Chapter 24

3.9K 86 0
                                    

-

Kahit sa biyahe ay pagod na pagod ako. Tahimik. Hanggang sa huminto kami sa magara at malaking gate. Malayo ito sa village nila Zackelthon.

What happened earlier is still on my mind. I didn't escape on my vision of how Zackelthon begged, cried and let go even though I felt that it's against his will. Hindi ko alam pero gusto ko syang balikan at yakapin. Alam kung hindi puwede.

Pumasok kami sa napakalaking bahay. Parang dinoble na ang laki ng bahay na'to sa bahay ni Zackelthon. Sobrang lawak ng bulwagan. The big chandelier is shining above, on my both side is full of expensive vases. May mga paintings rin.

The gold, red, and silver is very attractive on these space. Sa harap ko ay grand staircase at may malaking pinto. Bigla nalang itong bumukas at lumabas ang may katandaan na babae.

She's wearing a black dress paired with black sandal. Her pearl earrings and necklace is shining pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang napakalaking... Ano yan? Headband? Hat?

I heard my mother scoffed when the old lady stopped walking in front of us. Standing proudly with a big smile.

"Good evening." She greeted.

Nakatitig lang ako sa kanya. May katandaan na sya pero klaro parin sa mukha nya ang ganda. Napakunot ang noo ko dahil parang may kilala ata akong ganito ang mukha. Napatingin ang matandang ginang sa akin. Hindi ako nagsalita dahil narin siguro sa pagod. Nilipat ko ang tingin ko kay Mama na nakatingin na din pala sa akin.

My eyes widened. Napalipat-lipat ang tingin ko sa matandang ginang at kay Mama. B-Bakit? Magkamukha sila?

"Anak." sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko. "T-this is my Mother Eushcha Schwarz."

My jaw dropped.

Biglang yumakap sa akin ang matandang ginang sa ina pala ni Mama. I am still here standing. Shocked. Hindi malaman kung ano ang mararamdaman. Schwarz? Old lady Schwarz? S'ya ba ang tinutukoy ni Steven?

"Finally I met my beautiful granddaughter"

Ang kaninang gulat ay napalitan ng pagtataka. Tumingin ako kay Mama na emosyonal na nakatingin sa aming dalawa. Bumitaw naman sa pagkakayakap sa akin ang ina ni Mama. Lola ko pala.

"Call me. Grandma, lola or Oma." she said smiling.

Nakatingin parin ako kay Mama. Nagtataka.

"A-anong ibig sabihin nito, Mama?" takang tanong ko.

"I-to ang totoong buhay ko at buhay mo rin, Euryshalein."

"Ano?" wala parin akong maintindihan.

"Na ganito ako—tayo."

This is the first time I saw my mother's nervousness. I always saw her as a confident woman. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito.

"Pero...bakit ka nagtatrabaho bilang kasambahay?"

"Dahil iyon ang gusto ko."

"H-hindi ko po maintindihan."

"Hindi ko magawang sabihin sa'yo dahil... nilayasan ko ang magulang ko, anak."

"Bakit?"

"Dahil nabuntis ako ng hindi pa kasal. It will bring my family an disgrace kaya pinapapili nila ako. Sila na pamilya ko o kayong dalawa ng ama mo. Pinili ko kayo kaya ako nahirapan. But then when you're one year old. Me and your father decided to marry. Nalaman ng magulang ko na kasal ako kaya gusto nilang tumulong pero tinanggihan ko kasi kapag tinanggpan ko ang tulong nila ay hindi ko kayo mabibigyan ng oras." kwento ni Mama at hindi na mapigilang lumuha.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now