Chapter 4

6K 138 0
                                    

-

Tinitigan ko lang ang likod nya, his wearing maroon polo shirt, denim jeans and house sleeper.

Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sakanya, dahil parang pamilyar ang isang ito sa akin.

Nag-kibit balikat nalang ako at pumuntang kusina kong saan sila Mama. Habang papalakad ako sa hallway hindi ko parin maalis ang tingin ko sa chandelier at ilaw sa ibaba na nakadikit sa ding ding. Habang inaayos ang buhok ko, may naramdaman akong may nag mamasid sa akin, kaya naman tinignan ko ang likoran ko pero wala naman tao, pero narinig ko ang kakasaradong pinto. Baka kapit-bahay lang nila.

Nagpa-tuloy lang ako sa paglalakad,hanggang sa nakarating na ako sa kusina. Naabutan ko silang masaya na kumakain, ang iba naman kakatayo lang dahil tapos na. They were all staring at me, and I give them a smile.

"Oh kumusta, anak?" Bungad naman ni Mama sa akin, na nilapitan ako. Nagpatuloy lang sa pagkain ang iba, meron ding tumitingin sa akin, ang iba nag huhugas nadin ng plato.

Ginaya ako paupo ni Mama sa bakanteng upuan na nasa tabi nya.

"Okay lang Ma, mababait naman sila sa akin" sabi ko.

"Nako! Ija, mabait talaga ang pamilya nila, ang amo nga lang namin, minsan hindi nagsa-salita, nag-susuplado din, pero mabait naman yon" sabi naman ng ginang na nasa harap ko.

"Hindi naman sya sumabay sa amin" sabi ko sa kanila.

"Nako! Ganyan talaga yon ija, baka nahihiya lang sayo" sabi naman ng nasa tabi ko.

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap, ako naman tumulong nalang sa mga hugasin. Hindi parin mawala sa isip ko yong, lalaki kanina na kaka-talikod lang, para bang iniiwasan ako. Sya kaya yong may-ari ng bahay na'to?

Kahit papano napa-pamilyaran ko sya kahit likod nya. Saan ko nga sya nakita!?

Natapos kami sa hugasin, nagpa-alam ako kay Mama na lalabas mona. Sinalubong ako ng malamig na hangin, sinikop ko ang buhok ko at tinali ito na pa bun. Naglakad-lakad ako at naupo sa bench na nasa harap ng maliit na fountain.

Tumingala ako, at nakita ang mga magagandang bituin. Tinaas ko ang kamay ko at tinuro turo ito. Tinignan ko din ang kabuoan ng bahay, namamangha padin talaga ako sa laki ng bahay na ito, lalo na sa loob.

Nakita ko na may mga nakabukas na ilaw, siguro kwarto iyon nila Madame.
Naagaw din ang atensyon ko sa kwarto na nakabukas din ang ilaw,nakita ko ang anino na palakad-lakad at pumunta sa harap ng bintana nya.

Tinutukan ko lang sya, na may katawag sa telepono. Kinaklaro ko sya, para sana makilala ang mukha nya, pero hindi ko magawa dahil nasisilawan ako.

Parang hindi nya ako nakita, dahil may tinitipa sya sa cellphone nya. Kalaunan tumunog din ang cellphone ko, isang mensahe na galing sa hindi kilalang numero.

"Good evening"

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa hindi rehistro na numero, pero kahit ganon nireplyan ko din ito.

"Evening din"

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa itaas na kahit ngayon hindi parin ako nakikita. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko dahil bigla nalang may tumawag. Hindi ko kilala ang tumawag pero kahit ganon sinagot ko parin ito, hindi naman ako kinakabahan kaya ayos lang siguro.

"Hello?" Bungad ko.

"Hi" he said with husky voice.

Tinignan ko ang lalaki na nasa itaas parin, pero ang cellphone nya ay nakababa lang at nakatingala sa langit na nakangiti. Tumingala din ako para malaman kong ano ang ikinangingiti nya, pero ang nga magagandang bituin lang naman na kumikinang sa langit.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now