Chapter 1

192 5 0
                                    

Chapter 1
La Tierra

Let's face it. Let's face the reality. Hindi niya ako mahal at hindi niya ako mamahalin. I'm her disgrace. I'm her disappointment. I'm her downfall. I'm a forever pest in her life.

Matapang ako, pero kapag si Mama na ang pinag-uusapan, nanghihina ako. I can't process my mind and my heart. My anger always turns into tears. Wala akong magawa. Hindi ko magawang magalit sa kanya,dahil anong karapatan ko? Magpasalamat nalang ako at iniluwal niya pa ako di ba?

I don't know if should I hate her because she hurt me or should I love her because she let me live? She let me see how beautiful the world is? Beautiful my ass. What's so beautiful in this world? Love? I don't think so.

The cold breeze suddenly embraced my body as I walked towards the doorway. Wearing black fitted pants, white sleeveless on top and blazer, I took a cab off from our mansion. I already texted Raynes na ibenta ang dalawa kong sports car sa bahay at i-transfer ang pera sa account ni Mama.

I withdraw my money. Sarili kong pera galing sa mga race na pinapanalunan ko. Wala akong itinira. Kakailanganin ko ng pera dahil malayo-layo ang pupuntahan ko at matagal-tagal akong mawawala.

Hindi na ako kumain dahil dumiretso na ako sa terminal ng bus. Bumili ako ng ticket at komportable akong sumakay ng bus, at pumuwesto sa tabi ng bintana. This isn't my first time to ride in here but I'm still tensed and a bit nervous.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsimulang umandar na ang bus papalayo sa terminal. Niyakap ko ang sarili ko dahil kahit may jacket na ako, sobrang lamig pa rin lalo't dis-oras na ng gabi.

I will rebuild my life. Myself. This is the hardest thing, but I know, this is also a right thing to do.

Hindi ko namalayan na sobrang haba na pala ng tulog ko at nagising nalang ako dahil sa tumamang sikat ng araw sa aking mukha. Tumingin ako sa relo ko at alas-siyete na ng umaga at kumakalam na ang sikmura ko. Mahigit sampung oras pa bago ako makarating sa probinsya. Buti nalang at bumili ako ng biskwit at tubig at 'yon nalang ang kinain ko at natulog ulit.

Napasinghap ako dahil may humaplos sa pwet ko habang naglalakad ako papunta sa pinto ng bus para bumaba.

"Nice butt, Miss." Nakangiting sambit ng isang lalaking mukhang naka-drugs pa ata.

"Nice face, boy." Sabi ko matapos siyang suntukin sa mukha. Napamura siya. May dugong lumabas sa gilid ng labi niya. Napatili ang iilang pasahero. Aambang hahatakin ako nang pigilan siya ng kasamang babae.

"Ang manyak mo talaga!" Sabi no'ng babae at sinapak pa siya nito.

"Welcome to La Tierra de Conde" 'yan ang sumalubong sa akin pagkababa ko ng bus.

"Miss, sukli mo." Tawag saakin no'ng kundoktor ng bus. Hinaplos niya pa ang kamay ko at kumindat pa saakin.

"Put your hands off or I'll break it." Malamig na sabi ko sa kanya. Para siyang napaso at binitiwan agad ang kamay ko. Nakita ko pa ang pagtayo ng balahibo sa kanyang braso bago tuluyan na akong tinalikuran.

Hapon na ng makarating ako. Hila-hila ang bagahe ko,dumiretso na ako sa paradahan ng tricycle. Hindi naman kasi pwedeng pumasok ang bus sa loob.

"Miss, saan ka?" Sumulpot ang tatlong lalaki sa harapan ko at sinuyod ako mula ulo hanggang paa.

Lalagpasan ko sana sila pero humarang ulit sila sa dadaanan ko. I looked at them. They are wearing an old maong pants and t-shirt na luma na rin dahil may grasa pa akong nakita. May puting towel din na nakasabit sa likod ng bulsa ng pantalon nila. Mukha naman silang desente. They're not looked like maniacs or lunatics or something,but I don't want to waste my time talking to them.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now