Chapter 5

5.7K 129 1
                                    

-

Hindi parin maalis ang tingin ko kay Angelina, na nakangisi sa harap ko. Para sa akin ang dating ng ngisi nya ay pagyayabang. Hindi sa hinuhusgahan ko sya, pero yo'n talaga ang dating sa akin eh.

Hindi nagtagal lumabas na kami sa kwarto na iyon at pumasok ng opisina sa asawa ni Ma'am. Umupo si Mr. Del Faszo sa kanyang office chair, si Ma'am naman ay naka-upo sa sofa ng opisina, ako naman ay nanatiling nakatayo.

"Are you just gonna stand there, dear?" Sabi ni Ma'am sa akin.

"S-sorry po Ma'am."

Umupo agad ako sa tabi nya, saka kumuha ng isang slice ng cake na nasa harap nya. Binigay nya sa akin ang isa kaya tinanggap ko ito.

"I said Mom not Ma'am" pagtatama nya sa akin habang naka-nguso pa.

"S-sorry po M-Mom" halos nagka-utal-utal na sabi ko. Hindi ako Masyadong komportable na tawagin sya ng ganon. Napalitan ang nguso nya sa isang malapad na ngiti at yumakap sa akin bigla.

"Yiiieee, it's so nice to hear it from you!" Bungisngis nya sa akin.

Dahil sa hiya nilibot ko nalang ang tingin ko sa buong opsina. Itim at abo ang kulay ng mga gamit na nasa loob pati narin ang haligi. Sa right edge naman ay mga librong tungkol sa business, sa left side ko ay isang palmera plant, sa gitna ay itong sofa na kulay abo at glass table. May pintuan din sa katabi ng palmera plant, banyo siguro. Nasa dulo na din ang mesa ni Mr. Del Faszo at sa gilid ay mga wooden cabinet.

"Let's order some food, I know you we're already hungry" a serious baritone voice of Mr. Del Faszo filled the office.

Tinawag ni Mr.  Del Faszo ang kanyang sekretarya para bumili ng makakain. Nilibot ko ulit ang tingin ko sa office, nahinto ang tingin ko sa table kong saan naka lagay ang picture frame.

Tumayo ako nilapitan iyon, ang larawan nilang bagong kasal, meron ding larawan na college graduate sila. So college palang, may relasyon na pala sila. Nakakabilib. Iilan nalang ang mga ganyan. Meron ding larawan na silang tatlo, karga-karga ang kanilang baby, mga 3 taong gulang pa ata. Napangiti ako dahil, klarong-klaro ang pula niyang  pisnge. Nakita ko din ang larawan ng isang lalaki, bagong graduate pa ata ng high school.

Teka! Bakit parang pamilyar ito.

Kinuha ko ang letrato, para mas maklaro ko ito. Pero  di nag tagal binalik ko ito agad, dahil tinawag na ako ni Mrs. delFaszo. Kanina nya pa pala ako tinawag, hindi ko na pansin dahil naging preoccupied ako sa mga letrato. Umupo na ako sa tabi ni Mrs. delFaszo at nag simula ng kumain.

"So how are you?" Tanong ng isang seryoso at baritonong boses ni Mr. Del Faszo.

"Okay naman po sir." pormal na sagot ko sa kanya.

Tumango-tango lang sya sa akin. Hanggang sa matapos kaming kumain nagpa-alam na kami ni Ma'am sa kanyang asawa na umalis, dahil kailangan naming pumunta ng mall.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kong anong balak ni Mrs. delFaszo dito sa mall, kakarating lang namin pumasok agad sya sa botique, naglibot-libot at pumipili ng damit, pero hindi nya naman ito binibili tinitignan nya lang ito, tapos lipat naman kami sa iba. Pumasok kami sa isang jewelry store.

"Wow, it's very beautiful!" Sabi nya habang tinitignan ang kamay nyang nag susukat ng sing-sing. "Well, my engagement and wedding ring is still the most precious jewelry"

Inabut nya ito sa saleslady. Akala ko bibilhin nya ito pero binaliwala nya lang, at nag patuloy sa paglilibot sa jewelry store. Nagtingin-tingin lang din ako, wala naman sigurong bawal. Napahinto ako sa maganda kwentas, na naka lagay sa liig na manikin. Humakbang ako para mas maklaro ito sa malapitan.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now