20

583 26 9
                                    

20 : Red Storm VS Black Warriors

"ONE MORE POINT!" nagsimula na ang laban at kagaya ng inaasahan ko, mainit ang labanan.

Parehas na magaling ang magkabilang team. At si Elion naman ay pinapakita niya ang pagiging 'King of the Court' niya.

"ELION!!!" nagsigawan ang mga taga-Roundell nung maka-shoot si Elion ng three points.

Malapit ng matapos ang oras tapos magkakalapit lang ang mga puntos nila kaya hindi din sigurado kung sino ang mananalo sa dalawang team.

"Sinong makakalaban nung mananalo?" kahit maingay, tinanong ko pa din si Samantha na todo cheer sa basketball team namin.

"Ha? Kalaban?" tumango ako.

"Kung sinong mananalo sa Tinajero at Lakewood," sagot naman ni Samantha.

Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa laban. Ngayon ko lang nalaman na may talent pala si Azriel. Sabagay magaling din ako sa basketball kaya dapat magaling din ang lalaking iyon.

Kung hindi, sasabihin ko sa lalaking iyon na ampon siya.

"Shet, malakas mag-score yung captain nung kabilang team," problemadong saad ni Regina habang nagkakamot pa ng ulo.

"Gwapo din," singit naman ni Samantha kaya nakangiwi kaming bumaling ni Regina kay Samantha.

"Well, totoo naman. Gwapo naman," saad ko bago tumingin kay Regina na nakangiwi pa din.

"Gwapo nga," saad ni Regina bago ngumisi ng makahulugan.

"Minsan talaga iniisip ko bakit naging kaibigan ko kayo," umiling-iling si Samantha na akala mo disappointed.

"Diko nga din alam bakit ko kayo naging kaibigan eh," saad ko bago sumimangot.

"Ako lang yata normal sa atin," saad naman ni Regina.

"Asa ka," saad ko dahilan para mapanguso si Regina.

"Hoy! Gago! Lamang yung kabilang team!" agad na napunta sa laban ang atensyon namin at totoo ngang nalamangan yung team namin ng walong puntos.

"Anyare?"

"Hindi yata narinig yung cheer ko, kaya biglang nawalan sila ng lakas," saad ko bago tumayo sa upuan ko at kinuha ang yellow na pahabang lobo sa kamay ni Samantha.

"Mga gago! Eto ang last na laban niyo na mapapanood ko kaya galingan niyo!" sigaw ko habang winawagayway ang lobo.

Kahit napapatingin sa akin ang mga nakarinig ng sigaw ko, wala na akong pake, ang mahalaga ay makita ko ang kapatid ko na umiyak mamaya dahil natalo sila sa laban.

"Azriel Feithan! Wag mo masyadong galingan! Ang panget mong tingnan!" napansin kong umirap si Azriel habang binabantayan niya si Cadmus na hawak-hawak ngayon ang bola.

"Sana naman sharpshooter ka Cadmus!" sigaw ko.

"Bhie, kalma ka lang," tinapik ni Regina ang balikat ko habang tumatawa.

"Shet, bakit ba kita kaibigan," saad naman ni Samantha habang tinatakpan ang mukha niya.

"Isang beses ko lang toh gagawin kaya payagan niyo na ako," saad ko sa kanilang dalawa bago humagalpak ng tawa.

"Sabagay, lilipat ka na din naman sa kabilang impyerno," saad ni Regina.

"Lilipat?! Lilipat ka ng school?!" tanong ni Samantha. Ay oo nga pala, hindi niya pa alam na lilipat ako ng Eastfar.

Katapos ng tournament na ito, may isang week kami para mag-aral bago mag-exam. Katapos ng exam, yung mga athletes na nanalo ay mag-e-ensayo para sa Nationals.

Tapos yung Nationals ng basketball ay ginaganap sa mga arena lalo na't madami ang mga representatives na maglalaban-laban.

"Oh gosh!" napatayo kaming tatlo nina Samantha nung may natumbang player mula sa team namin.

"Woi, gagu. Si Dylan yung natumba," saad ni Samantha.

