18

513 25 12
                                    

18 : Red Storm

"GO! GO! RED STORM! PUSH IT! PUSH IT! RED STORM!"

"Bhie, gusto mo samahan kita sa banyo?" tanong ni Regina habang kinakalkal ko sa bag ko iyong contact lenses na dinala ko.

Sabi ko na nga ba't may kutob ako na kakailanganin ko itong punyetang contact lenses na toh eh.

Lagot ako kay mama niyan eh!

"GO! GO! LET'S GO! LET'S GO! BLACK WARRIORS!"

Mas lalong umiingay sa loob ng court habang palapit ng palapit ang oras ng paglalaban ng dalawang team na galing sa powerhouse schools.

"Tara, Reg," tumayo si Regina bago humarap kay Samantha para sabihing bantayan ang mga pwesto namin.

"Gege, basta bilisan niyo. Malapit na magsimula," tumango ako bago tumayo at kinuha ang shoulder bag ko.

"Tara! Walang tao," hinila ako ni Regina papasok ng banyo bago kinuha ang shoulder bag ko.

"Akin na yang salamin mo," tinanggal ko ang salamin ko bago nilahad kay Regina. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko pero wala pa ding nagbago. Malabo pa din.

Palitan ko nalang kaya yung deal namin ni Elion? Kapag nanalo sila, ibibigay niya sakin yung mata niya para naman luminaw na ang mata niya tapos ako nalang ang lalaban ng basketball para sa kanya tutal magaling naman ako sa basketball.

"Azielle Faith! Kanina pa kita tinatawag pero nakangisi ka lang diyan na parang manyak," saad ni Regina dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Anong sabi mo?!" singhal ko sa kanya.

"Ang sabi ko, lagay ko na tong contact lenses mo!" umirap nalang ako bago hinayaang lumapit sa akin si Regina para ilagay ang contact lenses ko.

Mangiyak-ngiyak pa akong tumingin sa salamin para tingnan ang sarili ko.

"Hala? Sino yun? Ba't ang ganda?" tanong ko sabay turo sa salamin.

"Gaga, mag-liptint ka para hindi maputla yang labi mo," kinuha ko kay Regina ang liptint bago naglagay sa labi ko.

"Hala, gagi! Ako yan?!" kinuha naman ni Regina ang liptint niya.

"Oo, hindi ka na mukhang manang at naging kapatid mo na si Azriel," saad ni Regina bago naglagay ng liptint sa labi niya. Bumaling naman ako sa kanya habang nakapamewang.

"Sabihin mo nga saakin, may gusto ka ba sa kapatid ko?" naubo bigla si Regina bago hindi makapaniwalang lumingon sa akin.

"Gaga ka ba? Parang maliit na kapatid ko na yun tapos tatanungin mo ko kung gusto ko yung kapatid mo?" nakangiwing tanong ni Regina.

"Akala ko gusto mo yung alimango na yun," saad ko bago kinuha ang shoulder bag ko sa kanya pati na din ang salamin ko na nakapatong sa may lababo.

"Tara na," yaya ko kay Regina. Mula dito sa banyo rinig namin yung ingay sa court.

"Punta muna tayo sa canteen," saad ni Regina pagkalabas namin ng banyo bago yumakap sa braso ko.

"Game, gutom din ako," saad ko bago naglakad papuntang canteen.

"Uy pre, jowa yata ni Elion yun oh," rinig kong sabi nung isang lalaki na taga-Roundell habang tinuturo ako.

"Ang ganda," naubo bigla si Regina sa tabi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Napano ka? Baka mamaya mahawaan mo ko sa ubo mo," inirapan ko si Regina. Pagkapasok namin sa canteen, madaming mga tao may mga taga ibang school pa nga eh.

Syempre, Inter-high ngayon kaya madaming taga ibang school ang nandito. Bobo mo naman self.

"Ano gusto mo?" tanong ni Regina nung makahanap na kami ng pwesto.

