako sa sobrang liwanag. De joke.

"Yung science teacher namin ay teacher niyo din sa science niyo diba?" tanong ko sa kanya habang nilalabas ko ang science book ko.

"Oo," tumango ako bago binuklat ang book ko sa isang page na kailangan niyang pag-aralan dahil magpapa-surprise quiz si ma'am sa topic na iyon.

"Pag-aralan natin toh," tinuro ko ang title ng topic namin ngayon, at tiningnan niya lang iyon.

"But first..." kinuha ko ang lunch box ko at ipinatong sa harapan niya. Nagtataka naman siyang tumingin sa lunch box na nasa harapan niya.

"Kain ka na," saad ko pero walang nagbago at nakatingin lang siya sa lunchbox.

"Akala naman niya tatanggapin ni Elion my loves ang lunchbox niya..." rinig kong sabi nung isang babae na dumaan sa likuran ko.

"Oo nga eh, diko nga alam bakit kinakausap siya ni Elion, eh nerd siya atsaka hindi naman masyadong nakikipag-usap sa mga babae si Elion my baby..." saad naman nung kausap nung isang babae.

Napapikit nalang ako dahil sa mga narinig ko. Sigurado naman akong ako lang ang nakarinig niyon dahil talagang sa likod ko pa dumaan eh.

"Inggit lang kayo," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa dalawang babae na naglalakad na palayo habang tumatawa.

Bumalik ang atensyon ko kay Elion noong narinig kong binuksan niya ang lunchbox. Ang mga nasa lunchbox lang naman ay fried rice, dumpling at shanghai na pinaluto ko pa kay mama dahil narinig kong mahilig si Elion sa mga ganoong pagkain.

"This is mine?" tanong niya kaya tumango ako, natigilan ako nung makita kong parang kumislap ang mga mata niya bago kinuha ang kutsara at tinidor.

"Ikaw? Di ka kakain?" tanong niya bago sumubo ng isang kutsara ng fried rice at ng isang dumpling.

"Hindi, sige kain ka lang para naman makapag-isip ka lalo na't next subject niyo ay science tapos may pa-surprise quiz si ma'am-" agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa nasabi ko.

"Quiz? May quiz?" hindi ko siya sinagot.

Taenang buhay toh! Sabi kase ni ma'am wag na wag naming ipagsasabi sa ibang mga hawak niyang estudyante na may surprise quiz siya para daw surprise na surprise sila.

Kaso etong selp ko ay hindi maingat kaya ayun.

"Basta kumain ka nalang diyan at ubusin mo yan kung hindi pati lalagyanan ipakain ko sayo," saad ko sa kanya bago kinuha ang dalawang sandwich na ginawa ko.

Tumango lang siya habang patuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain. Mukhang nasarapan siya ah. Buti naman dahil kung hindi, baka masapak ko siya.

Pinanood ko lang siyang kumain habang kumakagat ako sa sandwich ko kaya nung nabulunan siya dahil sa pinagsabay niya ang dumpling at shanghai edi naibigay ko sa kanya ang tubig.

"Ayan! Sige pagsabay mo, para mamaya hindi ka na didiretso sa room niyo para mag-test kung hindi diretso ka na sa langit para mag-test kung papapasukin ka ba ni San Pedro sa langit o diretsong hulog kana sa impyernong kumag ka," saad ko habang pinapanood siyang uminom ng tubig mula sa bottled water na nakita kong nakapatong sa lamesa.

Hindi naman mga babae ang may-ari ng bottled water na iyon. Mga lalaki ang nakita kong huling nakatambay sa pwesto na toh at sigurado akong isa sa mga lalaki ang may-ari ng bottled water na binigay ko kay Elion.

"Ano? Ayos na?" sinamaan lang ako ng tingin ni Elion bago pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Gutom na gutom ah, hindi ka nag-agahan?" panunuya ko sa kanya.

"Hindi ako nag-aagahan," sagot niya pagkatapos niyang lunukin ang kinakain.

"Talaga?"

"Yeah, kaya simula ngayon dapat pakainin mo na ako," saad niya bago pinakita sa akin ang wala ng laman na  lalagyanan ng pagkain bago inayos ang lunchbox at tinulak papalapit sa akin.

Ay wow, ano siya? Bata para bigyan pa ng pagkain?

"By the way, kaninong tubig ang binigay mo sakin?" tanong niya.

"Diko din alam, nakita ko lang na nakapatong diyan," sabay turo ko sa pwesto kung saan ko nakita ang bote ng tubig.

"What the fuck?" aniya habang nakatingin sa akin.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now