02

897 27 7
                                    

02 : Tutor and the tutee

"Ako? Tutor mo?" tanong ko sa kanya gamit ang matabang kong tono.

"Akala ko ba ayaw mo sa mga panget na babae?!" tinulak ko siya kaya nakawala ako sa pagkaka-corner niya sa akin. Buti nalang. Baka kase maging marupok ako at bumigay sa kanya. Gosh!

Napakagat labi lang siya habang nakatingin sa akin at nakikinig sa mga pinagsasabi ko.

"Kaya bakit ako ang tinatanong mo? Maghanap ka ng ibang magtu-tutor sa iyo, iyong mas maganda, mas sexy at mas marunong kesa sa akin!" sabi ko sa kanya bago siya inirapan at tinalikuran para umalis palayo sa kanya.

Kahit nagpu-puppy eyes siya sa akin, hindi ako bibigay sa kanya! Gagawin ko ang lahat para mapalayo sa kanya! Tutal ayaw niya naman sa babaeng katulad ko. Grrr!

Kapag ako talaga ay gumanda tapos magustuhan niya na ako, hindi ko na siya gusto nun!

Patuloy lang ako sa paglalakad pero napatigil din ako dahil sa naisip ko.

Kung mag-ayos na kaya ako ng sarili ko para magustuhan ako ni Elion at maghiganti sa kanya? Kaso hindi ko alam paano magpaganda at hindi ko din alam kung anong type ni Elion sa babae. Hmm?

Humarap ako kung nasaan si Elion, at nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nakatingin sa kanyang paanan.

Nag-iisip siguro iyon kung sino ang yayayain niyang maging tutor.

Umirap ako sa hangin bago padabog na naglakad pabalik kay Elion.

Kapag may naging desisyon na ako, hinding-hindi ko na iyon babaguhin pa. Pero bakit ngayon bumabalik ako para sabihing willing akong maging tutor ng kumag na ito kahit buo na ang desisyon ko na hindi ako papayag?!

Tumayo ako sa harapan niya dahilan para mapaangat siya ng tingin sa akin.

Nagsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako na-a-attract sa kanya. Siguro tama etong magiging desisyon ko ngayon. Worth it siguro ang pag-iiba ko ng desisyon.

Tumikhim muna ako bago siya tiningnan ng diretso sa kanyang mga matang minsan ko na ding pinangarap na tingnan ako kahit ilang segundo lang.

Pero heto siya ngayon nakikipagtitigan sa akin at hinihintay akong magsalita na kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari. Siguro dahil lilipat na ako next year napagdesisyunan ni Lord na tuparin ang mga wish ko bago ako mag move-on kay Elion!

"Fine, I'll be your tutor but..." parang lumiwanag ang mukha niya dahil sa pagpayag ko pero natigil ito ng bigla akong ngumisi bago isinandal ang isa kong kamay sa pader na malapit lang sa ulo niya.

Napatingin siya sa kamay kong nakapatong, na para bang kinukulong ko siya kagaya ng ginawa niya kanina sa akin.

My smirked grows when I saw the amusement in his eyes while looking at me.

"But what?" tanong niya bago dumukwang pero hindi ako lumayo at hinayaang magkalapit ang mukha namin.

Damn it! Yung puso ko!

"But you need to return the favor and make me beautiful," I saw the amusement in his eyes grew while he's grinning, attractively.

"Beautiful? Mukhang mahihirapan ako diyan," saad niya habang nakangisi ng nakakaloko. Biglang nawala ang ngisi ko at inis na tumingin sa kanya.

"Mukha ngang mas mahihirapan ako sayo eh!" pasinghal kong sigaw sa kanya kaya natawa siya. Bahagya akong natulala dahil ngayon ko lang siyang nakitang tumawa ng ganito kalapit.

Damn. Sanay kasi akong lagi siyang pinapanood mula sa malayo tapos ngayon nasa mismong harapan ko na siya.

"Kaya mo yan," saad niya bago nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya habang nakangisi pa din siya sa akin. Tinanggal ko na ang kamay kong nakasandal sa pader bago ko tiningnan ng masama si Elion.

"Bukas magsisimula ang pagtuturo ko sayo," tumango siya at akma na siyang aalis ng magsalita ulit ako.

"Sa library, kapag lunch time," tumango ulit siya kahit nakatalikod na siya sa akin. Bago pa siya makapag-lakad palayo, inunahan ko na siya dahil ako dapat ang unang nagwa-walk out.

Nang makarating ako sa room, parang lumambot ang mga binti ko ng makaupo ako sa upuan ko. Nagtataka namang napalingon sa akin si Regina na seatmate ko.

"Anong nangyari?" tanong niya kaya lumingon ako sa kanya bago umayos ng upo.

"May tutee ako," sagot ko bago ipinikit ang aking mga mata na para bang pagod na pagod ako sa ginawa ko. Well, sinong hindi mapapagod kung mauubos ang lakas mo sa tuwing tinitingnan ka ng ganoon ka-gwapong lalaki?!

"Weh? Sinong tutee mo?" tanong ni Regina kaya kahit nakapikit ako at hindi nakatingin sa kanya, sinagot ko pa din ang tanong niya.

"Kung sino yung gusto mong turuan ko," sagot ko narinig ko siyang napasinghap kaya iminulat ko ang mata ko at mapupungay ang matang lumingon kay Regina.

"S-Si Elion?!" buti nalang at wala ang teacher namin kaya medyo maingay ang loob ng room namin at natatabunan ng kaingayan ang pangalan ni Elion na sinabi ni Regina.

Napaiwas lang ako ng tingin at dahil doon napagtanto nga ni Regina na ang iniisip niya ay tama. Na ang tuturuan ko bilang tutor ay si Elion.

"Kung kailan ka nag-mo-move on doon naman natutupad yung mga dasal mo tuwing gabi," napairap ako sa sinabi ni Regina.

"Well, bakit hindi ko nalang sulitin na kasama ko siya? Tutal next year lilipat na ako," wala sa sariling saad ko. Humagikhik naman si Regina sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Tama ka! Sulitin mo nalang na magkasama kayong dalawa bilang tutor and tutee, tutal last year mo na din naman dito kaya sulitin mo na ang mga araw na kasama mo si Elion, na my loves mo dati," napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ni Regina.

Tutal tutulungan naman ako ni Elion na gumanda kaya sigurado akong makakahanap pa ako ng bago sa Eastfar at doon makakalimutan ko si Elion.

"Basta tandaan mo, huwag kang marupok," tumango ako kay Regina na inakbayan ako.

"Alam mo? Kapag dito sa room ibang-iba ka noh? Pero kapag sa bahay niyo walang hiya ka at ang lakas ng mga trip mo," natawa ako sa sinabi ni Regina.

She's right, magkaiba ang ugali ko sa bahay at sa school. Dito sa school mukha akong nerd at tahimik lang, pero sa bahay ibang-iba ako at si Regina lang ang nakakaalam ng totoong ako.

"Basta besh, wag kang marupok at laging tatandaan na wag mong ipahalata kay Elion na gusto mo siya, baka kase hindi ka na naman matuloy sa balak mong paglipat ng Unibersidad," tumango ulit ako.

We'll just spend our time as a tutor and a tutee. Cause I know, na kaya lang naman siya nakikipag-usap sa akin ay dahil ako ang tutor niya. Ang tutor niya hanggang sa huling exam namin.

At sana kahit sa huling pagkakataon masilayan ko naman ang pangalan ni Elion na nasa board ng mga nakapasa para sa next year.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now