Chapter 16

5K 102 1
                                    

-

It's been three weeks, since I study here in elite school. Sa tatlong linggo marami nadin ang nangyari. Gaya ng nga kaklase kong naging kuryoso parin sa pagkatao ko. I don't understand them, bakit ba sila nagiging curious, e, isang hamak na anak lang naman ako ng maid nilang Zackelthon.

Nalaman na din nila ang relasyon namin. Paano na laman? 'Yon ay dahil nong nag date kami sa isang mamahaling restaurant ni Zackelthon, may nakakakita sa amin at kinuhanan pa kami ng letrato. They posted it on our school group.

Euryshalein Albati dating with the hottest international bachelor?

Basa ko sa isang post sa group. Medyo nalito pa ako dahil ano bang pakialam nila pag nag relasyon nga kaming dalawa?

"Big deal talaga iyan sa kanila." Biglang sabi ni Krisha habang nagpatuloy ako sa pagbabasa ng comments.

May nacu-curious sa pagkatao ko. At maraming nagsasabi na bagay lang naman daw kaming dalawa. May iba din na baka galing ako sa isang mayaman na pamilya dahil nakipag date ako sa mayaman na lalaki. May iba ding nagsasabi na sa likod daw na maamo kong mukha ay gold digger ako.

Seriously?

May post din dito na hinalikan ako ni Zackelthon sa noo. Really? What's up with them? Sa post na ito maraming nag co-comment na bagay kaming dalawa. Sweet ang gestures ni Zackelthon at marami pang iba, pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

I thought that Angelina Marcko "heiress of the Marcko Investment Company" is the fiancé of Mr. Zackelthon delFaszo?

Hindi ko na naiisip ang bagay na ito. Zackelthon keeps telling me that Angelina is not her fiancé. Hindi ko alam kung ano ang totoo, but I trust Zackelthon words. Pero bakit ang dami atang nakakaalam sa ganyang balita.

Nandito ako ngayon sa cafeteria at bumalik na sa aking trabaho. Si Krisha palaging nag-aalala sa sitwasyon ko dito. Baka daw may makakakita sa akin na schoolmates namin. It didn't bother me though. Wala akong paki-alam kong malaman nila. Dahil ito ako. Ito ang buhay ko. And I am contented with my life.

"Euryshalein, you're boyfriend is here again." Bulong sa akin ni Krisha, habang naglilista ako ng mga order.

Zackelthon is sitting comfortably on his table. Hindi na bago sa akin iyon. Palagi naman syang nandito. Pero wala syang dala na kahit ano. No files and laptop. Seryoso lang syang nakatingin sa akin. Samantalang si Krisha na nasa gilid ko ay tinaasan na ako ng kilay.

"Palagi syang nandito, Krisha." Mahinang sabi ko.

"What do you mean by that?" Masungit na tanong nya sa akin.

"Matagal na syang customer dito."

Inirapan nya lang ako saka nilapitan si Zackelthon. Bumalik nalang ako sa pagtatrabaho. Hindi naman masyadong marami ang customer ngayon kaya may oras akong magpahinga sa counter. Maya-maya lang nilapitan ako ni Ella at Jason.

"Hindi talaga ako makapaniwalang boyfriend mo na sya." Sabi agad ni Ella sa akin.

"Grabe ka naman Ella, sino bang hindi magkakagusto kay Ysha, sa sobrang ganda ba naman nya!"

"Kung sabagay tama ka." Pagsang-ayon nya kay Jason. "Pero totoo talaga?" Biglang tanong ni Ella ulit.

Tumango lang ako bilang sagot. Nalaman din nila ang tungkol sa amin dahil nakita nila akong nagbabasa ng comment sa mga post na letrato naming dalawa.

Biglang tumikhim ang dalawa kaya nilingon ko sila. Nakayuko lang sila habang may ginagawa na kahit ano sa calculator. Napakunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Para silang ewan habang hinahalungkat ang calculator. Si Jason pinapunasan nya pa, si Ella naman parang nagce-cellphone. Tinignan ko kung ano ang dahilan kung bakit sila nagka-ganyan.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now