Chapter 27

3.8K 106 1
                                    

-

Lahat sila ay nanatiling nakatayo. Ako naman ay dinidiin ang sarili sa likod ni Mr. Frank para hindi ako makita ni Lola. She is just standing there and looked around. Una nyang nakita ang secretary ko na nakatungo lang.

"Where is my granddaughter?" tanong nya sa sekretarya ko.

Hindi agad nakapagsalita si Sofia at nanatili lang nakayuko. Nagtatago parin ako sa likod ni Mr. Frank. Ang iba ay nakatingin sa akin kunot ang noo.

"Where is my granddaughter?" tanong nya ulit. Nakatingin sa harap.

Tumikhim si Mr. John na nasa harap.

"You're granddaughter is not attending the meeting and you just requested a representative." magalang na sabi nito.

Ramdam kong takot sila kay Lola. Ako naman ay kinakabahan baka pagalitan nya ako pagnakita nya ako dito. Akala ko ay aalis sya dahil sa sinabi ni Mr. Frank pero hindi.

"My granddaughter's secretary is here so that means she is also here."

Nakakunot ang noo na tumingin ang lahat sa akin. Kaya napatingin din si Lola sa akin. Her eyes widened at biglang namula ang mukha nya.

"WHAT THE HECK, EURYSHALEIN?" napapikit ako sa sigaw ni Lola.

Lahat na tao na nasa loob ay nagulat dahil sa pagsigaw.

"Sit down all of you! Stand up. Euryshalein!" sigaw nya.

Umupo naman ang lahat at ako ay nakaupo parin. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Taka ang mababasa sa lahat.

"I said stand up!"

Napatalon ako dahil sa sigaw nya.

Dahandahan akong tumayo, kinakabahan. I am pressing my thumb dahil sa kaba ko. Nakayuko lang ako at hindi malingon si Lola.

"What are you wearing!?" inis na tanong nya at nakaturo pa sa suot ko.

Nakayuko lang ako at napakagat sa ibabang labi.

"Care to explain!?" sigaw nya ulit.

"It's a janitress uniform." mahinang sabi ko at hindi pinahalata ang nanginginig kong boses.

"What's the meaning of this, Sofia!?" sigaw nya sa sekretarya ko.

Lahat na tao ay tahimik at taka sa nangyayari dito sa loob. Ang sekretarya ko ay nakayuko lang at takot sa sigaw ni Lola.

"Ah... Lady Schwarz. The janitress is the one who represent your name." sabi ni Mr. John sa harap.

"What did you just say!?"

"The j-janitress—"

"Unbelievable!" iling-iling nyang sabi. "Are you enjoying this Euryshalein!?" sigaw nya.

Hindi maalis lahat ng mata ng tao sa akin. Lahat sila ay taka at naghihintay sa sasabihin ko pero wala man lang lumabas sa bibig ko.

"L-lady Schwarz. Let's not talk about it here." pigil ni Sofia sa kanya.

"I am not talking to you!" sabi nya pero nanatiling nakatingin sa akin. "Speak. Euryshalein."

"Respect Lady Schwarz's presence. Ms. Albati." mahinang sabi ni Mr. Franz sa kaliwa ko.

Hanggang ngayon ay nakatayo parin ako at sila ay nakatingin sa akin.

"For Pete's sake! YOU ARE THE CEO OF THIS BRANCH. What the heck are you wearing that again!"

Napasinghap ang lahat na business partner ni Lola, at nagulat dahil sa narinig. I pouted. Wala akong balak ipaalam pero dahil sa galit ni Lola ay nasabi nya.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now