06

591 28 5
                                    

06 : Fall

"Ma'am, kanina pa po naghihintay si sir," paalala sa akin nung saleslady dahil kanina pako nagbibihis.

"Gege," saad ko bago muna tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Nung lumabas na ako para ipakita sa kanya ang damit na pinili niya, naabutan ko siyang nakatayo na at nagtitingin ng iba pang mga damit.

Kaya nilapitan ko siya dahil nandun siya sa mga clothing rack ng mga dresses. Gusto niya yatang magsuot ng dress.

"Bibilhin mo?" napaigtad siya kaya natawa ako pero agad din akong natigilan nung mapansing nakatingin lang siya sa akin.

"Oh ano? Maganda ba? Approved?" tumango siya bago naglakad papuntang counter.

"Syempre, maganda. Eh parang binigay mo lang sakin mga damit mo eh, puro black," saad ko bago umirap at sinundan siya sa counter.

Hanggang 10 pm, wala kaming ginawa kung hindi maghanap ng mga hindi pang-manang na mga damit.

Porket ba ganito itsura ko mukha na akong manang? Kainis din tong si Eli ah!

"Walk faster," utos sa akin ni Elion habang papunta na kami sa parking lot ng mall. Malapit ng magsara ang mall kaya medyo unti nalang ang mga tao.

"Bakit hindi mo ako tulungan para bumilis ako? Ha?!" pasinghal kong tanong sakanya habang patuloy lang siya sa paglalakad habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya.

"It's your clothes and I got tired thinking of what to buy," pagdadahilan niya napasinghap ako.

Kung hindi lang ako inaantok baka kanina ko pa binato sa kanya etong mga dala kong mga pinamili namin.

"Buti naman at pinagbuksan mo ako," matabang na sabi ko, nginitian niya lang ako ng pilit bago sinara ang pintuan sa likod ng kotse niya.

Agad akong pumunta sa shotgun seat baka kase iwan niya ako dito sa mall eh, inaantok na ako.

"Tulog lang ako ha?" paalam ko sa kanya pagkaupo niya sa driver's seat. Hindi naman siya umimik kaya nagkibit balikat na lang ako at sumandal sa upuan.

Isang tunog ang nagpagising sa akin, at napansin ko din na parang nakangiwi si Elion habang nakatayo sa labas ng kotse at hawak-hawak ang likod ng ulo niya.

"Napano ka?" tanong ko sakanya bago tanggalin ang seatbelt ko, pero nakatanggal na pala kaya lumabas na ako sa kotse habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Get your clothes," saad niya kaya tumango ako kahit medyo nakapikit pa ako at inaantok.

"Azielle?" napalingon ako sa harapan ng bahay namin at doon nakita ko na si mama na palabas ng bahay.

"Tulungan na kita, Azi," tumango lang ako kay mama bago kinuha ang kalahati ng mga binili namin.

"Ingat ka, Elion," saad ni mama at hindi ko na nakita kung ano ang ginawa ni Elion dahil nauna na ako kay mama na pumasok sa loob ng bahay.

"Wow teh, blooming ka ah," saad ni Regina nung sumabay siya sa akin na maglakad papuntang canteen.

"Syempre," saad ko. Naalala ko tuloy yung pagpunta namin ni Elion sa mall para lang bumili ng mga damit pati na din ng mga liptint.

"Nag-liptint ka!" nagtaas lang ako ng kilay kay Regina bago kumapit sa braso niya.

"Syempre alagang Elion," humagikhik ako kaya napangiwi si Regina.

"Gaga, akala ko ba hindi ka marupok?"

"Susulitin ko lang naman ang oras na nakakausap ko pa siya," saad ko bago ngumuso.

"Awts, tapos nun noh kapag tapos na yung exams hindi ka na niya papansinin," napabusangot lang ako.

"Oo nga eh," napayuko ako.

"Huy! Girl," siniko ako ni Regina kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Ayun siya oh," lumingon ako sa tinuturo ni Regina at doon ko nakita si Elion na mag-isang naglalakad habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa loob ng bulsa niya.

Kahit sa lakad niya kitang-kita mo talaga na kahit sinong tao na makakakita sa kanya ay napapalingon talaga.

"Elion!" sigaw ko habang mabagal akong tumatakbo papunta sa kanya, napalingon naman siya dahil sa pagtawag ko sa kanya.

Tuluyan na siyang humarap sa akin noong nakatayo na ako sa harapan niya.

"Oh?" parang may paru-parong nagwawala sa loob ng tiyan ko nung marinig ko ang malalim at nakakaakit niyang boses.

Binuka ko ang mga braso ko bago umikot, napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin.

Tangina, hindi niya ba napapansin.

"Walang kang napapansin?" tanong ko bago ulit umikot at ngumiti ng matamis sa kanya.

Tumagilid ang ulo niya bago umiling. Ang slow naman ng hinayupak na toh.

"Gago, nag-liptint ako tsaka nag-ayos," saad ko bago ngumiti, nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Talaga?" tumango ako.

"Hindi halata," saad niya kaya nalaglag ang ngiti ko bago siya tiningnan ng masama.

"Magpatingin ka na sa doktor-"

"Kase meron kang salamin," saad niya bago kinuha ang salamin ko, dahilan para lumabo ang mga mata ko.

"Gago! Asan na yung salamin ko!" pilit kong kinukuha sa kanya ang salamin ko kahit hindi ko siya masyadong makita kase ang labo talaga.

"Bagay mo palang walang salamin, akala ko walang magbabago eh," panunuya niya habang tumatawa.

Nakakaakit ang tawa niya pero ang mahalaga ay makuha ko ang salamin ko para masapak ko ang gagong toh!

"Azielle," biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang pangalan ko na lumabas sa bibig niya.

"O-Oh?" tanong ko at sigurado akong namumula ang pisngi ko. Tumingin ako sa kanya kahit hindi ko siya halos mamukhaan dahil malabo ang paningin ko.

"Ang panget mo, mukha kang tuko," saad niya kaya agad ko siyang sinapak pero nasalo niya ang kamay ko kaya hindi tumama ang sapak ko. Sayang.

"Mas panget ka! Mukha kang paa ng manok!" saad ko sa kanya bago pilit na kinukuha sa kanya ang pala-pulsuhan ko na hawak-hawak niya.

"Fine, I'll give it back. But don't hit me," saad niya.

"Kung ayaw mong sapakin kita edi tapakan nalang kita!" agad ko siyang tinapakan dahilan para mawalan siya ng balanse.

Tatawanan ko na sana siya pero natumba din ako kasama siya. Tae, hawak niya pala yung pala-pulsuhan ko!

Naramdaman ko nalang ang matipuno niyang dibdib nung natumba kami. Agad akong tumingin sa kanya pero dahil hindi ko suot ang salamin ko, hindi ko masigurado kung nakatingin ba siya sa akin o hindi.

"A-Asan na kase yung salamin ko?!" tanong ko kaya sinuot niya na sa akin ang salamin ko dahilan para mapatayo agad ako mula sa pagkakadagan ko sa kanya.

"Panget," saad ko habang nakatingin sa kanya na nakaupo na sa sahig.

"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo?!" mataray kong tanong sa mga ibang estudyante na pinapanood na yata kaming magrambulan ni Elion.

Inirapan ko lang si Elion bago siya nilagpasan at nilapitan si Regina na nakanganga habang nakatingin sa amin ni Elion.

"Gaga, hindi ko alam na ganun na pala kayo ka-close ni Elion," inirapan ko lang si Regina bago siya hinila papuntang canteen.

Damn, baka mamaya maghiganti sa akin si Elion lalo na't maraming nakakita sa paghulog namin.

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon