30

754 35 12
                                    

Kinikilig ako! Ang lapit ng matapos ng book na ito!
______________
__________
_____
__

30 : He's the King of the Court

"Gusto niyo? Kayo maglobo para may silbi iyang lungs niyo," saad ko sa dalawang babaeng sinusuportahan ang Black Warriors, pumayag naman sila na sila nalang ang maglobo kaya binigyan ko sila ng tig isang black at yellow na lobo.

"Ate, penge nung black, pumutok yung sakin eh," hindi ko alam bakit halos lahat ng malapit sa pwesto namin eh nanghihingi ng lobo. Sinusuportahan ba nila sila Elion? Tch!

"Ate, penge pera,"

"Putang-" nanlaki ang mata ko nung makita ko si Azriel na katabi si Eldon habang nakangisi. Nasa likuran niya din yung sila Charles at iba pa nilang kagrupo.

"Bat andito ka?" tanong ko kay Azriel pero sumandal lang siya sa upuan niya bago pinagkrus ang braso niya.

"Gusto lang naming makita na matalo yung nakatalo sa amin," saad ni Charles na nakaupo sa tabi ni Azriel.

"Edi ibig sabihin nun eh mahina kayo kase natalo kayo ng isang mahina din?" tanong ni Regina dahilan para mapasinghap si Renz na kasama din pala.

"Siya lang nagsabi na matatalo ang basketball team niyo," saad ni Renz bago umupo sa tabi ni Charles.

"Oh! Kayo maglobo," hinagis ko sa kanila ang plastic kung saan nakalagay ang mga lobo, agad naman itong sinalo ni Azriel bago pinamigay sa mga kasama niya.

"Representative of Roundell University, Black Warriors!" napunta ang atensyon ko sa court nung narinig ko na ang team nila Elion. Syempre lumakas ang sigawan nung tumayo na si Elion kasama nung mga ka-team niya. Black ngayon ang suot na jersey nila na mukhang nagpa-lakas ng dating nila.

"It's starting!" sigaw ni ate Elisa bago isinigaw ang pangalan ni Elion.

"Go! Kuya!" sigaw naman ni Eldon habang winawagayway niya ang lobo niya, minsan nga eh natatamaan ako sa ulo.

At doon na nga nagsimula ang laban nila Elion.

"Azielle! Hawakan mo toh!" wala na akong nagawa kung hindi sundin ang gustong mangyari ni Regina. Kawawa naman etong sila Eldon sa likod ko baka kase hindi nila makita.

Bagong banner ang ibinigay sa akin ni Regina. At yung kaninang banner na nakita ko ay hawak-hawak niya kaya hindi ko alam kung anong nakasulat sa banner na hawak ko ngayon.

"Ako nalang maghawak niyan," napalingon ako kay Renz kaya binigay ko sa kanya ang banner at nagpokus na lang sa laro.

Unang nakuha ng ka-team ni Elion ang bola kaya nag-cheer ako. Katapos nun ay ipinasa nito ang bola kay Cadmus.

"Go! Cadmus!!!" sigaw ko. Napasigaw ulit ako nung shinoot ni Cadmus ang bola at three points pa!

Winawagayway ko na ang lobo na hawak-hawak ko at parang gusto ko na ngang tumayo kaso baka mangalay ako, kakatayo.

"Go! Elion!" rinig kong sigaw ng mga babae, syempre hindi mawawalan ng fans ang kumag na iyon.

Parang mas marami pa yata yung cheering squad ng Roundell kesa sa ibang mga schools eh. Kasi halos nakikita ko ay yung mga lobo na black at yellow tapos banner ng pangalan ni Elion.

Napangiti tuloy ako, balang araw lalaki ang team ni Elion. Mangha din ako sa mga players nila dahil magagaling. Kung ako ang tatanungin nais ko ding maging manager ng isang basketball team.

Lalo na nung highschool ako eh naging basketball player ako kaya may alam na ako tungkol sa basketball.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naging tahimik, napunta ang atensyon ko kay Elion na ngayon ay nagdi-dribble na ng bola. Minsan natatanong ko nalang sa sarili ko, ano bang nagustuhan ko sa lalaking iyon?

