24

602 25 10
                                    

24 : Her feelings

"Ate!" napalingon ako kay Azriel nung tinawag niya ako habang paakyat ako papunta sa kwarto ko.

"Oh?"

"Pupunta mga ka-team ko dito," saad ni Azriel habang nakangisi.

"Tapos?"

"Baka hindi ka makatulog kase maingay kami," sagot naman ni Azriel bago nagkibit balikat.

"Subukan niyo lang mag-ingay, ako mismo ang babato ng bola sa mukha mo," sinamaan ko muna ng tingin si Azriel bago pinagpatuloy ang pag-akyat sa kwarto ko. Bukas na namin malalaman ang resulta ng mga exams namin, samantalang etong sila Azriel eh pinakita na kanina yung mga resulta nila, kaya siguro pupunta mga ka-team niya dito ay dahil pasado sila lahat.

Mula sa kwarto ko, rinig ko ang tawanan nung mga kasama ng kapatid ko. Hindi ko naman expect na lahat ng ka-team niya ay pupunta. Buti nalang eh wala pa si mama at papa dahil nasa trabaho pa din sila, siguro mga madaling araw na sila makakarating.

"Asan si ate mo?" rinig ko ang pamilyar na boses ni Charles.

"Patay na," walanghiyang sagot ni Azriel.

"Ano?!" pati na din ang boses ni Renz ay narinig ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama bago kumuha ng isang hoodie, dahil gusto kong pumunta sa convenience store para kumain.

Mga tatlong oras na din simula nung dumating sila Renz at tatlong oras na din akong nagtitiis sa kaingayan nila. Kung malapit lang sana ang bahay nila Regina edi sana nandoon na ako.

Tinali ko muna ang buhok ko bago binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Oh ate, nabuhay ka, musta ang impyerno?" nakangising tanong ni Azriel habang hawak-hawak niya ang bola ng basketball.

"Wag mo kong subukan," inirapan ko siya bago nila ako pinanood na bumaba sa hagdanan. Para naman yata akong prinsesa. Tsk!

"Aalis ka teh?" tumango lang ako kay Azriel habang inaayos ang hood ng hoodie ko.

"Wait teh! Aalis na din si Renz eh kaso di niya alam saan yung sakayan, atsaka tamad akong samahan siya hanggang doon tutal aalis ka naman edi ikaw nalang maghatid sa kanya sa sakayan," nginitian ako ng matamis ni Azriel habang blanko lang ang ekspresyon ko na nakatingin sa kanya.

Napansin ko din na mukhang paalis na etong si Renz, kaya tumango nalang ako. Pasalamat nalang si Renz dahil ang cute niya kaya sasamahan ko siya. Hehe.

"Uhhh, alam kong pupunta ka sa convenience store, sorry kung inabala pa kita," napalingon ako kay Renz nung bigla siyang nagsalita habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng bus.

"Ayos lang, basta bigyan mo ko pambili ng pagkain," biro ko sa kanya pero hindi ko naman akalaing papayag siya dahil nung nakarating na kami sa sakayan eh inabutan niya ako ng limang daan.

"H-Hoy! Nagbibiro lang ako!" sigaw ko sa kanya pero kumaway lang siya bago umakyat sa bus, habang naiwan lang akong nakatayo.

Buti pa siya limang daan yung binibigay samantalang ako kahit lima hindi ko kayang ibigay.

Matapos kong makabili ng pagkain, hindi ko namalayan na dumaan ako kung saan madadaan ko ay bahay nila Elion. Mula sa kung nasaan ako, nakita ko si Eldon na nakakabatang kapatid ni Elion na nasa labas at nagdidilig ng halaman.

Napatigil naman ako sa paglalakad nung makita ko ang babaeng kasama nun ni Elion. Iyong magandang babae, nakaupo siya sa isang upuan habang pinapanood si Eldon sa pagdidilig.

Bakit nandoon ang babaeng iyon?

Nung nakita ko si Elion na lumabas sa bahay nila at halatang nakapang-alis, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ay shet! Yung puso ko!

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Samantha habang naglalakad kami palabas ng gate ng school nun.

"Amin-amin din pag may time," saad ni Samantha habang nakangiti.

"Alam niya na din naman na gusto ko siya eh, kaya bakit pa ako aamin?" saad ko bago nagkibit balikat.

"Mas maganda kung aaminin mo na ikaw mismo nagsabi, hindi iyong sinabi ng iba sa kanya, para naman maging magaan na ang loob mo dahil inamin mo na sa kanya," singit naman ni Regina.

Napabuntong hininga ako dahil sa naisip ko. Alam kong mahirap umamin ng nararamdaman pero dahil walang hiya ako, edi bukas na bukas din eh aamin na ako sa lalaking iyon para mapanatag na ang buhay ko!

Tumalikod ako bago naglakad palayo, ayaw ko na kasing dumaan sa harapan ng bahay nila. Baka masaktan lang ako kapag nakita ko siya kasama ang babaeng iyon.

"Ay! Koreanong batak! Napano ka Azi?!" singhal ni Regina nung bigla akong tumayo habang kumakain kami sa canteen.

"Aamin na ako,"

"Ha?!" sabay pa sila ni Samantha nung sinabi nila iyon.

"Seryoso ka?!" tumango lang ako bago inayos ang buhok ko pati na din ang palda at uniform ko.

"Alam niyo ba kung nasaan siya?" seryosong tanong ko kila Samantha.

"Oo, nasa basketball court siya, yung sa labas," tumango lang ako bago lumabas ng canteen para puntahan si Elion. Ang init-init tapos nandoon siya sa court dun sa labas?

Nung makita ko siyang nag-sho-shoot ng bola mag-isa habang yung mga kasama niya ay nasa gilid at nagpapahinga, unti-unti akong lumapit sa kanya. Sakto namang hindi niya na shoot ang bola at gumulong papunta sa paanan ko.

Kinuha ko ang bola mula sa paanan ko at diretso siyang tiningnan sa kanyang mga mata, na nakatingin na din sa akin dahil nasa akin ang bola. Naglakad ako papalapit sa kanya bago huminto, siguro mga tatlong hakbang ang layo ko sa kanya. Napansin ko din ang mga kasama niyang nakatingin sa akin.

Pero wala na akong pake sa kanila, ang pake ko lang ay ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Alam mo? Naiinis ako sayo, sinabihan mo akong panget sa harapan ng mga magulang natin, tapos ang rude mo, akala mo hindi babae iyong kasama mo, tapos bad boy ka pa, ang dami mong sikreto, nakakainis ka! Yung tipong gusto kong ihagis itong bola sa mukha mo dahil sa sobrang suplado mo! Pero salamat! Salamat dahil sa maikling panahon eh napasaya mo ako, kahit ganyan ka masaya ako, kahit kausapin mo lang ako eh masaya na ako dahil simula nung nakilala kita, iyon ang hiling ko. Na sana balang araw eh kausapin mo ako, kausapin mo ang isang babaeng katulad ko," saad ko sa kanya kahit medyo kinakabahan na ako.

"Alam kong wala kang pake kung sabihin ko ito sa iyo, baka nga ngayon eh nasusuka ka na dahil sa mukha ko, pero Elion Daze Galdua! Gusto kita kahit gago ka!" kasabay nun ang paghagis ko ng bola sa dibdib niya pero hinayaan niya lang na tumama ang bola sa dibdib niya.

Namumula at naiinis akong tumalikod at tumakbo palayo.

Ay shet! Nagawa ko din! Ang tanging gagawin ko nalang ay iwasan siya.

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon