Chapter 6

5.4K 126 0
                                    

-

Nasa labas parin ako, gulat at hindi makagalaw. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala napa-pamilyaran na ako! Hindi ko man lang nakita ito napansin nong unang dinala ako ni Mom dito.

I inhale and exhale with full force. Hinawakan ko ang door handle at pinihit ito papasok. Iyon nakita ko sya nakaupo sa table at kaharap ang laptop nya. Ito nga ang opsinina na pinasukan namin ni Mom kahapon. Ang tanga! Hindi ko man lang napansin.

"Here is your order sir" agaw ng atensyon ko sa kanya. Kita ko sa mga mata nya na nagulat sya, pero binawi nya ka agad ito. Tumikhim sya at pinutol ang tinatrabaho nya.

"Bakit ikaw nag deliver nyan?" Tanong nya. Wow ngayon ko lang sya narinig na nag-tagalog ha! Mas lalaong gumwapo nako! Ang pusoo koooo oxygeeeeen pleaseee

"Ako lang kasi ang avail kanina po Sir, kaya ako nalang po ang pinadeliver" magalang na sagot ko. Kailangan kong mas maging magalang dahil amo pala sya ni Mama.

"Cut that 'po' word" sabi nya.

"Bakit po?" Takang tanong ko "kailangan po respetuhin kita Sir hehe Amo ka pala ng Mama ko, tsaka anak ka nila Mr. and Mrs. Del Faszo" nakayukong sabi ko. Ano bayan mas lalo akong nahiya dahil sya pala ang amo ni Mama.

Hindi nya ako sinagot kaya kumuha sya ng pera sa wallet at binigay sa akin. Bibigay ko din sana ang sukli pero tinggihan nya lang ito.

"Keep the change" sabi nya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Porket mayaman ay tatanggihan na ang sukli? grabe ha nainsulto naman ako, kahit nga isang peso ay hinihintay ko ang sukli tapos sya na tatlong daan tinanggihan?

"Nako po Sir, tanggapin nyo na po" pagpupumilit ko.

Kita ko ang pagkunot ng noo nya, at bumuga nga hininga. Kalmadong syang tumingin sa akin, na para bang iniiwasan na mainis sa harap ko. Inosente akong tumingin sa kanya at pilit na inaabot ang sukli.

"I said keep the change, accept that as a tip and cut the 'po' word" walang emosyon na sabi nya.

Hindi na ako nagpumilit baka magalit pa sa akin kaya nilagay ko nalang sa bulsa ko ang sukli. Aalis na sana ako nang tinawag nya pangalan ko.

"Euryshalein" mahinang sambit nya. Nagbigay ng malakas na tibok ang puso ko dahil ito ang kauna-unahang banggitin ang pangalan ko. Bakit pag bibig nya galing ang pagsabi ng pangalan ko ay lumalakas tibok ng puso ko?

Tumikhim ako "Ysha nalang po Sir" kalamadong sabi ko, at nag akto na hindi naapektuhan sa sinabi nya. Tumango lang sya bilang sagot at may inabot sa akin na box.

"Ano yan?" Tanong ko habang nakatingin sa box na hawak nya.

Hindi nya ulit ako sinagot at mas lalong inabut ang box na nasa harap ko. Kinuha ko lang iyon, at pinagkatitigan.

"It's a gift" sabi nya at bumalik na sa pagkakaupo. "For you"

"Aalis na po ako Sir, s-salamat nito"

Matapos kong magpaalam, lutang akong sumakay ng elevator hanggang sa sasakyan.

Ang tanga ko lang dahil hindi ko agad napansin na anak pala sya ni Mr. and Mrs. Del Faszo. Kaya pala parang magkamukha na sila ni Mr. Del Faszo. Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa cafeteria. Pumasok mona ako sa staff room at linagay sa bag ang regalo na bigay nya. Bubuksan ko nalang ito pagnakauwi na ako sa bahay.

Bumalik ako sa trabaho, pero hindi parin mawala sa isip ko na sya ang amo ni Mama. Binaliwala ko ang mga isipin na iyon at nag-patuloy sa pag-tatrabaho. Nung wala na masyadong customer, d'on mona ako pumwesto sa counter. Lutang ang isip ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na sya ang may ari ng palasyong  tinitirhan ko. Nahihiya na ako, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko pag-magkita kami sa bahay nila.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now