23

594 28 11
                                    

23 : Examinations

Kagaya ng gusto ko. Hindi ako pumunta sa pa-party ni Samantha para sa basketball team. Lumipas ang ilang araw at ngayon na ang examinations.

"Paano niyan? Hindi mo siya tinuruan? Baka mamaya..." hindi ko pinansin si Regina nung sinalubong niya ako sa pinto ng room namin. Maagang pumasok ang mga kaklase ko para makapag-aral din sila sa exams.

"Hi bitches, tabi ako sayo Azi," tiningnan ko lang si Samantha bago umupo sa pwesto ko. Dahil nasira ang salamin ko, edi pumasok ako ng naka-contact lenses. Kaya todo tingin sa akin etong mga kaklase ko na akala mo ngayon lang nakakita ng dyosa.

"Naol, glow up," saad ni Stefany na isa sa mga kaklase ko.

"May ballpen ka?" napalingon ako sa likuran ko dahil kay Art na bago naming kaklase.

"Syempre, meron siyang ballpen dahil may exams," pilosopong saad ni Regina kay Art na blankong tumingin kay Regina bago tumalikod at bumalik sa pwesto niya.

"Kahit kailan talaga, gaga ka," saad ko kay Regina na naglalabas ng reviewer niya.

"Ganun talaga eh," sagot naman niya.

"Classmates! Ayusin na natin mga upuan natin bago dumating si ma'am!" sigaw nung isa kong kaklase kaya tumayo na kami para ayusin ang mga upuan namin na lagi naming ginagawa kapag may exams.

"Kabado bente, pustahan mas mahirap mga exams natin ngayon," bulong ni Regina sakin bago niya binuhat ang upuan niya samantalang ako eh hinihila ko lang ang upuan ko.

Nung napag-hiwa-hiwalay na namin ang mga upuan namin at nakaupo na doon naman biglang dumating si ma'am na mag-ha-handle sa amin.

"Buti naman at naayos niyo na ang mga upuan niyo, ready na na kayo?" taning ni ma'am pagkapasok niya.

"Ma'am! Five minutes review!" sigaw nung isa kong kaklase.

"Dapat ten minutes review!" sigaw naman ni Regina.

Hanggang sa binigyan kami ni ma'am ng limang minutong review bago magsimula ang exams. Pinag-aralan ko ang lahat ng dapat pag-aralan lalo na't medyo mahirap ang exams namin ngayon.

Kumuha na ako ng ballpen ko nung tapos na ang limang minutong review. Tumayo si ma'am bago ipinamigay ang mga test papers.

"Okay class pass the papers backwards," saad ni ma'am kaya umayos na ako ng upo dahil mahaba-habang examination na naman eto.

"Ma'am! Wala pa po si Jerson!" saad nung isa kong kaklase habang nagsusulat na ako sa test paper ko. Imposibleng wala si Jerson pagdating sa mga exams. Lalo na't siya ang palaging nangunguna sa buong Second years.

Nagpokus nalang ako sa papel na nasa harapan ko ngayon. Pero bigla nalang napunta ang isip ko kay Elion. Nag-e-exams na din ba sila? Sana naman maayos ang mga sagot niya para naman may silbi yung mga oras ng pag-tu-tutor ko sa kanya kahit mahirap siyang turuan dahil laging tulog.

Makita ko lang ang pangalan niya sa top 100 ayos na iyon o kaya isa siya sa nakapasa kase nakakahiya naman kasi kay Mrs.Galdua kung hindi nakapasa ang anak niya kahit may tutor.

Matapos ang dalawang oras na pagsasagot natapos din ako at ang lahat ng natapos ay pwede na daw mag-recess. Napunta ang tingin ko sa dalawang lunchbox na dala ko ngayon. At nalipat naman iyon sa phone kong nag-alarm.

"Aguy, kailangan mo na iyang baguhin, kaibigan," napaangat ako ng tingin kay Regina na umupo sa harapan ko. Nasa canteen kami ngayon at dito na ako kakain ng pagkain ko, simula ngayon. Tutal hindi na din naman ako tutor ni Elion.

Kinuha ko ang phone ko at tinanggal ang alarm ko. Medyo nagdadalawang isip pa ako kung ipapaalala ko ba kay Elion na kumain na siya lalo na't sigurado akong dumiretso na sila sa court para sa practice. Dahil nanalo na naman sila laban sa Lakewood noong second day. At hindi ko na iyon pinanood buti nalanh etong sila Regina ay nanood kaya nalaman kong panalo sila at mapupunta sa Nationals.

"May pupuntahan lang ako," paalam ko kay Regina bago kinuha ang kulay sky blue na lunchbox. Sa hallway nasalubong ko si Samantha na kakatapos lang mag-exam.

"Saan ang punta girl?" tanong ni Samantha.

"Sa impyerno," sagot ko bago ngumisi.

"Sige, enjoy mo lang ang lakad papuntang impyerno, puntahan ko na si Regina," tumango lang ako bago naglakad papunta sa labas ng canteen. Pupunta lang ako dun bench kung saan palagi akong kumakain.

Natigil ako sa paglalakad nung makita ko si Elion na nakaupo kung saan siya palaging nakaupo sa tuwing tinuturuan ko siya. Naka itim na t-shirt siya habang nakasabit sa leeg niya ang panyo niya at nakatitig lang siya sa phone niya.

Parang bigla akong naduwag nung makita ko siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung blanko ang ekspresyon ni Elion nung mapatingin siya sa direksyon kung nasaan nakatayo ako na parang tanga.

Kusang tumalikod ang katawan ko at dali-daling umalis sa paningin ni Elion, ay jusko bakit ba nandoon siya?! Nung makarating na ako sa canteen umupo na ako sa pwesto ko habang napatingin naman sa akin sila Regina.

"Akala ko binigay mo yan kay Elion-"

"Sayo na yan! Kainin mo na," natiklop ang bibig ni Regina nung binuksan ko ang lunchbox at ipinakita sa kanya ang pagkain na nasa loob nun.

"Ay ang sarap! Sabihin mo sa mama mo pwede na siyang magtayo ng restaurant!" saad ni Regina habang kinakain ang pagkain na ibinigay ko.

"Gaga, ako ang gumawa niyan," muntikan ng mabulunan si Regina kaya agad siyang binigyan ni Samantha ng tubig.

"Really? Ang patikim nga!" tinikman ni Samantha ang luto ko at napangiti ako nung makita ang reaksyon niya.

Ano kayang magiging reaksyon ni Elion kapag nalaman niya na ako ang nagluluto nung mga kinakain niya dati?

"Pwede ka ng mag-asawa," saad naman ni Regina matapos niyang makainom ng tubig.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now