Chapter 10

5.3K 130 6
                                    

-

Nasa loob na ako ngayon sa kwarto namin ni Mama. Bumalik naman si Zackelthon sa opisina nila. Nakahiga ako ngayon at nakatingin sa kisame.

'Baby, then'

Naalala ko naman ang sinabi nya kanina. Bakit ang lakas naman ata nang epekto sa akin iyon. Paano ako naging baby? Ysha nga pangalan ko eh, hindi baby.

Nakaramdam akong may tumatapik tapik sa balikat ko kaya dinilat ko ang mata ko. Nakatulog ako dahil sa pagod kanina. Ginising ako ni Mama dahil kakain na. Sumabay ako sa kanya pumuntang kusina. Ng nakapasok na kami naupo agad ako sa bakanting upuan.

"Kumusta naman ang exam anak?" Tanong agad ni Mama.

"Okay lang naman Ma, medyo nahirapan din pero nagawa ko namang sagutin"

Hindi daw umuwi ang mag-asawa ngayon dahil may dinner meeting sila. Si Zackelthon kaya kumain na? Sino kasama nya?

Nagsimula na kaming kumain, ng nakarinig kami ng biglang pagkatok sa pinto. Binuksan iyon ni Eva, na nasa tabi ko. Lahat kami natahimik, at napatigil sa pagkain dahil si Zackelthon pala iyon.

"Sir, kanina ka pa?" Tanong sa pinaka matandang kasambahay.

"Ah, no, kakarating ko lang." Mahinang sabi nya.

Marinig ko lang ang boses nya iba na talaga ang epekto sa akin.

"Eh ihahanda na naman ang dinner nyo Sir" tatayo na sana si Mama ng pinigilan sya ni Zackelthon.

"Mind if I join you all here?"

Lahat kami nagulat sa tanong nya. Maski ako napatingin sa kanya na gulat. Siya? Sasabay sa amin?

Nakatingin parin kami sa kanya, taka sa sinabi nya. Hindi nya inaalis ang tingin sa akin. Medyo ngumiwi ako dahil kakaiba na naman ang dinulot ng puso ko. Napansin nya siguro na wala agad sumagot sa kanya.
"Did I say something wrong?" He asked while tilting his head.

Nabigla ako dahil sa pagsabay-sabay nilang pagtayo.

"Dito ka sir."

"Tabi tayo sir."

"Dito dito"

Maski si Zackelthon na gulat din sa biglang pagtayo nila. Lumapit sya sa banda ko, kaya medyo kinabahan ako. Huminto sya sa katabi kong upuan. Kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Mind if I sit beside you?" He said, with teasing tone. Anong ginagawa ng lalaking ito?

Tumikhim ako at tinanguan lang sya bilang sagot. Umupo kaagad sya sa tabi ko, kaya medyo kinakabahan ako. Nag hain agad sya ng kanin at ulam nya.

Medyo tahimik ang mga kasambahay ngayon dahil kasama naming kumain si Zackelthon. Nanatili lang akong nakatingin sa pagkain ko, hindi ginagalaw.

"Eat now, Euryshalein" mauwtoridad na sabi nya.

Kinuha ko na ang kubyertos ko at nag-simula ng kumain. Hindi naman ako nailang na kumain kaming sabay sa restaurant kanina pero bakit ngayon naiilang ako?

"Euryshalein, kumain ka ng marami" utos nya ulit.

"Ysha, Zackelthon"

"Euryshalein" pagmamakulit nya, habang nakatingin sa akin.

Kunot noo ko syang tinignan at ngumuso.

"Ysha" sabi ko.

"Euryshalein is a nice name" seryosong sabi nya, nakataas ang isang kilay.

"Masyado ngang mahaba, Ysha nalang"

"Baby, then"

"Ysha" sabi ko, nag titigan sa isa't-isa.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now