Chapter 2

6.5K 161 4
                                    

-

My jaw dropped and completely amazed by the mansion. Mas malaki pa ito keysa sa mga bahay na nakikita ko kanina sa labas.

Tinignan ko ito pababa hanggang pataas, ino-oserbahan ang disenyo nito. It looks like a palace and full of different light colors each side and it's more attractive because it's evening.

It captivated my sight and completely stunned. Hardin palang pwede na eh lagay ang bahay na nirerentahan namin eh, hindi pa nga ito nangangalahati.

"Anak, dito tayo sa likod, nandito ang mga kwarto namin." Agaw ni Mama sa atensyon ko.

Hindi parin matanggal ang mga mata ko sa bahay.. Hindi mansyon.. palasyo talaga!

Tinignan ko naman ang kwarto sa taas na nakabukas ang ilaw. May nakita naman ako ng anino ng tao, na parang naka tingin sa amin.

Kumunot nalang ang noo ko at hindi na pinansin yon.

Pagkarating namin sa likod, na mangha naman ulit ako dahil mas maraming bulaklak dito keysa doon sa harap. Sunflower, Roses with different colors, Daisy and Orchids with each side at marami pang iba. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng ibang bulaklak na nandito. Sa dulo naman nito ay maliliit na bahay.

Napahinto kami ni Mama sa tapat na pintuan. Kwarto siguro ni Mama. Binuksan nya yun para makapasok,  dito din natutulog ang mga katulong? Eh mas maganda pa ata ito keysa sa kwarto don sa tini-tirhan ko eh.

"Dito tayo Mama?" Tanong ko.

"Oo" maliit na sagot nya, at inayos ang mga gamit ko.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at nakita ang Up and Down na kama, dalawang kabinet at isang table.

"Saan pala kasama mo Ma?" Tanong ko ulit.

"Lumipat sa kabila dahil dito ka titira kaya lumipat nalang sya" paliwanag naman ni Mama sa akin.

Pagkatapos nyang mag-ayos ng gamit ko, bumalik naman sya sa loob ng malaking bahay dahil mag-luluto at maghahanda pa daw sila para sa haponan. Kanina kasi naging abala ang lahat ng katulong dahil umuwi ngayon ang magulang na amo nilang Mama, kaya dito nalang ako sa loob para hintayin sya.

Alas nwebe na bumalik si Mama sa kwarto, kaya ginising nya agad ako para mag-haponan, nag-usap kami tungkol sa mga magulang ng amo ni Mama na umuwi lang daw dahil may aasikasuhin na business dito sa pilipinas. Nalaman ko din na mga isa o dalawang buwan daw sila dito para mas makasama daw nila ang anak na abala din daw sa pag asikaso ng business nila sa iba't ibang lugar.

"Eh bakit ayaw nya sa ibang bansa Ma?" Tanong ko, at tinutukoy ang amo ni Mama na nag-iisang anak lang daw.

"Dahil ayaw nya daw sa ibang bansa, mas komportable sya dito, pero paminsan-minsan pumupunta naman sa ibang bansa pero umuuwi din ng mga dalawa o tatlong linggo" sabi nya.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Maya-maya lang natulog na kami. Gusto ko pa sanang maglibot-libot sa kabuoan dito pero parang di kaya ng isang gabi, kaya bukas nalang. Pero may trabaho ako, saka na siguro pag may oras na ako.

Panay ang galaw ko dahil sa hindi pa ako inaantok, kaya bumaba muna ako sa kama at lumabas. Sobrang lamig sa labas at niyakap nalang ang sarili ko, naupo muna ako sa bench na katapat lang ng nga rosas.

Dinadama ko ang malalamig na hangin, ang agos ng tubig galing sa fountain. Tumingala ako para makita ang mga bituin.

Maya-maya lang nakaramdam na ako ng antok, papasok na sana ako sa loob ng may nakita akong lalaki na nasa likod ng puno na parang sinisilip ako.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now