11

542 31 5
                                    

11 : His smile

"Azi," nilingon ko si Regina habang naghahanap ng pwede kong suotin dahil kakain na kami ng hapunan sa resto na nakita namin sa seashore.

"Oh?"

"Bakit hindi mo i-try na magsuot ng contact lenses?" napangiwi ako sa tanong niya.

"Parang biglaan naman yata iyang tanong mo," saad ko kay Regina bago nilabas ang black shorts at blue na off shoulder sa bag ko.

"Kase hindi pa kita nakikitang walang salamin eh," saad niya bago umupo sa kama niya.

"Meron naman akong contact lenses, kaso-"

"Bakit hindi mo ginagamit?!"

"Ang mahal eh," napangiwi si Regina sa naging sagot ko kung bakit hindi ako nagsusuot ng contact lenses.

"Guys!" sabay kaming napalingon ni Regina sa pintuan ng cabin.

"Bakit?" tanong ni Regina kay Samantha na nakasilip sa may pintuan.

"Sabay ako senyo sa resto na may mini bar," saad ni Samantha kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko kay Samantha.

"Kahit nerd ka, alam kong umiingay ang mga tahimik na tao kapag lasing sila at sigurado akong ganoon ka din," napangiwi ako sa sinabi ni Samantha bago tumingin kay Regina na tumingin din sa akin.

"Kakain lang kami hindi iinom," saad ko bago naglakad patungo sa loob ng banyo.

"Libre ko na ang pagkain niyo, kung sasamahan niyo akong uminom," saad ni Samantha at dahil ang kaibigan kong si Regina ay mahilig sa mga libre edi ayun, pumayag na ang gaga at dinamay pa ako.

"A-Ano ba?!" halos masubsob na ako dahil sa paghila sa amin ni Samantha, hinihila niya daw kami para masigurong tutupad kami sa usapan namin.

Eh silang dalawa lang ni Regina ang may usapan tapos dinamay pa ako. Hays.

"Doon tayo malapit sa stage," saad ni Regina kaya hinila niya ako, pati na din si Samantha patungo sa gusto niyang pwesto.

"Chill girls, let's just enjoy," saad ni Samantha bago umupo kaya umupo na din ako.

"Go, pili na kayo ng gusto niyong kainin, ako ng bahala sa bayad" napangisi ako kay Samantha bago kinuha ang menu sa lamesa.

"Sigurado ka ha?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga in-order naming tatlo na mga pagkain. Kasabay nun ang pagdating nung banda na kakanta sa stage ngayong gabi.

"Pwede yatang sumayaw diyan sa baba ng stage, sayaw tayo kapag lasing na tayo," saad ni Regina dahilan para magkatinginan kami ni Samantha.

"Ayos ka lang, Reg?" tanong ko bago uminom ng tubig pero agad ko iyong nabuga dahil lasang alak amputa.

"Ano toh?" nakangiwing tanong ko kila Samantha, habang nakaturo pa sa baso.

"It's mojito," saad ni Samantha habang nakangisi ng nakakaloko.

"Loko loko ka din ha, palitan ko ng bleach yang tubig mo eh," saad ko kay Samantha bago siya inirapan.

"Mapapansin ko pa din na bleach yun," bumelat siya sakin kaya kumunot ang noo ko at ngumiwi.

Usually kapag kasama ko ang mga kaklase ko, tahimik lang ako at kunwari good girl pero etong si Samantha mukhang magandang biruin eh.

Nalalabas ko tuloy ang totoong ugali ko na si Elion at Regina lang ang nakakakita.

"Girl, bakit di mo i-try yung contact lenses mo?" tanong ni Samantha matapos ikwento ni Regina ang tungkol sa usapan namin kanina ni Regina tungkol sa contact lenses ko.

Alam kong medyo may tama na kami at nag-order pa ng alak etong si Samantha tapos medyo lumalalim na din ang gabi.

"Ang mahal atsaka wala namang mangyayari kung susuotin ko iyon," saad ko bago lumagok ng alak.

"Bakit naman?" tanong ni Samantha bago uminom ng alak.

"At the end of the day, mukha pa din akong patatas," saad ko bago tumawa.

"Patatas ka nga pero naging french fries, kaya madami ka ng ma-a-attract nun," saad ni Samantha.

"Glow up? From potato to french fries," saad ni Regina bago tumawa ng malakas.

"Gaga, yung boses mo mas malakas pa sa kumakanta sa stage," saway ko kay Regina pero bumusangot lang ang gaga.

"Pwede kayong mag-request ng kanta o kaya pwedeng kayo din ang kumanta," saad nung isang lalaki na nasa stage.

"Sinong kakanta? Dancer ako," saad ni Regina.

"Mas magaling pang sumayaw yung mga puno ng kawayan kesa sayo," saad ko habang nakatingin kay Regina na inaayos ang damit niya at mukhang sasabak talaga siya sa sayawang pambansa.

"Go Reg!" pag-che-cheer sa kanya ni Samantha.

"Punta ka na din dun, pag-che-cheer ko kayo," saad ko kay Samantha kaya agad namang tumayo si Samantha at lumapit kay Regina.

Uminom muna ako ng isa pang baso ng alak bago nilingon sila Regina na sumasayaw na ng kahit ano. May iba pa ngang sumayaw kasama sila.

"Go Reg! Go Sam!" sigaw ko at mukhang mas lalong ginanahan ang dalawa sa pagsasayaw.

Para makasabay ako sa kanila, kailangan ko pa ng mga tatlong baso ng alak.

Nahagip ng mga mata ko si Elion na isang lamesa lang ang layo sa lamesa namin. Napansin niya yatang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa may direksyon ko.

Dahilan para magtama ang aming mga mata. Inilapit ko ang baso sa labi ko bago uminom habang nakatingin sa kanya. At nasisiguro kong lasing na ako nung pagkatapos kong uminom ay kinindatan ko siya bago ngumisi at tumayo para puntahan sila Samantha.

"Let's dance Azielle," yaya ni Samantha bago ako hinila at dahil medyo may tama na ako edi nilabas ko ang talent ko sa pagsasayaw.

"Go Azi!" sigaw ni Regina habang sumasayaw ako, nung nag-twerk ako biglang lumakas ang mga sigaw nila Regina.

Nag-robot dance pa ako bago ginaya ang baduy na sayaw ni Regina, sinabayan pa kami ni Samantha kaya para kaming tanga.

Malaki ang ngiti ko habang sumasayaw kasama sila Regina pero agad iyong nawala noong mahagip ng mga mata ko si Elion na hawak-hawak ang beer glass at mukhang pinapanood yata kami.

Nakangiti siya habang pinapanood kami pero nung nakita niyang tinitingnan ko na siya agad siyang nag-iwas ng tingin bago uminom sa basong hawak niya at nakipag-usap sa mga kasama niya.

Minsan talaga iniisip ko na may gusto sa akin si Elion at ayaw niya lang sabihin. Pero hindi, hindi ako assuming!

Imposibleng magkagusto ang lalaking iyon sa babaeng katulad ko. I'm not perfect, at hindi kami bagay kase tao ako at hayop siya. De joke.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now