"May injury yun diba?" tanong naman ni Regina.

Napunta ang tingin ko sa puntos ng Black warriors. Nalalamangan sila ngayon ng limang puntos.

"Nalalamangan pa nga sila ng limang puntos tapos ngayon, may maaalis pa," saad ni Samantha.

Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa laban, pero nag-timeout muna dahil inalalayan nila si Dylan na umupo sa bench.

Kitang-kita ko ang mga pagod ng mga players, lalo na si Elion. Aaminin ko, mas lalo lang akong humanga kay Elion.

Nabuhat niya nga ako mula dito sa school hanggang sa bahay tapos dun sa dagat hanggang bahay namin kaya sigurado akong malakas pa din si Elion at mananalo sila.

Hindi niya naman siguro ako irereto kay Andrei diba? Pero paano kung naisip niya na kay Andrei nalang ako dahil kawawa naman yung gwapong player na irereto niya, kung sa babaeng katulad ko lang pala niya irereto?

Walanghiyang lalaki yun!

Tiningnan ko si Elion na nakatayo sa harapan ng nakayukong si Dylan habang may panyo sa batok niya. Nakapamewang siya at mukhang seryoso.

"Kung pwede lang silang abutan ng tubig, kanina ko pa sila inabutan," saad ni Regina bago umupo.

"Kailangan nilang manalo! Sayang yung mga pinahanda ko para sa party nila!" padabog na umupo si Samantha kaya wala na akong choice kung hindi ay umupo na din. Dahil nasa gitna nila akong dalawa.

"Mananalo mga yan," saad ko bago pinag-krus ang aking mga binti.

"Sure na sure ka noh?" tanong ni Regina. Nagkibit balikat lang ako.

Nung nagsimula na ulit ang laban, tumayo ulit si Samantha at Regina ngunit nanatili akong nakaupo.

Pinapanood ko kung paano maglaro si Elion, kanina kase halos na kay Azriel ang atensyon ko. Tinitingnan ko kung paano maglaro ang kumag na iyon.

Nabigla ako nung pagka-shoot ni Elion sa bola ay agad siyang lumingon sa direksyon ko. Nabigla nga din siya nung nagkasalubong ang mga mata namin.

Agad akong nag-iwas ng tingin nung bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako bobo para sabihing hindi siya ang dahilan nun.

Eh sa kanya lang naman ako nagkakaganito. Pwera nalang kung kinakabahan ako.

Nakita kong tatlong puntos nalang ang lamang ng kabilang team sa team nila Elion kaya umayos ako ng upo at nag-isip ng pwedeng isigaw para lakasan ng loob ang mga players namin.

Tapos yung mga taga-cheer ng kabilang team ay lumalakas din dahil akala nila mananalo na sila. Lalo na't unti nalang ang oras.

Sabihin ko kaya sa mga taga-cheer ng kabilang team, na ibibigay ko sa kanila etong jersey ni Elion kung pag-che-cheer na din nila ang team namin tapos traydorin ang team nila?

Natawa ako sa naisip ko bago tumayo para sumigaw. Ipapaalam ko lang kay Elion ang jersey niya dahil ipapamigay ko.

"ELION-"

"ELION DAZE!!! GO BABY!!!" napunta ang atensyon ko sa likuran ko dahil sa sigaw ng isang babae na nasa likuran ko.

"DAZE!!!" natulala ako nung makita ang itsura ng babaeng sumisigaw ng second name ni Elion.

Kulay violet ang buhok ng babae at talagang maganda, kung ikukumpara siya sa akin, talo ako.

Naiinis din ako sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ni Elion, mali eh! Dapat nga 'deyz' hindi 'dey zi'.

Pero bakit ba ako naiinis? Eh tutor lang naman ako ni Elion. Atsaka sino ba ang babaeng ito?

Bumalik ang atensyon ko kay Elion at napansing napatingin siya sa likuran ko. At doon ko napagtanto na hindi ako ang tinitingnan niya. Kung hindi ang magandang babae sa likod ko.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now