Chapter 28

4K 113 1
                                    

-

The opening of my shop yesterday was successful. Nag celebrate kami ng bakers at staff ko after the opening. Halos lahat na sagot sa survey nila ay good comments and high scores.

Kaya kinabukasan maaga akong gumising at nagbake ng ube cupcake. Iyon lang naman kasi ang tinikman ni Zackelthon at umuwi na sya pagkatapos. Nagdala din ako ng sobra sa shop kahapon para ipamigay sa employees ko.

Pagkababa ko sa sasakyan. Kinuha ko ang dalawang malaking box na nasa backseat, marami pa ang box na nasa loob, ang iba ay nasa compartment ng sasakyan. Medyo mabigat ang dala ko kaya nang napansin ako ng security guard ay agad nya akong tinulugan. May iba din na lumapit kaya pinakuha ko nalang din ang ibang box sa loob.

Matapos nilang makuha iyon. Ay nagpatulong din akong mamigay sa mga employees ko.

"Congratulations sa opening, Ma'am" bati nila sa akin.

"Salamat. Nakapunta kayo?" tanong ko sa kanila.

"Opo. Nabusog ako. Free taste ba naman lahat ayon sinulit ko na." natatawang sabi nya.

"Ang sabihin mo matakaw ka talaga." his friends teased him.

Natatawa akong umalis saka kinuha ang dalawang box para ibigay sa maintenance. Gulat pa sila dahil pagpasok ko sa kwarto nila. Nang napansin nilang nahirapan ako sa dala ko ay agad nila akong tinulugan at nilagay sa mesa.

"Ang bango nito Ma'am ah."

"Para sa inyo yan lahat. Sana magustuhan nyo." ngiting sabi ko.

Agad nilang binuksan ang box at napahiyaw sa laman.

"Wow. Salamat nito ma'am."

"Congrats pala sa opening Ma'am. Hindi na ako nakadalo."

Tuwang tuwa sila sa dala ko kaya napangiti ako. Umalis naman agad ako at pumasok na sa opisina. Sofia is eating silently on her cubicle. Kaya nilapitan ko sya.

"I baked some ube cupcakes. Want to taste it?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya at sabay na kaming pumasok sa loob ng opisina ko. I gave her the small box. Tinikman naman nya agad ang laman nito.

"Ang sarap ha. Infairness."

"Salamat. Dalhan mo ang pamilya mo. Baka magustuhan nila."

"Nako kapatid ko lang naman ang hilig sa matamis. Pero sige dahil sinabi mo ay magdadala talaga ako."

Tumawa nalang ako sa sinabi nya.

Sinabi din nya lahat na schedule ko. Medyo busy nga ako ngayong hapon. Gusto din ni lola na samahan ko sya sa meeting nya ngayon to apologize for what I've done. Pumayag naman ako.

Kaya nong dumating ang hapon. I wore a black and white offshoulder dress and paired it with white stilletos medyo kita ang kwentas na bigay nya sa akin,pero hindi naman nya siguro mapapansin. Nasanay na kasi akong suot ko ito palagi. Hindi ko na tinali ang buhok ko para matabonan lang ng kunti ang kwentas and I also applied a light make up.

Nag text sa akin si lola na nasa board room na sya. Hindi pa naman nagsisimula at ako lang daw ang hinihintay. That means nand'on na silang lahat. Kasama din ba ulit ni Zackelthon si Angelina?

Sabay kaming pumasok ng sekretarya ko sa board room. Napatingin naman sila sa direksyon ko at agad akong binati.

"Buti naman at hindi mo na sinout ulit iyon." sabi ni Lola pagkapasok ko.

Nakita ko agad si Zackelthon na nakatingin sa akin. Nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya ay agad nya akong tinaasan ng kilay. Beside him is Angelina who just rolled her eyes on me.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now