01

1K 37 12
                                    

Handa na ba kayo? Basta ang lagi niyong tatandaan, kay author lang si Elion Daze. Hehehe! Enjoy reading!!!
_____________
_________
_____
__

01 : The King of the Court

"Anong nangyari sayo?" bungad na tanong sa akin ni Regina pagkapasok ko sa room. Nagkulang ako sa tulog dahil sa nangyari kagabi. Like? Sinong hindi maiinis at makakatulog kung sinabihan ka ng panget ng hinahangaan mo?!

"Wala," napabusangot si Regina sa sagot ko. Luckily Elion is not my classmate. Hindi niya makikita kung anong naging kinalabasan ng kanyang kagaguhan.

"Hindi ka yata nakatulog ng maayos, bakit? May gwapo ba na anak ang mga kaibigan nila mama mo?" napalingon ako kay Regina na may malaking ngisi habang nakataas pa ang isa niyang kilay.

"Pogi hunter ka talagang bwisit ka noh?" natawa siya sa tugon ko.

"May laban daw mamaya sila Elion," bigla niyang saad kaya napairap ako. Kainis talaga.

"Oh? Hindi ka manonood?" tanong niya bago ako hinarap sa kanya. Bakit parang gulat na gulat pa ang isang toh dahil lang hindi ako sigurado kung manonood ako?

"Ikaw ba talaga ang kaibigan ko?!" kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.

"Syempre," sagot ko bago ulit umirap.

"Nakakapanibago ka eh! Kapag sinabi kong may laban sila Elion o kaya practice, ikaw pinakaunang dumadating sa court," saad niya kaya napakibit balikat ako.

Ganoon nalang ba ako kabaliw sa manhid na patatas na iyon?

Napailing ako sa naisip ko bago humarap kay Regina gamit ang aking seryosong mga mata.

"You know what? Medyo napapagod na din ako sa one sided love na toh," nakangiwing saad ko at mas lalo naman siyang nagulat sa sinabi ko.

Gulat na gulat teh?

"Oh my gosh! Tama ba ang narinig ko?!" pasinghal niyang tanong. Buti nalang at wala pa ang aming propesor kaya ganito nalang siya kalakas kung magsalita.

"Naisipan ko lang na mag-pokus na muna sa pag-aaral ko tutal lilipat na ako next year," sagot ko bago ngumiti ng bahagya.

I wanna be a lawyer at ang magandang Unibersidad na maari kong pasukan para sa law ay ang Eastfar University. Kaso na-late ako sa enrollment kaya dito ako napadpad sa Roundell at dito ko nakilala si Elion.

Unang araw nun ng pasukan, syempre wala masyadong gagawin kaya gumala ako sa buong Unibersidad para maging pamilyar ako sa mga bawat sulok. At napadpad ako sa basketball court dahil madami ang mga estudyante na nandoon. And then I saw him playing skillfully while the girls are cheering for him.

Nung napunta sa gawi ko ang kanyang mga mata at muntikan na kaming magka-eye contact. That's where I felt my heart beats faster for the freaking first time!

When he smiled at the crowd parang gusto ko na ding makisigaw kasama ng mga babaeng nandoon. Pota ang gwapo ng lalaking iyon.

Pero bigla akong natauhan, ang halos lahat ng mga babae sa court na iyon ay hinahangaan siya. At doon ko napagtanto na wala akong pag-asa sa gwapong basketbolista na iyon. Sayang naman.

He is indeed the King of the Court.

At dahil second year ay lilipat na ako sa Eastfar, hindi na ako nag-abalang magpapansin sa isang lalaking katulad niya na habulin ng mga babae. Tutal hindi din naman niya mapapansin ang isang babaeng katulad ko.

Like I said. Lilipat ako sa Eastfar University sa second year ko pero nakita ko nalang ang sarili ko na nag-enroll pa din sa Roundell!

Sigurado na talaga akong lilipat na ako next year! At makakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa lalaking iyon!

