28

627 26 8
                                    

28 : His tutor

Hindi ko alam bakit nakita ko na lang ang sarili ko na nasa fishball-an malapit sa Roundell, at kasama ang ate ni Elion na si ate Elisa.

"Oh my gosh! Kung alam mo lang kung anong itsura ni Daze nung nasa middle school pa siya," saad ni ate Elisa habang nagtutusok ng kwek-kwek.

"By the way, bakit suot mo yung jersey niya nung first day ng laban nila?" tanong bigla ni ate Elisa, kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti.

"Pinasuot sa akin nung kumag na iyon," sagot ko kaya napatili ng mahina si ate Elisa dahilan para mapangiwi ako. Kinikilig na siya sa amin?

"Mas matanda ako kay Daze ng tatlong taon pero parang siya yung mas matanda," napanguso si ate Elisa habang sinasabi niya iyon.

Kaninang nasa grocery store pa kami, nung tapos na naming mabili ang mga groceries eh pinalayas nalang ni ate Elisa si Elion at Azriel. Pero si Azriel nagmatigas pa kaya ayun binigyan ni ate Elisa ng pambili ng ice cream kaya umalis na siya dala yung mga groceries. Tapos ngayon sinama ako dito ni ate Elisa.

"Gusto mo din ba magpakulay ng buhok? Para matchy-matchy tayo," napatingin naman ako sa buhok niya na kulay purple na talagang magandang tignan.

"Ano ba magandang kulay?" tanong ko bago sumubo ng isang kikiam.

"Dark blue? Dark red? Maroon?" sagot ni ate Elisa.

"Alam mo ba, tinanong ko noon kung gustong magpakulay ni Daze, sabi niya kapag fourth year na daw siya dun palang siya magpapakulay. Sabi ko nga sa kanya eh kulay red ipakulay niya para kagaya nung kay Sakuragi," napangiti ako sa kwento niya. Hindi ko expect na madaldal etong ate ni Elion samantalang siya eh hindi naman.

"Matanong nga, magkaibigan ba kayo ni Daze?" napaangat ako ng tingin kay ate Elisa dahil sa tanong niya.

"Nope, I'm just his tutor," sagot ko kaya nagpatango-tango si ate Elisa.

"Hindi ko expect na magkaka-tutor si Elion na kagaya mo," ngumiti si ate Elisa bago sumubo ng isang kikiam.

Dahil mabilis ang oras, pasukan na naman. Inaayos ko ang buhok ko habang pababa ako ng hagdanan. Naabutan ko pa si Azriel na nagsusuot ng sapatos. Ang layo-layo ng school niya tapos hanggang ngayon nandito pa din siya.

"Alis na ako mga kababayan!" sigaw ni Azriel bago binuksan ang pintuan namin at umalis na. Napailing nalang ako bago naglakad papunta sa kusina para maghanda ng baon ko.

"Oh anak," napahinto ako nung makita si mama na nasa kusina at naghuhugas ng plato.

"Pinaghanda kita ng bento box, yung sa Japan? Dalawa ang ginawa ko at ibigay mo kay Elion ang isa lalo na't nabalitaan ko na makakalaro siya sa Nationals ng basketball," lumapit ako kung nasaan ang bento box. Alam kong para sa akin ang kulay pink na bento box at kay Elion naman ang blue na bento box.

At ngayon ang poproblemahin ko na naman ay ang pagbibigay ko ng bento box na ito sa kanya. Kahapon nga ni hindi man kami nagpansinan, parang hindi tuloy kami magkakilala at si ate Elisa lang ang kilala ko.

"Okay class, lunch time," nagpaalam na ang teacher namin kay nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

"Azi, tara na! Sa rooftop nalang tayo mag-lunch para tahimik at walang manggulo sa atin," saad ni Samantha bago siya tumingin kay Regina.

"Ako na ang bibili ng mga pagkain niyo, ano gusto niyo?" tanong ni Regina.

"Mauna na kayo, may pupuntahan lang ako," saad ko sa kanila bago kinuha sa bag ko ang bento box ni Elion.

"H-Ha? Hindi pwede! Mauna na tayo sa rooftop bago pa maging masikip ang hallway sa dami ng tao," saad naman ni Samantha. Pinanliitan ko siya ng mata dahil ngayon ko lang siya nakitang umasta ng ganito.

"May problema ba?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala!" sabay pa nilang sagot kaya napatango ako at tinalikuran sila.

"Kung ganun, alis muna ako may pupuntahan ako," saad ko bago lumabas ng room.

"Uy! Teka!" binilisan ko nalang ang lakad ko para maabot ko na kaagad kay Elion ang bento box niya dahil alam kong unti lang ang oras ng break nila at balik agad sila sa training nila para sa Nationals.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi mailang sa mga titig ng mga ibang estudyante. Nginingitian ko nalang sila. Hanggang sa may narinig ako, dahilan para mapawi ang ngiti ko.

"Baka mamaya binigyan niya ng mas malakas na gayuma yung dala niya dahil nawala na ang talab nung huling gayuma na binigay niya kay Elion,"

"Oo nga noh, hindi na nga siya pinapansin eh,"

"Tutor daw siya ni Elion? Impossible," napayuko nalang ako sa mga naririnig ko.

Paano nila nalaman na tutor ako ni Elion?

"Sa tingin niyo gumanda siya? Hindi man eh,"

"Tutor ni Elion? Baka siya yung nagpapa-tutor kay Elion?" narinig ko pang nagtawanan ang mga kasama nung nagsabi nun.

"May pa bento box pa siya kay Elion eh gayuma lang naman yung laman," nagtawanan pa sila at doon na nga naputol ang pasensya ko.

Blinangko ko ang ekspresyon ko bago naglakad patungo sa tatlong babae at isang bakla na pinag-uusapan ako. Natahimik silang apat nung makita nilang papalapit ako sa kanila.

Hinagis ko ang bento box sa kanila, yung bakla naman ay agad itong sinalo.

"Yan! Kayo na magbigay sa Elion niyo, malay niyo pansinin kayo katulad ko," umaangat ang gilid ng labi ko bago sila tinalikuran.

Kaya pala gusto nila Samantha na sa rooftop kami kumain, dahil nalaman na ng iba na tutor ako ni Elion. Bakit? Masama bang maging tutor niya?

Napailing nalang ako, konting tiis nalang malapit na akong umalis sa unibersidad na ito. Hindi na din ako ma-i-involve sa lalaking iyon.

Kase hindi naman dapat maging malapit ang babaeng katulad ko sa lalaking katulad niya.

A Girl Like You (CRS #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat