Chapter 23

117 3 2
                                    

Chapter 23
Oportunista

Mabilis lumipas ang mga araw.

"Nanliligaw ba si Senyorito Cross sayo, ate?" Usisa ni Andeng isang araw. Magkasabay kami ngayong nakasakay sa jeep papuntang eskwelahan. Swerte niya naabutan niya ako. Palagi ko kasi siyang iniiwan dahil ayokong makasabay siya, napakaingay, napakadaldal kasi.

"Pwede ba, Andeng. Tumigil ka nga." Sabi ko sa kanya.

"Eh kasi palagi siyang nasa bahay niyo, siya lagi ang nagdedeliver ng tubig eh pwede naman na yung mga tauhan nalang nila. Saka, nakikita namin na palagi kayong magkasama. Anong meron?"

"Hindi siya nanliligaw, Andeng. At hindi ko siya gusto." Sabi ko para matigil na siya sa kakatanong sa akin. Saka napapansin ko ang panay tingin ng dalawang babae sa harap namin at bumubulong-bulong pa. Parehong nakasuot na uniporme, hindi ko alam kung saang eskwelahan sila.

"Si Senyorito Cross daw, nanliligaw sa babaeng to? Eh si Keish and girlfriend niya eh. Asumera kasi." Rinig ko pang sabi nung isa bago kami bumaba ng sasakyan.

"Good Morning, Miss Sereno?" Si Kian. Isa din ito eh. Umagang-umaga sinisira nila araw ko. He's wearing his usual look—bored but cool.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Actually, I don't have problems with him. Maayos naman siya. Kaso nga lang mayabang. And I don't feel like hanging out with him. Palagi niya akong balak kausapin sinula noong unang taon ko dito.

"Hey. Wait." Hinawakan niya ako sa palapulsuhan para matigil sa paglalakad. "Will you go out with me this Saturday?" Is he hitting on me? Tinaasan ko siya ng kilay. "I mean... may outing kasi kami ng council this weekend and—"

"Sorry. I am having headache this weekend." I said rudely and continue walking. Iniwan siya. May outing pala sila ng council niya, bat niya pa ako isasama?

Natanaw ko si Andeng kasama ang mga barkada niya, si Ralph, si Fernan, at Sofia sa canteen dahil break time na, nagsisimula na silang kumain ngunit nang matanaw kami ni Kevin na magkasama, tumigil sila at inaya kami.

"Anong sayo, Rielle? Ako na ang bibili para sa atin." Si Kevin.

"Hindi na. Ako nalang bibili. Sama na ako sayo." Sabi ko dahil mukhang masama ang timpla ni Sofia ngayon lalo na nang makita ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya.

Mahaba pa ang pila at kung sinuswerte ka nga naman, katapat ko pa si Kian na ngayon ay nakangiti sa akin. Anong nakakatawa?

"Ikaw na mauna, Pres." Sabi no'ng babaeng nasa unahan niya.

"Hindi na Yna. Salamat." He said in a playful tone.

Playboy!

"Rielle. About sa sinabi ko kanina, kung magbabago ang isip mo sabihin mo lang sa akin. Magiimbita din ang iba kaya ayos lang kahit hindi council. Mags-celebrate lang." Last year niya pa ako kinukulit about sa pagsama sa mga jammings nila pero palagi kong tinatanggigan. I don't have any reason to hang out with them, so why would I?

"Sige. Sasabihan na lang kita." Sarkastiko akong binigyan siya ng ngiti na para bang iyon lamang ang hinihintay niyang sagot mula sa akin. I saw his wide smile while looking at me. Mas lalo lumapad ang ngiti niya nang irapan ko siya at tumingin na lamang sa unahan.

"Senyorito!"

"Nandito si Senyorito oh!"

"Kasama si Quinn!"

Sabay kaming napalingon sa likod dahil sa kumosyon. Agaw pansin ang paglalakad ni Senyorito Cross sa gitna ng canteen lalo na at nakasuot siya ng puting t-shirt at pantalon na medyo madumi na.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora