13

551 29 5
                                    

13 : About him

"Mga depungal, gising na!" sigaw ko habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko. Kakagising ko lang at medyo masakit pa ang ulo ko. Tanginang alak yan.

"M-May sunog ba?!" tanong ni Regina habang kinakabahang tumitingin sa buong cabin.

"Wala," saad ko bago nagmumog.

"What time is it?" tanong naman ni Samantha habang nagkukusot ng kanyang mata.

"Oras na para matulog," saad ko bago nagsipilyo.

"Oh tara tulog ulet," saad ni Regina bago bumalik sa pagkakahiga.

"By the way, sino nagbayad ng mga ininom natin?" nagkatinginan kami ni Samantha habang hawak hawak niya ang card niya.

"Hindi mo nabayaran?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong magmumog.

"Chineck ko yung gcash ko at wala namang nabawasan so ibig sabihin hindi tayo nakabayad?!" agad na napatayo si Samantha bago pumasok sa banyo pagkatapos kong lumabas.

"Taena, paano tayo makakakain dun kung hindi ka nakapagbayad? Mamaya niyan pinaghahanap na tayong tatlo, 'ang mga babaeng lasing na hindi nagbabayad'," saad ni Regina habang nakahiga.

Nung pumunta kami sa resto bar na pinuntahan namin noon, himala dahil hindi kami siningil. Nagandahan yata sa amin kaya libre lahat ng ininom namin. Alam ko ang dami nung na-order namin.

"Buti nalang nakabalik tayo sa cabin kahit lasing tayo," saad ko bago uminom ng hot chocolate.

"Infairness ha, naging kaibigan ko kayo," saad ni Samantha habang nakangisi.

"Bakit? Madami ka namang kaibigan ha," saad ni Regina bago sumubo ng sausage.

"Mga plastik naman,"

"Buti nalang kami mga stainless kami," saad ko bago ngumiti ng nakakaloko.

"Stainless na ano?"

"Stainless plastik," sagot ni Regina.

Naging magkasama kaming tatlo buong araw hanggang huling araw ng trip namin.

"Tara, inom tayo ulit," yaya ni Samantha habang nagtatali ng buhok niya.

"Aral ka muna para masali ka sa top 5," walang kwentang saad ni Regina.

"Akala mo naman nasa top 5 ka," nag-irapan sila sa isa't-isa habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Minsan talaga napapaisip ako bakit parang nadadagdagan ang mga kauri namin ni Regina.

"Tara sa resto bar na pinuntahan natin nun, baka malibre ulit tayo," saad ko bago inayos ang salamin ko.

"Seryoso ka? Ganyan susuotin mo?" nakangiwing tanong ni Samantha habang nakatingin sa damit ko, tiningnan ko naman ang damit ko at nagtatakang tumingin kay Samantha.

"Bakit?"

"Seriously? A sweater and a sweat pants?"

"Bakit? Kumportable kaya ako dito, malay mo makapag-tumbling pa ako mamaya," saad ko bago tinali ang buhok ko.

"Pantulog mo ba yan?" tanong ni Regina.

"Paano mo nahulaan?!" nagkunwari pa akong nagulat pero inirapan lang ako ni Regina.

"Guys, how about magsuot tayo ng pajamas?"

"Kung may soju kayo, yun nalang sa akin," saad ko sa waiter bago sumandal sa upuan ko at tiningnan ang banda na kumakanta sa harapan.

"Mga third years ba yan?" tanong ni Regina habang nakatingin din sa mini stage kung nasaan ang mga third years na kasama namin sa beach trip.

"Mas magaling pa yata akong kumanta kesa dun sa isa," saad ko habang nakapangalumbaba.

"GAGO KA AH-!" napatili si Samantha at Regina dahil sa isang sigaw ng lalaking hindi naman taga Roundell.