"Weh? Seryoso ka na talaga? Susuko ka na kay Eli?" tanong niya pero hindi ako umimik. Pake ko sa Elion na iyon? Simula kahapon dahil sa mga sinabi niya nawalan na ako ng gana na gustuhin siya. Grrr! Kapag ako talaga gumanda! Hindi ko na siya pipiliin at hahabulin!

"Bakit hindi mo panoorin ang laban nila ngayon? Alam mo kapag nanalo sila. Sila na nun ang ilalaban para sa Inter-high," sambit ni Regina habang nakangisi siya sa akin.

"Argh! Okay! Fine! Last na laban niya na toh na papanoorin ko tapos wala ng Eli sa buhay ko," saad ko dahilan para mapa-palakpak si Regina.

"Kapag napansin ka niya sa gitna ng pagmo-move-on mo, dapat hindi ka pwedeng maging marupok," tumango ako bago makuha ang atensyon ko ng isang estudyante na tinatawag ang isa kong kaklase at sinasabihang pinapapunta ito sa principal's office.

I snorted loudly. No. Hindi ako marupok. Matibay ako. Hinding-hindi matitibag ang katulad ko. Hinding-hindi.

"Pinapatawag ka daw sa office," saad ni Isabel na kaklase ko habang pabalik kami ni Regina sa room pagkatapos mag-recess. Napatingin ako kay Regina habang nakakunot ang noo. Tila nabasa niya ang gusto kong tanungin sa kanya sa pamamagitan lang ng pagtingin sa aking mata.

"Aba! Ewan ko bakit ka pinapatawag. Punta ka nalang doon," saad ni Regina bago ako tinulak palayo. Nagtataka man, pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad ko papunta sa principal's office.

Naabutan ko sa labas ng office si Mrs.Santos na adviser namin kaya nilapitan ko ito.

"Oh, Ms.Suriaga tara na pasok na tayo sa loob," nagtataka man, sinundan ko pa din si ma'am.

May nagawa ba akong mali?

Medyo kinabahan ako ng mapagtanto ko na tita nga pala ni Elion yung principal namin, minsan mabait at minsan ay nakakatakot.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita si Elion na komportableng nakaupo sa may upuan habang nakayuko. Tila biglang kumulo ang dugo ko ng maalala ang sinabi niyang panget ako! Kapag ako talaga ay gumanda! Humanda siya sa akin!

"Siya nalang po siguro ang representative natin sa quiz bee ng History," napalingon ako kay Mrs.Santos na kausap na ang prinsipal. Napanatag ang loob ko ng malaman na iyon ang ipinunta namin dito.

"Sa Math kase ay representative na natin si Jerson," pagpapatuloy ni Mrs.Santos.

"Sige, Ms.Suriaga ikaw nalang ang representative sa History. Ikaw ang ilalaban sa Eastfar." tumango ako sa prinsipal bago nag-bow para umalis na.

"Ms.Suriaga meet me after class," tumango ako bago ako tinalikuran ni ma'am. Kaya naglakad na ako palabas ng office.

Buti nalang at hindi ako ginulo ng lalaking iyon!

Habang naglalakad, may biglang humawak sa braso ko at idinikit ako sa pader ng hallway. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang may gawa niyon.

"What the?" sambit ko habang gulat na napatingala kay Elion na isinandal ako sa pader habang isinandal niya pa ang isa niyang braso sa pader malapit sa ulo ko bago siya nagbaba ng tingin sa akin at bahagyang nakapatong ang noo niya sa braso niyang nakasandal sa pader.

"Ummm," panimula niya, tulala naman akong pinapanood siya na nag-iwas ng tingin bago huminga ng malalim.

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit, usually lagi ko siyang nakikita at pinapanood mula sa malayo.

"C-Can you be my tutor?" napanganga ako sa tanong niya.

Ako? Tutor niya?!

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now