Chapter 1

9K 166 1
                                    

-

Nandito ako ngayon sa Cafe kung saan ako nagtatarabaho. Nag wa-waitress ako dito. Simula no'ng namatay si Papa, si Mama na ang bumubuhay sa akin. Pagkamatay nya mas lalo lang nahihirapan si Mama dahil marami pala syang utang na hindi nababayaran.

Ang negosyo naming sari-sari na ikinabubuhay namin ay napilitan nalang eh benta, dahil sa panay singil sa mga taong pinagkaka-utangan ni Papa.

Sobrang kalahating milyon ang inutang nya at wala kaming ka malay-malay don.

Napilitan nalang akong tumigil sa pag-aaral dahil gusto kong tulungan si Mama sa pang bayad nito.

"Two cappuccino and 2 mocha cake"

"1 milktea with frappe"

"3 chocolate cake and 2 coffee please"

"5 cupcakes"

"1 rainbow cake"

Nagla-lakad at nililista ko ang mga order nila. Panay punas naman ako sa mga pawis ko.

"Yong order sa table number 5 daw" sabi ko habang pinipindot pindot and bell sa kitchen.

"Here is your order ma'am" ngiti na serve ko sa kanila.

"Ysha break ka muna" sabi ng manager namin.

"Sige lang" sagot ko sa kanya.

Tinapos ko muna ang pagse-serve at pumunta na sa staff room. Kumain kami ng kasamahan ko pananghalian.

"Grabe! Struggle! Daming customer ngayon" sabi ng isang kasama kong babae.

"Eh malapit na kasing pasukan ngayon" sabi naman nung kasama kong lalaki or masasabi kong bading.

"Makaka-kita akong nag da-date dito at ang se-sweet parang nakaka-bitter lang!" Inis na sabi ng kasama kong babae.

Tatlo lang kami ngayon na nasa staff room na kumain. Ako naman tahimik lang at panay nguya. Nakikinig lang sa kanila.

"Hoy ikaw Ysha ghorl! Wala ka pang balak mag boyfriend?" Tanong naman ni Jason, ang bading na kasama ko.

"Nako! Wala yang oras sa ganyan ganyan! Busy masyado tapos mamayang gabi sa gasoline station naman yan!" Sabi ni Ella.

"Hindi naman kasi ako katulad nyong mayayaman na pero nag ta-trabaho pa" malumanay na sabi ko.

"Hindi kami ang mayaman! Ang parents namin! Kaya nga nag ta-trabaho kami ngayon dito" pataray na sabi ni Jason.

"Kahit na, eh ako nga lang nag-iisang anak ni Mama tapos yong Papa ko maagang kinuha sa amin" malungkot na sambit ko.

"Ay ghorl! Sobrang hard-working mo naman!"

"Oo nga, baka maaga kang tumanda nyan"

"Naku! Naku! Eh akin nalang yang ganda mo ghorl! Sayang naman"

"Kung pwede" maikling sagot ko.

Tumawa lang silang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa kanya kanyang trabaho.

Habang nag-lilista ako sa mga order. Nila. Lumapit naman si Ella sa akin.

"Woi, nandon na naman yong suki natin oh" bulong nya.

Tinignan ko kung sino yung tinutukoy nya. Sya yong suki naming customer, na parang opisina nya ito dahil may dala syang laptop o kahit mga papeles ata.

Tinitigan ko ang kabuoan nya gandang lalaki, makisig ang pangangatawan, maputi, matangos ang ilong, perfect jawline, tantalizing serious eyes at mapupulang labi.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now