Sinisigawan niya ang isa naming kaklase na si Jerson. Napatayo ako nung sinuntok nung isang lalaki si Jerson pero buti nalang nakaiwas kaagad si Jerson.

"Tangina mo! Tarantado! Dapat lahat ng lalaking kagaya mo ay pinuputulan ng-" buti nalang at agad siyang naawat ng dalawa niyang kaibigan habang ang dalawang lalaki na kaaway niya ay agad ding umalis.

"Dapat putulan ng ano?" nakangising tanong ko kila Samantha bago umupo.

"Guys! Pasensya na sa nakita niyo," saad nung isang kaibigan ni Jerson bago binalik sa isang third year ang microphone.

"Alam niyo ba? Nung nasa isang party ako, narinig kong nag-rap si Elion," agad na napunta ang atensyon ko kay Samantha nung marinig ko ang pangalan ni Elion.

Buti nga, hindi ko pinapasagot si Elion ng mga lessons na pinag-aaralan nila ngayon, siguro bukas nalang kapag may pasok na.

"Nag-ra-rap?!" tumango si Samantha sa tanong ni Regina.

"Atsaka narinig ko din na may tattoo siya at kasali daw siya sa isang gang dati kaso nagbagong buhay na daw siya simula nung first year college na siya," hindi ako makapaniwala nung tumingin ako kay Samantha dahil sa sinabi niya.

"Seryoso?! May tattoo siya?!" tumango ulit si Samantha bago uminom ng alak na nilagay ng bartender sa harapan niya.

"Saan banda yung tattoo niya?" nagkibit balikat si Samantha sa tanong ko. Doon ko lang napagtanto na hindi lahat ng bagay ay alam ko tungkol kay Elion.

"Malay niyo nasa chest niya? O kaya sa braso niya,"

"Imposibleng nasa braso niya yun, kase wala naman akong nakita eh," napunta ang atensyon nilang dalawa sa akin.

"Paano mo nakita?"

"Duh, nung naka-sleeveless na sando siya," saad ko bago uminom ng soju na binigay kanina sa akin nung bartender.

"Weh?" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha. Oo nga pala, hindi niya alam ang tungkol sa pagiging tutor ko.

"Ganito kase yan, etong si Azielle the great," lumapit muna si Regina kay Samantha bago bumulong.

"Ay tutor ni Elion," napasinghap si Samantha bago tumingin sa akin na nakangisi.

"Weh?! Pero bakit hindi kayo nagpapansinan? Baka mamaya scam ka," napanguso ako bago pumangalumbaba.

"Want a proof?" tanong ko kay Samantha bago ulit lumagok ng soju. Tumango naman si Samantha kaya napangiti ako at tumingin sa paligid para hanapin si Elion.

Nung nakita ko siyang kasama ang mga third years, naghintay akong mapansin niya ang titig ko sa kanya.

"Try mo nga papuntahin ang badboy na yan dito," saad ni Samantha kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Masusunod kamahalan," saad ko, ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Elion at medyo nagulat pa ako nung makitang nakatingin siya sa akin.

He looked at me confusedly when I gestured him to go near me. When I look at him and mouthed him to go near me, he just tilted his head.

"Ge, condolences nalang sa mga grades mo," saad ko sa kanya kahit hindi ako sigurado kung naintindihan niya ba. Tinalikuran ko na siya bago tumingin sa reaksyon ni Samantha.

"What the-" ani Samantha.

"What do you want, ugly witch?" napaangat ang gilid ng labi ko nung marinig ang boses ni Elion na nasa likuran ko. Tinaasan ko lang ng kilay si Samantha bago bumaling kay Elion na mukhang inaantok na.

"May tattoo ka ba?" medyo natigilan siya sa tanong ko bago tumango.

"See! I told you!" saad naman ni Samantha dahilan para mapatingin sa akin si Elion habang nakakunot ang noo.

Tama nga ako, madami pa akong dapat malaman tungkol sa kanya. I wanna know more about him.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now