26

623 27 10
                                    

26 : Tattoo

"Last na talaga toh," saad ko kay Samantha habang papalabas kami ng bahay namin.

"Bye ate! Pagdala mo akong Shanghai!" sigaw ni Azriel habang kumakaway pa at nakasandal sa door frame ng pinto namin.

"Why don't you just go with us?" tanong ni Samantha habang binubuksan ang gate namin.

"Pass, tinatamad ako atsaka baka pagkaguluhan ako dun," blanko ang ekspresyon namin ni Samantha nung tumingin kami kay Azriel, na tumatawa na dahil sa ekspresyon na ibinigay namin sa kanya.

"Goodluck ate! Sumbong kita kay mama kauwi nila," bumelat muna si Azriel sa akin ng parang bata bago malakas na sinara ang pintuan namin.

"Kahit kailan talaga," napapikit nalang ako sa inis. Makakalbo ko na talaga ang lalaking iyon!

"Tara na nga, baka mapatay ko pa ang lalaking iyon," agad kong sinara ang gate namin bago pumasok sa loob ng kotse ni Samantha. Si Regina naman ngayon ang susuduin namin.

"Yieee! Magpakalasing tayo! Tapos makitulog kami senyo, Sam," saad ni Regina habang pagkapasok niya sa backseat ng kotse ni Samantha.

"Baka si Azi, hindi siya pwede kase pagdadalhan niya pa ng Shanghai yung kapatid niya," napangiwi naman si Regina sa sinabi ni Samantha bago tumingin sa akin na nakaupo sa shotgun seat.

Nung makarating kami sa bahay nila Samantha sobrang daming tao kahit saan makikita mo ay mga nag-iinuman at sumasayaw.

"Buti hindi ka pinapagalitan ng mga magulang mo dahil halos palagi ka nalang nag-pa-pa-party, kagaya nung last week," saad ko kay Samantha habang papunta kami sa kusina kung nasaan ang mga juice, pagkain at mga inumin.

"Club house kase itong bahay na ito, hindi naman ito yung talagang bahay namin. Atsaka nagmamay-ari sila mama ng bar," saad naman ni Samantha bago umupo sa isang sofa na nandoon sa loob ng kusina.

"Bat may sofa diyan?" tanong ni Regina habang kumukuha ng grapes na nakalagay sa babasaging lamesa.

"Wala lang," saad naman ni Samantha.

"By the way, kung gusto niyong mag-party or hindi masyadong malasing, akyat lang kayo dun sa pinakadulong kwarto sa taas," saad ni Samantha bago tumayo.

"Dun nalang tayo?" yaya ko sa kanilang dalawa.

"Game game! Tapos kung sino nandoon dapat makikilaro!" excited naman na sabi ni Regina.

"Anong klaseng laro?" tanong ko bago kumuha ng isang grape at sinubo.

"Like, truth or dare? Tapos kapag naging KJ inom ka ng isang maliit na baso ng alak," saad ni Regina kaya napatingin naman si Samantha sa kanya.

"Great idea! Maglalaro tayo kasama ang mga alak!" nag-apir ang dalawa bago ngumisi ng maluwang sa isa't-isa.

"Tatawag lang ako ng mga pwedeng sumali sa atin, mauna na kayo doon at magpapadala nalang ako ng mga pagkain at inumin dun," tumango kami ni Regina bago iniwan si Samantha para umakyat sa taas.

"Hindi ko alam bakit medyo nasasanay na ako sa mga ganito," nakabusangot ako habang paakyat kami ni Regina.

"Ganyan talaga," saad ni Regina bago binuksan ang pinakahuling pinto sa second floor. Maluwang ang kwarto at may sofa tapos yung sahig ay carpeted pa. Nice, sarap humiga sa sahig.

Humiga ako sa gitna ng kwarto bago ipinikit ang aking mga mata. Wala na akong salamin ngayon dahil ayaw na akong bilhan nila mama. Wag na daw akong magastos.

May kumatok sa pintuan kaya binuksan iyon ni Regina, hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino iyon. Alam ko naman na dinala lang yung mga pagkain at inumin.

A Girl Like You (CRS #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin