22

569 26 7
                                    

22 : Gave up

"Ikaw nalang magbigay," mula kanina, hindi pa din ako pinagbibigyan ni Samantha sa gusto kong gawin niya. Gusto ko lang naman na siya na ang magbalik kay Elion nung jersey tutal pupunta naman si Elion sa bahay nila dahil may party para sa kanila tapos ako, hindi na pupunta.

"Pagbigyan mo na, parte na yan ng pag-mo-move on niya na dapat ay dati niya pa ginawa," saad ni Regina habang kinakain ang chips na nakita niya sa ibabaw ng lamesa ko sa loob ng kwarto ko.

"Ugh, fine," kinuha ni Samantha ang paper bag kung nasaan ang jersey ni Elion, bago umupo sa kama ko.

"Oh? Anong oras magsisimula yung party?" tanong ko kila Samantha.

Nandito pa sila eh, si Samantha yung may pasimuno ng party tapos nandito pa din siya?

"Hindi kami, aalis hangga't hindi ka kasama," saad ni Samantha.

"Ayoko nga!"

"Parte yan ng pag-mo-move on noh! Ipakita mo na nag-mo-move on ka na talaga," saad ni Samantha bago sinilip ang nasa loob ng paperbag.

"Ay wow! Ang bango," inirapan ko lang si Samantha bago humiga sa tabi niya.

"Alam niyo, si Elion ang pinakamatagal na naging gusto ko," saad ko habang nakikinig naman sa akin ang dalawa. Siguro ngayon na ang magandang oras na ikwento ko sa kanila ang nararamdaman ko kay Elion bago ko siya i-uncrush.

"Sige, kwento mo lang makikinig kami," saad ni Regina bago sumubo ng tsitchirya.

"First day ko nun dito sa Roundell, sa totoo nga lang hindi naman talaga ako dito mag-aaral eh, pero buti nalang dito ako nag-aral dahil nakilala ko siya..."

"Sige lola Azielle, kwento mo sa amin ang first love mo," sinamaan ko lang ng tingin si Regina habang nakataas pa ang paa niya sa lamesa ko at naka-upo sa upuan na akala ko mo kwarto niya ito.

"Gaga, makinig ka nalang,"

"Sa court ko siya unang nakita, wala akong ideya na siya ang King of the Court," saad ko, tiningnan ko naman silang dalawa para sa reaksyon nila pero nakikinig lang sila ng mabuti.

"Simula nun, nagustuhan ko na siya. Lagi ko siyang tinitingnan mula sa malayo. Lagi akong pumupunta sa laban nila, kahit practice lang, hanggang sa isang araw, nakita ko siya sa bahay namin at iyon ang pinakaunang beses na kinausap niya ako," napangiti ako habang nagkukwento kase naiisip ko pa nun kung paano ako tumili sa loob ng kwarto ko nun.

"Akalain niyo yun? Ang isang babaeng katulad ko na malayo sa mga tipo niya ay kinausap niya? Tapos naging tutor niya pa ako-"

"Ano?! Si Elion?! Tutor ka?!" biglang tanong ni Samantha.

"Ah sige, tuloy mo lang," saad ni Samantha bago humiga sa kama ko habang nakatingin sa akin.

"Ayaw niyang ipaalam na ako ang tutor niya, at kaya lang naman niya ako pinapansin eh dahil tutor niya ako. Pero masarap pa din sa pakiramdam na pinapansin ako ng lalaking katulad niya,"

"Hulog ka na talaga," napailing si Regina pero hindi ko siya pinansin.

"Alam kong malapit na ang exams at malapit na din matapos ang pagiging tutor ko, kaya siguro eto na din ang magandang oras na sumuko na sa kanya," napaupo si Samantha.

"Seryoso ka na talagang susuko ka na sa kanya?" tumango nalang ako sa tanong niya.

"Akala niyo naman magugustuhan niya ang babaeng katulad ko? Tingnan niyo nga yung babae kahapon, anong laban ko dun?" natahimik silang dalawa sa sinabi ko.

"Ayos lang umiyak," saad ni Regina.

"Ayoko nga," saad ko bago tumitig sa kisame ng kwarto ko.

Hindi ko akalain na ganito na pala kalalim ang nararamdaman ko kay Elion. Iisipin ko pa lang na hawak-hawak niya ang kamay nung babae, parang hindi na ako makahinga sa sakit.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"And now, Azielle Faith got her first heartbreak,"

"Gago, hindi ako umiiyak," saad ko bago umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Sana pala, dati pa ako sumuko edi sana aalis ako dito na maluwang ang pakiramdam kesa naman ganito," saad ko bago ulit pinunasan ang luha ko.

"Kung sanang ako nalang ang gusto niya-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ate, yung brother instinct ko sinasabing nagda-drama ka diyan," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Azriel.

"Gago!" narinig kong tumawa si Azriel kaya sigurado na ako na papatayin ko na ang lalaking iyon!

Nabalot kami ng katahimikan ng mga kaibigan ko bago tumayo si Regina at niyakap ako, pati na din si Samantha.

"Ayos lang yan girl, makakahanap ka din ng iba. Madami ding gwapo sa Eastfar," saad ni Regina.

"Lilipat siya sa Eastfar?!" biglang tanong ni Samantha.

"Oo," sagot sa kanya ni Regina.

"Lipat na din ako dun para may kasama ka,"

"Ay wow," napangiti ako dahil sa mga kaibigan ko. Kahit ganun atleast swerte akong may mga kaibigan akong kagaya nila. Sila yung mga taong hindi ko susukuan.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now