Chapter 8

5.1K 134 0
                                    

Ysha P. O. V.

Kinabukasan, naligo agad ako at nag bihis. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nakita ko ka gabi. Nasasaktan ako tuwing na-alala ko iyon. Bakit ba ako nag ka gusto sa kanya?

Kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko dahil sa huli ako lang naman yong masasaktan. Wala akong alam sa mga ganyan. Pero inaamin ko sa sarili ko na may gusto na nga ako sa kanya. Takot ako sa mga ganitong bagay, pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong magkagusto. Bakit sya pa?

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili. Lumabas na akong kwarto at nagpa-alam kay Mama na papasok na ako sa trabaho.

"Ingat ka anak."

"Opo Ma."

Dirediretso ang lakad ko, hanggang sa nakarating ako sa pwesto kung saan ko sila nakita na naghahalikan. Nasasaktan ako, oo, inaamin ko, nasasaktan nga ako. Habang naglalakad ako, nakita ko na isa nalang ang sasakyan ang nasa bakuran. Sa fiancé kaya ni Zackelthon ito?

Tatalikod na sana ako at magpatuloy sa paglalakad ng may tumawag bigla sa akin.

"Hey, girl" boses babae ang tumawag.

Nilingon ko sya, laking gulat ko dahil sya iyong babae na nakilala ko nong nasa kompanya kami ng Del Faszo. She's wearing a sleeveless black dress,black sandal, fixed ponytail hair. Ano ngang pangalan nya ulit?

"Remember me?" tanong nya.

"Ah, nakalimutan ko ang pangalan mo eh" nahihiyang sabi ko.

"Oh, well, let me introduced my self, again" sabi nya habang nakataas ang isang kilay. "Im Angelina Marcko, fiancé of Zackelthon delFaszo" nginitian nya ako.

Nagagandahan ako sa ngiti nya, pero parang naiinis ako. Hindi ko tinatanggi na maganda nga sya, halos magkapari-parihas ang tangkad namin, mas maputi lang ako sa kanya. Pero kailangan pa ba nyang sabihin na fiancé sya ni Zackelthon?

Ngumiti ako pa balik sa kanya.

"Ah, Euryshalein po, Miss" pakilala ko.

Inirapan nya lang ako, at tumalikod na. Ngumuso lang ako habang tinitignan sya na naglalakad pabalik sa loob. Lumabas lang ba sya para magpakilala? Wala sa sariling napatingin ako sa itaas na balkonahe. Don nakita ko si Zackelthon na naka puti na polo, tinupi hanggang siko, at naka black slocks. Naka dungaw sya sa akin. Walang emosyon ang makikita mo sa mukha nya.

Hindi ko sya pinansin at tumalikod nalang. Hindi nya pwedeng malaman na may gusto ako sa kanya. Hihintayin ko nalang na mawala itong nararamdaman ko.

Pagkarating ko sa cafeteria, pumasok ako agad sa staffroom para ma suot ang uniform namin. Sinalubong agad ako na mapanuring tingin ni Ella at Jason. Hindi ko sila pinansin, at dumiretso ako sa counter. Kita ko ang gulat sa kanilang mata. Gusto ko silang pansinin pero parang wala akong gana.

"Woy ghorl! Okay ka lang?" Alalang tanong ni Ella sa akin.

Bumuntong hininga lang ako at tulalang tumingin sa labas. Bibili kaya sya ngayon?

"May problema ka ba?" Tanong ni Jason.

Malumanay ko silang nilingon at pilit na nginitian. Nginiwian lang nila akong dalawa na parang hindi naniniwala.

"Hindi ka ganyan ngumiti Ysha, kaibigan mo naman kami, pwede mong sabihin sa amin." sabi ni Ella habang hinihimas ang buhok ko.

Sasabihin ko ba sa kanila? Ano naman sasabihin ko? Na may gusto ako kay Zackelthon? Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may gusto nga ako sa kanya. Mag-sasalita na sana ako pero may dumating na customer. Naiwan kaming dalawa ni Ella sa counter. Hindi nya parin inaalis ang tingin sa akin. Naghihintay kung ano ang sasabihin ko.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now