10

592 28 2
                                    

10 : Beach trip

"Kumpleto na ba kayo?" tanong nung adviser namin habang nasa harapan siya at nakatingin sa amin.

"Ma'am! Wala pa po si Jerson!" sigaw ng iba kong mga kaklase. Trip na namin ngayon at nakatalaga iyon sa beach.

Galing noh? Sa beach pa talaga.

"Iwan niyo na si Jerson, wala naman siyang ambag sa lipunan," saad ni Audenzia na nakaupo sa may harapan.

"Nakaka-excite~" masayang sabi ni Regina habang nakaupo sa tabi ko. Nasa pang-dalawahang upuan lang kami at ako ang nasa may tabi ng bintana.

"Inaantok ako," saad ko bago humikab, medyo puyat ako dahil tinapos ko na kagabi ang binabasa kong libro.

Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at tumingin sa labas para tingnan ang iba pang mga school bus.

Nahagip ng mata ko si Elion na nakapwesto din sa may bintana at katabi niya pa ang isa sa mga kaibigan niya. Si Javier yata iyon.

Lihim akong napangiti noong bigla siyang natawa sa sinasabi nung kaibigan niya. Paminsan-minsan lang kung ngumiti ang kumag na iyon.

Mahal kase ang ngiti niya eh, dahil nakakasilaw ng mata kapag nakita mo.

"Huy! Kanina pa kita tinatanong kung may headset ka," napalingon ako kay Regina nung kinalabit niya ako.

"H-Ha?"

"Ayan sige, pokus pa kay Elion," ngumisi ng makahulugan si Regina kaya napabusangot ako bago kinuha sa loob ng dala kong bag ang headset ko.

"Ayan sige, feel free to use. Wag mo lang lagyan ng-"

"Oo na! Nag-cotton buds pa nga ako bago umalis kaninang umaga," saad naman ni Regina habang sinusuot ang headset ko.

Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at medyo nagulat pa noong nakita kong nakatingin sa akin si Elion. Me being me, I waved at him but he just frowns before looking away and slides the curtain to cover himself.

"Kumag talaga..." umirap ako bago nag-iwas ng tingin. Buti nalang at dumating na si Jerson kaya nakaalis na kami.

Planado na ang lahat ng gagawin namin ni Regina sa beach. Una maglalakad kami sa seashore para maghanap ng mga alimango, tapos kapag gabi na pwede kaming mag-swimming sa pool.

"Feel free to relax now, basta kapag may kailangan pumunta kayo sa main hall ng resort na ito," paalala ng guro namin habang nasa main hall na kaming mga second years.

Bawat cabin may apat na kama at buti nalang ay kasama ko si Regina sa cabin at ang dalawa pa naming mga kaklase.

"Guys, mag-bar tayo mamaya, game kayo?" tanong ni Samantha na kaklase namin.

"Pass kami, sa last day nalang parang hangover kagising," saad ni Regina bago ako hinila palabas ng cabin matapos naming ilagay lahat ng gamit namin doon.

"Magdala ka ng plastic! Para paglagyan ng alimango-"

"Pre! May nakita akong mini bar doon," natigil ako sa paglalakad noong makasalubong namin ni Regina sila Elion, Javier at Aiden.

Diretso lang ang lakad nilang tatlo habang ang iba naman ay halos mabali na ang leeg kakatingin sa kanila.

"Uy! Pre! Sorry!" napaigtad ako nung biglang tinulak ni Javier si Elion palapit sa akin.

"The fuck?" nakangiwing saad ni Elion kay Javier bago bumaling sa akin na nakangiwi rin.

"Magpa-ipit ka sa kamay ng alimango ha?" sarkastikong saad niya kaya mas lalo akong napangiwi.

"Paano mo nalaman na kukuha kami ng alimango?" singhal ko sa kanya habang siya naman ay tinagilid ang ulo niya bago ngumuso.

"Kailangan mo na yatang uminom ng memo plus gold," saad niya bago nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng khaki shorts niya at tumalikod para lapitan ang dalawa niyang kaibigan na kanina pa siya binibiro.

Memo plus gold? Gago ba siya? Nakakalimut na ba ako?

"Hala bhie, paano niya nalaman na kukuha tayo ng alimango?" tanong ni Regina habang nakatingin pa din sa papalayong bulto ng tatlong lalaki.

"Ay, sinabi ko yata sa kanya," saad ko nung napagtantong sinabi ko nga sa kanya ang lahat ng balak kong gawin sa beach trip.

Nasapo ko nalang ang noo ko at umiling-iling bago nagsimulang maglakad ulit papunta sa seashore.

"Magdadala pa ba ng plastic?"

"Akala mo naman madami tayong mahuhuli," saad ko bago umupo para hawakan ang basang buhangin.

"Malay mo," saad ni Regina bago naghanap ng pwesto kung saan siya maghahanap ng mga alimango na nakalubog sa buhangin.

"Paunahan makahanap!" sigaw niya mula sa malayo kaya nag-thumbs up ako para iparating kay Regina na pumapayag ako.

"Walang alimango dyan,"

"Tang-!" agad akong lumingon sa likuran ko nung marinig ko si Elion.

Naka-pamewang siya at naka-sando na may mga black stripes. Nakasabit din sa sando niya ang black shades niya.

"Doon meron akong nakita," saad niya sabay turo sa may pwesto kung nasaan ang tsinelas niya.

"Baka tsinelas mo ang nandoon" saad ko bago siya inirapan.

"Nope, palatandaan lang yung tsinelas ko," saad niya bago nilagay ang dalawang kamay niya sa likuran ng ulo niya at naglakad patungo sa puwestong tinuro niya.

Nilingon ko muna si Regina at nung makitang naka-pokus siya sa paghahanap ng alimango tumayo ako at napagdesisyunang kunin ang nakitang alimango ni Elion tapos babalik nalang ulit ako dito sa pwesto ko para ako ang manalo.

"Asan na?" tanong ko habang nakatingin pababa kay Elion.

"Here," ipinakita niya sa akin ang maliit na alimango na nasa palad niya.

"Whoa, ang cute!" impit akong napatili nung nilagay ni Elion sa palad ko ang alimango na maliit.

"Ang ganda noh?" tanong ni Elion habang nakatingin lang ako sa alimango, pinag-aaralan ang itsura ng maliit na alimango.

"Ang cute naman neto," saad ko bago nag-angat ng tingin kay Elion bahagya akong natigilan noong nagtama ang mga mata namin.

Sa hindi malamang dahilan bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Tangina, kinikilig ba ako?!

"Panalo ka na," saad ni Elion bago ako tinulak pabalik sa pwesto ko kanina.

"W-What?"

"Hoy! Azielle! May nahanap ka na?" pasigaw na tanong ni Regina, tiningnan ko muna si Elion bago naglakad palayo para puntahan si Regina.

A Girl Like You (CRS #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora