Chapter 39

4.2K 93 3
                                    

-

After a long hugged. Lumabas na si Zackelthon at binalikan ang kanyang kaibigan. Hindi pa daw sila tapos na mag'usap at agad akong pinuntahan dito nang napansin n'yang pagod ako.

Maybe this is how you love someone. When your commited. You'll do everything to make them at ease, to know what they feel. When you give your heart to a trustworthy man. Mawawala lahat ng pagod mo dahil lang sa mahal nyo ang isa't isa.

"Anak, siguro sa susunod na araw na ng uwi ko d'yan." sabi ni Mama sa kabilang linya.

She called me when Sofia called her about what happen. She was happy with it because I finally faced them. Hindi ko inaasahan na matatawagan nya pa ako dahil sa dami ng ginagawa.

"Wala ka na bang ginagawa d'yan?" tanong ko.

"Wala na. Tinapos ko na lahat para makapagbakasyon ako at makasama kita."

Alam kong pagod si Mama dahil klaro iyon sa boses nya. Gusto kong tulungan sya pero palagi nya lang tinatanggihan dahil kaya nya naman daw.

"Okay lang po, Mama."

Medyo tumahimik ang kabilang linya kaya tinignan ko iyon baka namatay na ang tawag. Pero hindi naman.

"Ma?" tawag ko sa kanya dahil wala nang nagsasalita.

"Pasensya ka na... "

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin nya sa akin. Bakit sya humingi ng pasensya?

"Po?" litong tanong ko.

"Alam kong... Wala na akong oras na naibigay sa'yo simula n'ong lumipat tayo sa German, Anak. I felt sorry about it because I couldn't give you time, I couldn't took care of you. Hindi na kita naipagluto ng pagkain, hindi kita natulungan sa pag'aaral mo dahil sa sobrang dami ng trabaho ko."

Nanginginig na sabi nya na parang pinipigilan ang kanyang luha. I bit my lower lip to stop my tears too. It's not her fault. Madami lang talaga s'yang ginagawa dahil sa naiwan nya at pinili nya kaming dalawa ni Papa. I should be thankful for that. She sacrificed everything for us.

"Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo. As your mother, I should give you my attention but then I know that... I can't."

"Mama. Wala ka namang kasalanan. Ginawa mo naman lahat. Inalagaan mo naman ako. Wala na akong hihilingin pa dahil minahal mo naman ako." mahinahong sabi ko.

She sighed and I smiled. This time. I know that she was relieve on what I said. She's the best mom in the world. Everyone is. But I am my mother's world. She loves me with all her heart. I couldn't ask for anything.

Natapos din naman agad ang tawagan namin ni Mama. Nandito ako sa shop at inaayos ang mga nakaplastic na muffin. Nang may narinig akong nabasag sa may counter area at agad kong nilapitan iyon.

"Huwag mong pulutin." sabi ko sa empleyado ko. Pupulutin nya sana ang nabasag na baso pero hindi natuloy dahil pinigilan ko.

Hinawakan ko ang kanyang siko at pinatayo sya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Medyo bata pa ang nandito at kita ko na nanginginig at parang kinakabahan. Kumunot ang noo ko.

"P-pasensya na po, Ma'am. H-hindi ko sinasadya."

I sighed.

"It's okay." sabi ko, hawak parin ang siko nya.

Napatingin ako sa daliri nya at nakitang may dugo ito. May lumapit naman agad sa banda namin. Para linisin ang bubug na nasa sahig. Hinila ko ang empleyado kong babae at dinala sa maintenance. Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now