Chapter 30

130 1 3
                                    

Chapter 30
Liar

Nakasunod pa rin ang tingin ko sa mga bagong dumating, nakaalalay sa kanila ang mga bodyguards na kasama. Umupo sila sa mahabang presidential table sa pinakaharapan ng stage kasama ng iba pang judges.

So, she is Kesslee Davies they are talking about. She's pretty, decent, and elegant. Hindi malabong nagkagusto si Cross sa kanya, ganoon din siya. Actually, bagay sila.

May punyal na tumusok sa dibdib ko dahil sa naisip. She dressed and moved like a princess, samantalang ako, baduy manamit at medyo bastos pa ang bibig. She looked pretty smart, went to a prestigious school, and well-mannered, samantalang ako gulo lang palagi ang hanap sa kanto. Kilala at tanggap ito ng buong pamilya ni Cross, samantalang ako, kilala lang pero hindi bilang girlfriend. Hindi nga ako sigurado kung seryoso ba talaga si Cross sa akin o ano.

Fuck! Ngayon lang ako na-insecure ng ganito sa buong buhay ko.

"Ate, si Cross." Bulong ni Andeng sa akin.

Sinundan ko ang tingin niya at doon ko natanaw ang papasok na Senyorito. He's wearing maong pants and white t-shirt. Mukhang bagong ligo. Nakakatakot siyang tingnan habang malalaki at mabibigat ang hakbang papalapit. Diretso ang matalim niyang tingin sa akin.

Kinabahan ako bigla.

Tumayo si Kesslee para salubungin si Cross. Nanikip ang dibdib ko. Nagsinghapan ang mga nakakita, halos lahat naman ng nandito ay nanonood sa kanila. Ngunit tumahimik bigla at nagbulungan na lamang ang iba nang nilagpasan lamang ni Cross si Kesslee, hindi manlang hinintuan o kaya tiningnan at tumungo agad sa pwesto ko.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at hinaplos ang aking kamay na nasa hita. Nanuot sa aking ilong ang pabango niya.

"Hindi mo dala ang cellphone mo? Marami akong texts at tawag sayo." His jaw tightened and he's serious now. "Galing ako sa inyo para sabay na sana tayo pumunta dito kaso wala ka na doon."

Hindi ako nakasagot, gulat pa rin sa ginawa niya.

May sinenyas siya sa kanyang driver at may dala na itong mono block, itinabi sa akin at umupo siya. Fuck!

Nakita ko si Kesslee na nakatayo pa rin kung saan siya nilagpasan ni Cross, nakatingin sa amin, nagtataka. I saw disappointment in her eyes as she walked back to her chair na para bang walang nangyari. Ang nakapagtataka lang, ang Don at Donya, at ang mga magulang ni Cross ay hindi manlang nagulat sa ginawa niya, tumingin lang sa banda namin ng isang beses at nagpatuloy na sa pakikipag-usap sa mga panauhin.

"Hi, Senyorito." Si Andeng.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. "Kumain ka na?"

"Hindi dito ang upuan mo." I said coldly, binalewala ang tanong niya.

"It's okay. Pwede naman na dito na lang ako mag-judge. I'm asking you kung kumain ka na? Hindi pa ako kumakain, sasabay sana ako sayo." Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod dahil sa tinuran niya.

Hindi pa siya kumakain?! Marami ang niluto sa kanila bakit hindi nalang siya doon sa kanila kumain?!

"Kumain na ako." Sabi ko.

Nakita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Mukhang marami siyang ginawa sa Hacienda buong araw ngunit nakuha niya pang mag text at tumawag sa akin.

"Pumunta ka na doon sa lamesa niyo. May pagkain naman ata na ibibigay, doon ka nalang kumain."

"Mamaya. Hindi pa naman nagsisimula. Dito muna ako."

Bahagya akong siniko ni Andeng at sinenyas na tingnan ko si Kesslee na lumilingon sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon