Chapter 31

4.1K 106 1
                                    

-

Lumabas na kami sa hotel room namin para pumunta sa groundfloor. Magsisimula na kasi ang rehearsal. Habang pababa kami ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi ko inaasahan na mag-iisa kaming hotel room ni Zackelthon.

Pagkarating namin ay nand'on na lahat na tao na kasama sa rehearsal. I wanted to ask Steven or Krisha for the sudden situation pero naalala ko na wala pala sila dito. Habang tinuturuan kami ng organizer ay napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. It was Zackelthon sa tabi nya ay si Christian na kinakausap sya.

Hindi naman nagtagal ang rehearsal kaya natapos agad. Alam naman daw ng bride at groom ang gagawin kaya hindi na sila pinasali.

Pumasok kami sa restaurant dito sa loob ng hotel nila. It's big and wide. Hindi naman masyadong madami ang tao dahil ang iba ay nauna ng kumain na hindi pa nagsisimula ang rehearsal. Naupo agad kaming dalawa ni Sofia sa bakanteng mesa. There is also a two vacant chair.

Kalaunan ay biglang may umupo sa harap namin. It's Christian with a smile. Nakangiti lang sya kay Sofia na ngayon ay nagc-cellphone lang at walang pakialam. Tumingin ako kay Christian na nakanguso. I chuckled.

"What's with your face?" natatawang sabi ko.

"Baka bulag iyang kasama mo?"

Narinig siguro iyon ni Sofia kaya napatingin ito sa kanya.

"Kung bulag ako ay kanina lang dapat ako natalisod, diba?" malamig na sabi ni Sofia sa kanya.

"Eh hindi ka man lang kasi lumingon nang naupo ako dito." parang nagtatampong sabi ni Christian.

"Bakit naman ako lilingon?" malamig na tanong ni Sofia at binalik ang tingin sa kanyang cellphone.

Magsasalita pa sana si Christian pero pinigilan ko na. Nilibot ko ang tingin ko para makita ang buong paligid o masasabi kong may hinahanap ako. Tinignan ko na ang entrance at ibang table pero wala sya. Hindi ba sya kakain dito?

Kalaunan ay dumating na ang pagkain. Taka pa akong napatingin sa waiter dahil nilagyan nya din ng pagkain sa tabi ni Christian. Napa-angat agad ang tingin ko sa lalaking kakaupo lang. It was Zackelthon with serious eyes.

"Oh, iisang table din tayo at iisang kwarto." biglang ani ni Christian.

"Good evening, Mr. delFaszo." bati ni Sofia agad sa kanya.

"Good evening." bati pabalik ni Zackelthon gamit ang seryosong boses.

Ako naman ay hindi makatingin sa kanya. Hinahanap-hanap ko sya kanina, ngayon na nasa harap ko na ay naduduwag akong titigan sya. Baka dahil malapit lang sya sa akin?

"Binati mo si Zackelthon? Samantalang sa akin ay wala kang pakialam?" tanong ni Christian kay Sofia.

Parang bata ata si Christian kay Sofia. Lakas ng tama. Hindi naman sya ganito sa mga babaeng dinidate nya.

"Wala naman talaga akong pakialam." ani ni Sofia at nagsimula ng kumain.

"Sa gwapo kong ito? Hindi mo pakikialaman?" parang bata na nagtatampo na si Christian.

"Saan banda?" balik na tanong ni Sofia sa kanya.

"Aba—"

"Baka kayo ang sunod na magkatuluyan dahil ganyan dati si Steven at Krisha." mahinang sabi ko.

"Okay lang sa akin." Christian said, grinning.

Hindi na nagsalita si Sofia. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ang table namin at walang nagsasalita. I can feel that Zackelthon is staring at me. Kaya napatingin ako sa kanya. He then raised her brows challenging me. I looked away and continue eating. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Mababaliw na ata.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now