"Fries lang," sagot ko bago nilabas ang phone ko para tingnan ang sarili ko.

"Gege, hintayin mo ko dito," tumango ako bago binuksan ang phone ko at pumunta sa camera.

"Tangina ghorl, ganda mo na ah," bulong habang nakatingin sa phone ko.

"Selfie nga ako," mag-se-selfie na sana ako kaso may biglang lumitaw sa likod ko at nag-pogi sign pa. Pero kahit ganun, nag-selfie pa din ako kahit may tao sa likod ko.

"Gagong Vergel toh," rinig kong sigaw nung kasama nung lalaking sumingit sa selfie ko.

"Sorry miss," sabi naman nung Vergel na sumingit sa selfie ko. Ngumiti lang ako ng pilit bago bumaling sa phone ko.

"Parehas sila ng walang hiya kong kapatid," umiling-iling ako bago pinatay ang phone ko at tinago sa shoulder bag ko.

"Kilala mo pala yung first year na yun," napaigtad ako sa biglaang pagsasalita ni Regina sa likuran ko.

"Hindi noh! Atsaka gaga ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang lumilitaw?" pasinghal kong tanong kay Regina. Nilagay niya naman ang mga binili niyang pagkain sa lamesa bago umupo sa harapan ko.

"Kain na tayo, baka mamaya naiinip na si Samantha dun," kinuha ko ang fries ko bago nagsimulang kumain.

"Mag-pa-pa-party daw si Samantha kapag nanalo yung Black Warriors," saad ni Regina. Tumango lang ako habang nakikinig sa mga kwento niya.

"Atsaka diba may bago tayong kaklase? Yung si Art? Rinig ko siya yung dahilan bakit na homeschool daw si Jerson," tumango ulit ako.

"Nakikinig ka ba?" tumango ulit ako dahilan para mapabuntong hininga si Regina.

"Tara na nga, mukhang malapit ng magsimula," tumayo na kaming dalawa ni Regina bago bumalik sa basketball court.

"Tapos ako daw mag-ho-host sa party ni Samantha-" natigil sa pagkukuwento si Regina nung biglang may humarang sa amin. Mga lalaking naka-jersey na red.

"Oh shet! Red storm!" saad ni Regina.

"Hi, miss," napangiwi ako sa lalaking bumati sa akin.

"Bakit?"

"Pwede ka bang maging manager namin?" nabalot kami ng katahimikan matapos akong tanungin ng isang lalaki.

Ano daw? Manager nila?

"Gago ka Charles! Kita mo na ngang suot niya yung jersey nung captain nung kalaban natin tapos siya pa tatanungin mo?!" tanong nung lalaki sa lalaking nagngangalang Charles bago ito binatukan.

"Jowa mo ba si Galdua?" tanong naman nung isang lalaki.

"Hindi noh!" sagot ko.

"Weh?" nabaling ang atensyon ko sa lalaking nagsabi nun.

"Sabi ko na nga ba't-"

"Hi ate," kumaway pa sa akin si Azriel habang nakangisi.

"Grabe, akala ko talaga kanina jowa mo yan, bigla-bigla kayong nagsisigawan ng pangalan tapos nagsapakan sa gitna ng court," nakangiwing saad nung isang ka-team ni Azriel.

"By the way, eto nga pala ate ko, hindi na siya mukhang manang kaya masasabi niyong kapatid ko nga siya," inakbayan ako ni Azriel bago ako pinakilala sa team niya.

"Gago!" binatukan ko siya dahilan para mapangiwi siya sa sakit.

"Bawal ka talagang maging manager namin?" tanong ulit nung Charles.

"Siguro, kapag lumipat na ako sa Eastfar-"

"Weh?!" sabay-sabay nilang tanong dahilan para mapangiwi ako.

"Oo, lilipat siya next year, paano niyan guys magiging kalaban ko na kayo kase dito na ko sa Roundell next year," saad ni Azriel bago ngumiti ng nakakaloko.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now