12

550 32 5
                                    

12 : Hard

"Tangina bakit ba tayo uminom?" rinig kong tanong ni Regina habang nakasubsob na sa lamesa namin.

"Isa pa!" sigaw ko habang si Samantha naman ay tinawag ang waiter.

"Hey!" napaigtad ako sa lalaking nagpatong ng kamay niya sa balikat ko.

"Oh?!" napasipol ako nung nakita ko si Elion na nakabusangot habang magkasalubong ang makakapal niyang kilay.

"You're drunk," saad niya bago umiling-iling.

"Bakit kaya nasa harapan ko si Elion? Imposibleng lumapit siya sa akin," saad ko bago hinawakan ang pisngi nung lalaking kamukha ni Elion.

"You're really drunk," saad niya dahilan para matawa ako.

"Ang lambot naman ng pisngi mo," saad ko bago pinisil ang pisngi ng kamukha ni Elion.

Talagang may tama na ako dahil kahit ibang tao ang nasa harapan ko, nakikita ko pa din ang napakagwapong mukha ni Elion.

"Alam mo? Minsan gusto kong tanungin kay Elion, bakit sobra sobra iyong atensyon na binibigay niya sa akin," saad ko bago ngumuso matapos kong paglaruan ang pisngi niya dahilan para mapanguso din siya.

"Kung tatanungin mo iyan sa akin- I mean sa kanya, ang isasagot niya ay-"

"Azielle Faith! Here's your drink," agad na hinablot ng kamukha ni Elion ang shot glass bago ko pa iyon makuha at agad niya iyong nilagok bago ibinalik kay Samantha na wala ng laman.

"No more drinks," seryosong saad ng kamukha ni Elion bago pinitik ang noo ko.

"Aray..." saad ko habang nakanguso at hinihimas ang mala-airport kong noo. De joke lang.

"Let's go," saad nung kamukha ni Elion bago ako hinila para magsimula ng maglakad.

"Sir! Hindi pa po nababayaran ang mga kinain at ininom nila!" rinig kong sabi ng waiter sa lalaking hinihila ako.

"Take this," saad niya bago binigay ang tumataginting na limang libo. Nanlaki pa ang mata ko nung hindi na pinabalik ng lalaking ito ang sukli.

"B-Bakit?!" tanong ko sa kanya nung naglalakad na kami sa may dalampasigan.

"What?" tanong niya naman pabalik.

"Bakit di mo kinuha yung sukli?!" padabog kong tanong sa kanya bago kinuha ang pala-pulsuhan kong hawak hawak niya.

"Gusto mo kunin ko?" tanong niya kaya tumango ako.

"Wag na, nakakatamad bumalik," saad niya bago umupo sa may buhangin.

"Masipit ka sana ng mga alimango diyan," saad ko bago pinag-krus ang mga braso ko.

"Akala mo naman mangyayari yun- Aray!" agad siyang tumayo at lumuhod sa buhangin para tingnan kung ano ang tumusok sa puwitan niya.

"Alimango?" tanong ko sa kanya bago tumawa ng malakas nung makitang alimango na maliit ang naupuan niya.

"Karma," saad ko bago tinanggal ang tsinelas ko at inupuan iyon. Tiningnan muna ako ni Elion bago ginaya ang ginawa ko.

Nasisiguro kong si Elion ang kasama ko dahil kung hindi siya si Elion, hindi naman siya mamimigay ng limang libo ng walang kinukuhang sukli.

"Ikaw ba si Elion?" biglang tanong ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin bago itinagilid ang ulo niya.

"I'm Daze," sagot niya bago ngumiti dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at tiningnan ang kalmadong dagat sa harapan namin. Ang buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa amin. Kahit medyo nahihilo ako pilit ko pa ding tinitingnan ang napakagandang tanawin.

"Bukas siguro hindi mo na maalala ang etong mga ginagawa mo," saad niya kaya nilingon ko siya bago ngumiti ng matamis.

"Syempre, lasing ako eh," saad ko bago nag-iwas ng tingin, narinig ko nalang ang tawa niya. Pagkatapos nun ay nabalot na kami ng katahimikan.

