Chapter 9

5.3K 140 10
                                    

-

Matapos naming mag-usap ni Zackelthon bumalik na ako sa trabaho. Kaninang wala ako sa mood, ngayon parang natutuwa ako. Lumapit si Ella at Jason sa akin.

"Woi si Sir pogi ang gusto mo nu?" Tanong agad sa akin ni Jason.

Hindi ko lang sya sinagot at nagpatuloy sa trabaho. Ng matapos ang trabaho namin, pumasok na kami sa staffroom para makapagbihis.

"Ysha, ito na ang invitation para sa birthday party ko" sabay abot ng isang color cream na card. Nakalagay ang petsa, venue at oras sa invitation. Sa sabado na pala. May dress code din, salamat naman dahil may damit lang ako na bagay nadin sa dresscode nila.

"Salamat dito."

Tumango lang sya at umalis na sa harap ko. Matapos kong magbihis. Lumabas na ako sa cafeteria at nag-paalam na sa kanila. Tuwing alas sais nalang ang trabaho ko dahil malapit na daw ang pasokan.

Bukas sasamahan ako ni Zackelthon na kumuha ng entrance exam. Tumanggi ako nong una pero pinipilit nya ako, kaya wala akong magawa. Ng nasa tapat na ako ng palasyo. Wala na ang sasakyan ng fiancé ni Zackelthon. Pero gaya ng sinabi nya na hindi nya naman daw iyon fiancé.

Pumasok agad ako sa kwarto namin ni Mama at nagbihis. Pumasok ako sa loob ng palasyo, para don na kumain. Sakto lang ang dating ko dahil katatapos lang nila sa paghain.

"Oh! Saktong sakto ka ngayon, Ysha ah."

"Alas sais lang kasi ang log out ko."

Naupo agad ako sa tabi ni Mama at nagsimula na kaming kumain. Nag-uusap kami tungkol sa pag-aaral ko sa delFaszo school of elites. Maganda daw talaga mag turo d'on. Kaya sobrang saya nila dahil tinanggap ko ang offer ng nga delFaszo.

Ng matapos kami, tumulong ako sa iba. Lumabas na ako dahil kakatapos ko lang sa gawain. Masaya kong pinagmasdan ang bituin na nasa itaas, nang biglang sumulpot si Zackelthon sa harap ko.

"Jusmeyo! Ano ba... Akala ko multo!" sabi ko habang nakahawak pa sa puso ko. Nakakagulat susulpot nalang bigla.

"Gwapong multo." sabi nya.

Natuon ang atensyon ko sa papel na hawak nya. Napansin nya siguro iyon kaya inabot nya sa akin agad ito.

"Reviewer for your entrance exam" sabi nya gamit ang kalmadong boses.

Kinuha ko ito sa kamay nya at tinitignan. Kahit isang taon akong tumigil sa pag-aaral, meron pa naman siguro akong naa-alala.

"S-salamat dito" pakita ko sa reviewer.

"Study well." at umalis na sa harap ko.

Pumasok na ako sa kwarto at sinimulang mag-aral. Inaamin ko sa sarili kong namiss kong mag-aral ng ganito. Mga alas otso, narinig kong bumukas ang pinto. Tinignan ko si Mama na kakapasok lang.

"Ano yan, Ysha?" Tanong sa akin.

"Reviewer po Ma, bigay ni Zackelthon sa akin."

Kumunot ang noo nya, pero bigla lang iyong napalitan ng ngiti.

"Masaya ako dahil tinanggap mo ang offer nila anak." sabi nya, hinihimas ang buhok ko.

Hating gabi na akong natapos sa inaaral ko kaya sobrang antok ko na talaga. Niligpit ko na ito, at nilagay sa drawer. Walang alinlangan nakatulog agad ako dahil sa pagod.

Alas syete akong nagising dahil sa alarmclock. Alas otso kasi ang schedule ko para sa exam. Medyo nagmamadali ako dahil late akong nagising. Hindi man lang umabot ng walong oras ang tulog ko. Naligo at nagbihis agad ako.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now