Ang suplado niya, tapos hindi naman nakikipag-usap sa mga babae kung hindi mahalaga ang pag-uusapan. Sinabihan niya pa akong panget nung una kaming nagkausap.

Pero siguro ang nagustuhan ko sa kanya ay iyong pagmamahal niya sa basketball. Gusto ko din yung pang-aasar niya sa akin. Yung pagiging masunurin niya kahit minsan lang.

Tapos isama mo pa yung maganda niyang ngiti, yung maganda niyang mata. Yung mga mata niyang gusto kong titigan ng mas matagal. Kaso hindi eh. Hindi pwede. Pinansin lang naman ako ni Elion ay dahil ako ang tutor niya.

Kung hindi ako naging tutor niya, siguro ngayon eh wala ako dito at nasa bahay lang at nag-aaral para sa entrance exam ko sa Eastfar University.

Pero nagpapasalamat pa din ako sa angking talino ko dahil kung hindi, baka iba pa yung maging tutor niya. Tsk!

Naka-shoot si Elion ng three points kaya napatayo si Regina, Samantha at ate Elisa sa upuan nila. Napangiti nalang ako.

He is indeed the King of the Court.

Just like how I first met him.

Ibinaba ko ang braso ko bago inilagay sa tabi ko ang lobo na hawak-hawak ko. Bago ako umalis sa school na ito, gusto kong kausapin sila mama na dun na muna ako kila lola titira hanggang sa makapagtapos ako. At sana sa pagbalik ko ulit dito, sana hindi niya ako nakalimutan. Sana naalala niya pa din ako.

Ang babaeng katulad ko na naging tutor ng isang Elion Galdua.

Lumipas ang ilang minuto, hindi ko namalayan na isang minuto nalang at matatapos na ang laro at lamang ang Black Warriors. At alam kong sila na ang mananalo.

Agad na kinuha ni Andrei ang bola at ipinasa kay Elion, si Elion naman ay mas naging mabilis lalo na't todo bantay ang kalaban sa kanila. Nakawala siya sa kalaban at dahil doon na-i-shoot niya ang bola.

At doon umingay ang mga tao dahil, panalo sila Elion. Panalo ang Black Warriors at maglalaro ulit sila para sa second round sa third day.

Nabigla ako nung hinila ako ni Regina at sumunod kami kay ate Elisa na bumaba sa bleachers para puntahan si Elion.

"Huy! Bat dinamay mo ako?!" nagpapanic kong tanong kay Regina lalo na't malapit na kami sa bench nila Elion.

Taeng toh, ayaw ko nga ipaalam kay Elion na pumunta ako eh. Lihim akong napanguso nung huminto kami nila Regina. Nagtago naman ako sa likod ni Regina at tumingin nalang sa kabuuan ng stadium. Hindi hinahayaang mapunta sa harapan ko ang paningin.

Kumunot ang noo ko nung maramdaman kong wala na ang presensya ni Regina sa harapan ko kaya napatingin ako sa harapan ko at doon ko nakita ang dibdib ni Elion.

Napatingala ako at nung magtama ang mga mata namin, syempre bumilis ang traydor kong puso. Shet.

"B-Bakit?" parang gusto ko nalang suntukin ang sarili ko dahil sa pag-uutal ko. Nanlaki ang mata ko nung bigla siyang ngumiti. Yung ngiting ngayon ko lang nakita. Yung ngiting hindi nakakaloko.

"Azielle Faith," tumindig ang balahibo ko nung marinig ko ang pangalan ko na lumabas mula sa bibig niya.

"Bakit?" salamat at hindi ako nautal.

"I'm Elion Daze Galdua," saad niya bago naglahad ng kamay sa akin, hindi ko maiwasang magtaka.

"Bakit ka nagpapakilala?" tanong ko kay Elion bago tiningnan ang kamay niyang nakalahad. Tiningnan ko ulit siya at nakita kong nakangiti pa din siya bago umangat ang gilid ng labi niya.

"We have a deal, na ipapakilala ko sa iyo ang pinakagwapong basketball player kapag nanalo kami so..." ngumiti si Elion bago sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya. Napatulala nalang ako.

"Here I am, ako ang pinakagwapo, I'm Elion Daze, the King of the Court," he said before smiling attractively.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now