29

638 26 4
                                    

29 : Nationals

At dahil mabilis nga ang oras, dumating na ang araw na gaganapin na ang Nationals. Gaganapin ang Nationals ng basketball tournament sa Sports Stadium na mahigit tatlumpung minuto ang layo sa Roundell University.

At dahil pinipilit ako nila Samantha na sumama simula pa kahapon para manood ng laban, edi ngayon ay nakasuot ako ng tight jeans na nakatop in sa checkered na puff sleeve garter top tapos white shoes.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate namin eh sumalubong agad sa akin ang banner na ginawa ni Regina para sa Black Warriors.

"Kailangan handa tayo!" saad ni Regina bago tinupi ang banner at inabot sa akin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya bago sa banner na hawak ko ngayon.

"Anong gagawin ko dito?"

"Ikaw maghawak tutal ikaw ang pinakamatangkad sa ating tatlo," napabusangot ako bago naglakad papunta sa shotgun seat ng kotse ni Samantha. Buti pa siya may kotse na, ako wala pa.

"Bumili din ako ng patayong lobo na kulay black at yellow," inangat ni Samantha ang plastic kung saan nandoon ang mga lobo na kailangan pang lobohin.

"Madami din ang pupuntang mga taga-Roundell kagaya nung last year," saad ni Regina habang papasok siya sa backseat.

"Mga taga malalayong school na ang makakalaban nila Elion niyan," saad ni Samantha bago nagsimulang magmaneho.

"Kain muna tayo," saad ko naman habang kinakabit ang seatbelt ko.

"Maaga pa naman, take-out nalang tayo noh? Like pizza? Tapos kainin nalang dun sa stadium," suggest ni Samantha kaya pumayag na din ako. At naghati-hati kami sa pambili ng pizza sa yellow cab.

"Pinakamalaki bilhin mo, tapos palagay ka na din ng hot sauce," saad ni Regina kay Samantha habang nagpa-park kami sa parking lot ng yellow cab.

"Mas masarap yung hot sauce ng pizza hut," saad ko bago kinuha ang phone ko para ipaalam kay Azriel na umalis ako, hindi ko na kasi siya ginising dahil tulog mantika siya tapos umalis din sila mama ng maaga kaya siya nalang ang naiwan doon.

"Iniinom mo siguro yung hot sauce ng pizza hut," biro ni Regina.

"Oo,"

"Weh?!"

"Oo nga, minsan sa isang hati pizza eh nakakaisang pack ako ng hot sauce," saad ko bago nagkibit balikat.

"Gusto niyo frappuccino ng Starbs?" tanong ni Samantha.

"Gege, basta bumili ka nalang ng pagkain na makakain ng mga taong kagaya natin," saad ko bago pinatay ang phone ko.

Nung nakabili na kami ng mga pagkain namin, dumiretso na kami sa Sports Stadium, at agad na naghanap ng magandang pwesto. First day maglalaro ang Black Warriors at sa third day din kung mananalo sila ngayon.

"Wala tayong panglobo ng mga lobo!" pasinghal na sigaw ni Regina habang kumakain ng pizza. Napangiwi naman ako sa kanya dahil nakita ko ang loob ng bibig niya. Kaderders.

"Ikaw nalang kaya magpalobo para naman may silbi iyang lungs mo," saad ko kay Regina dahilan para mapabusangot siya.

"Dapat liwas-liwas tayo para naman may silbi mga lungs natin na walang kwenta," saad ni Regina kaya tumango ako.

"Girls, mukhang madami tayong makakalaban ah," napaangat ako ng tingin sa mga dumadating na tao na may mga lobo at mga banners ng mga players nila.

"Ilang seats ba ang nasa stadium na ito?" tanong ni Regina.

"10,000" sagot ko.

"Paano mo nalaman?"

"Sinearch ko kanina," sagot ko bago uminom sa frappuccino ko.

"Azielle!" napunta ang atensyon ko sa tumawag sa akin, at doon ko nakita si ate Elisa at si Eldon.

"Hala, si Elion ba yun?" ani Samantha.

"Diba yun yung babaeng pinagseselosan mo?" ani Samantha.

"Gaga, kapatid yan ni Elion,"

"Weh?! Akala ko jowa niya," natatawang sabi ni Samantha.

"Hi," nahihiyang kumaway si Eldon sa amin.

"Hi, Azielle," tinanguan ko lang si Eldon. Ang alam ko eh kasing edad nitong si Eldon si Azriel eh, kaso si Azriel taga-Eastfar tapos etong si Eldon taga-Roundell.

"Guys, pizza?" niyaya ni Samantha si ate Elisa at Eldon na kumain ng pizza. Masaya namang kumain si Eldon habang nakapwesto na sa likuran ko. Tumabi naman si ate Elisa kay Samantha.

"Ate ka pala ni Elion, akala namin dati ni Azielle jowa ka niya," napaubo naman bigla si Eldon at muntikan pang mabulunan kaya agad ko siyang inabutan ng tubig na pinamimigay kanina sa may toll gate.

"Parang tanga naman itong si Eldon, imbes na mapanood mo si Elion eh parang didiretso ka pa yata sa langit," saad ni ate Elisa bago inirapan si Eldon.

Hala, parang kaming dalawa lang ni Azriel ah.

Hays, dapat pala sinama ko dito si Azriel para may taga-lobo kami ng mga lobo. At taga-bitbit na din ng mga basura. Sayang!

Makalipas ang ilang minuto, si Eldon na nasa likuran ko ay naglalaro na sa phone niya tapos si Samantha at ate Elisa ay nag-uusap, samantalang si Regina ay abala sa banners na ginawa niya. At ako naman ay walang ginawa kundi tumulala nalang.

Minsan pumapasok sa isip ko na mas nauna pa kaming dumating kesa sa mga basketball players.

Makalipas pa ang ilang minuto, nagsisimula ng magdatingan ang mga teams na maglalaro sa first day. Umiikot-ikot na din ang paningin ko kakatingin sa mga gwapong basketball players.

Minsan kinakalabit ko pa si Regina kapag may nakikita akong mga gwapo na napapatingin sa direksyon namin.

Hindi ko namalayan na halos punuan na ang stadium.

"Tara, gamitin na natin lungs natin," yaya ni Regina bago binuksan ang plastik kung nasaan ang mga lobo.

"Maglobo din ako," saad ni Eldon kaya inabutan ko siya ng lobo at tinanong ko pa sila Samantha kung gusto nilang maglobo din, pumayag naman sila kaya binigyan ko na din sila.

"Hala! Kamukha mo po si Elion! Pwede makiupo sa tabi mo?" rinig kong tanong ng isang babae kay Eldon.

"Nope," malamig pa sa nyebe na sagot ni Eldon sa babae.

"Finally it's here! Basketball Championships!" saad ng MC, hudyat na malapit ng magsimula ang laban.

Nagsigawan naman ang mga tao sa loob ng stadium dahil sa nararamdamang excitement.

Nahagip ng paningin ko ang grupo ng Black Warriors na papasok sa stadium at sigurado akong bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko ang seryosong mukha ni Elion habang naglalakad siya sa court na akala mo teritoryo niya ito.

"Who will be the one who'll win this year? Well let's see. Welcome to first day of Nationals!"

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now