03

772 29 23
                                    

03 : Teach him

Habang dala-dala ko ang lunch box ko, nakangiti akong naglalakad patungo sa library kung saan ko tuturuan si Elion.

"Everybody say na na na na na~" I sang while walking at the hallway.

"Na na na na na!" napalingon ako sa babaeng nakikanta din sa kinakanta ko. Kinindatan niya ako kaya napagtanto ko na alam niya ang kantang kinakanta ko.

Nang makarating ako sa library agad kong pinalibot ang aking mata para hanapin ang isang partikular na lalaki na kailangan kong turuan.

"Gotcha!" I muttered to myself before walking towards Elion who's sleeping with a book on his face.

"Hoy! Kumag! Gising na!" napaigtad si Elion at kunot ang noo niyang bumaling sa akin.

"Oh, the witch is here," saad niya bago sinara ang librong nakalagay sa mukha niya at hindi na nag-abalang ayusin ang magulo niyang buhok na nagpapahalata na bagong gising lang siya.

"Let's start?" tanong ko pero hindi siya umimik kaya napabuntong hininga ako. Mukhang mahihirapan akong turuan ang lalaking ito ah.

"May hindi ka ba naiintindihan sa mga lessons-" agad niyang inilabas ang siyam na notebooks niya at nilagay sa harapan ko.

"Lahat?" tumango siya bago pumangalumbaba. Napabuntong hininga ulit ako bago kumuha ng isa sa mga notebooks niya para iyon na muna ang uunahin naming pag-aralan.

"Ngayon sagutan mo iyan, tinuro ko na kanina sa iyo kung ano ang formula niyan," saad ko sa kanya kaya tumango siya bago tiningnan ang assignment niya sa Math na kailangan niyang sagutan.

Napasandal naman ako sa upuan ko bago binuksan ang lunch box ko. My mouth watered when I saw my favorite cookies and banana milk!

Agad kong kinuha ang malaking hugis ng homemade cookies ko at masaya itong nilantakan. Habang kumakain ako napunta ang atensyon ko kay Elion na mukhang nahihirapan at hindi makapag-concentrate sa sinasagutan niya.

"Oh," inilahad ko ang isang cookie sa kanya tiningnan niya lang ito bago nagtatakang tumingin sa akin.

"Kapag walang laman ang tiyan mo, hindi ka makakapag-isip ng maayos." saad ko kaya kinuha niya ang cookie sa kamay ko bago siya kumagat ng malaking parte.

Pinanood ko siyang kumain habang siya naman ay nakatingin sa assignment niya.

"Bakit hindi pa din ako makapag-isip?" tanong niya bigla pagka-angat niya ng tingin sa akin, blanko naman akong napatingin sa kanya.

Kase wala kang isip. De joke lang.

"Tapusin mo muna ang kinakain mo! Mukhang hindi ka yata kumakain ng maayos eh! Tingnan mo katawan mo! Mas malaki pa yata yung walis tambo namin kesa sayo," pasinghal kong saad sa kanya. Blanko naman ang ekspresyon niyang nakatingin sa akin.

Actually maganda naman ang katawan niya, kase nga basketball player siya with the nickname of King of the Court.

"Oh! Sa iyo na din toh, para matapos mo na iyan!" sabay abot ko sa kanya ng banana milk ko. Tinanggap niya naman ito habang ngumunguya.

He looks like a chipmunk because of his cheeks full of cookie crumbs.

"Masarap ba? Ginawa ko yan," saad ko na tinutukoy ang cookie na pinakain ko sa kanya.

"Yung banana milk? Oo, masarap," walang kwentang sagot niya.

"Tang-!" ipinikit ko nalang ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam na ganito pala kawalang hiya ang lalaking ito. Bwisit!

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now