"The moon is beautiful isn't it?" I asked suddenly while looking up in the sky. Naramdaman kong tiningnan niya ako pero hinayaan ko nalang siya.

Hindi na siya nagsalita at tumingala nalang din sa langit para pagmasdan ang maliwanag na buwan.

Tinanggal ko muna ang mga salamin ko bago kinusot-kusot iyon dahil medyo inaantok na din ako.

"Let's go," saad ni Elion bago nagsimulang maglakad matapos niyang tumayo. Agad naman akong tumayo habang hawak-hawak ko pa din ang salamin ko.

"Hintayin mo ako!" tumakbo ako para mahabol ko siya dahil ang bilis niyang maglakad. Lumingon siya sa akin pero nag-iwas din ng tingin at patuloy lang sa paglalakad.

Habang hinahabol siya, sinuot kona ang salamin ko kaya nahabol ko na siya.

"Hoy! May naalala ako!" bumaling siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"What?"

"Y-Yung! Tali ko sa buhok! Yung tinali ko sa buhok mo habang buhat buhat mo ako! Hindi mo pa binabalik! Siguro pasimple mong ginagamit tuwing gabi noh?!" sabi ko sa kanya habang nakaturo sa kanya ang hintuturo ko at nakangisi ng nakakaloko.

"Tss..." saad niya bago binilisan lalo ang paglalakad niya. Sa totoo lang, para kaming tanga kase yung isa naglalakad na akala mo tatakbo na tapos yung isa pilit na sinasabayan yung isa.

Ang gulo, jusko bakit hindi nalang kami maglakad ng maayos, nawawala tuloy yung antok ko kakahabol kay Elion.

"By the way, nasaan na yung mga kaibigan ko?" tanong ko sa kanya habang nakikita na namin ang mga hilera ng mga cabins.

"Nahatid na nila Aiden sa cabin niyo," saad niya bago nilagay ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya. Namamangha akong napatingin sa braso niya kung saan nakikita ko ang mga muscles niya. Wow!

"Pasakal nga gamit yang braso mo," wala sa sariling sabi ko. Kung hindi ako lasing sigurado akong hindi ko ito sasabihin kay Elion.

"What the..." hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Elion habang nakangiwi. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

"Gago! Joke lang," saad ko bago tumawa.

"Lasing ka ba?" tanong ko bigla sa kanya.

"Slight," sagot niya. Nasa tabi ko na siya naglalakad dahil bumagal siya sa paglalakad noong sinabi kong pasakal ako gamit ang braso niya. Hihi.

Lakas na talaga ng tama ko.

"Yun! Yun! Yun yung cabin namin!" sigaw ko kaya pinitik ni Elion ang noo ko dahilan para matigilan ako at masama siyang tiningnan habang hinihimas ang noo ko.

"Pangalawang beses mo na pinitik ang noo ko!" singhal ko sa kanya pero ang nakuha ko ay isang pitik ulit sa noo.

"Ang ingay mo eh," saad niya matapos niyang pitikin ulit ang noo ko.

"Baka mamaya namumula na!" inirapan ko siya bago naglakad patungo sa pintuan ng cabin namin.

"Sleep tight," rinig kong sabi niya bago ko pa man mabuksan ang pinto ng cabin namin. Nakabusangot akong lumingon sa kanya.

"Ikaw din, sleep tight tapos wag ka ng magising," sa matabang na boses kong sabi sa kanya. Nagtaas lang siya ng isang kilay bago nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng khaki shorts niya at nagsimulang maglakad papunta sa akin.

Napako naman ang paa ko habang pinapanood siyang maglakad papunta sa akin. I can feel my heart beating so fast. Epekto ba ito ng alak? O baka epekto ito ni Elion?

Napatingala ako sa kanya noong nasa harapan ko na siya. Ang tangkad niya kasi eh, palibhasa basketball player.

"Bakit di ka pa umalis-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla niyang nilagay sa likuran ng ulo ko ang isa niyang kamay kasabay nun ang pagdampi ng malalambot niyang labi sa noo ko.

And from that day, I knew that I'm falling hard. At mahihirapan akong kalimutan ang hinayupak na ito.

A Girl Like You (CRS #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang