Chapter 15

165 7 4
                                    

Chapter 15
Looked Away

Nagpaalam na ako sa kanila na pupuntahan ko si Nanay sa kusina para tumulong. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at umalis na ako.

Bakit kailangan niya pang sambitin ang bagay na iyon? Not that I'm ashamed of what score I got, but...nevermind.

"Halika, Rielle! Samahan mo akong dalhin ito sa sala." Si Nanay nang matapos siya sa kanyang ginagawa.

Kinuha ko ang nakalapag na tray sa counter. Isang pitsel ng juice at isang buong brownies. Dala naman ni Nanay ang mga kutsara at platito. Nauna siyang maglakad patungo sa sala kung saan naroroon pa rin ang pamilyang Sullivan at buti naman wala si Sofia ngayon. Nakakasawa na rin kasi na palagi ko siyang nakikita dito.

Nagkakatuwaan sila.

Hindi nila napansin na pumasok kami ni Nanay. Dahan-dahan kong nilapag ang tray sa lamesa nang hindi lumilikha ng ingay.

"Wala ka nang hahanapin pa doon kay Sofia, hijo." Napalingon ako kay Don Idefolso na nakangisi saakin, at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay bumaling agad siya sa apong si Cross.

"Oo nga naman, Apo. Mabait, maganda, magalang, matalino at higit sa lahat, magaling sa gawaing bahay tulad ng gusto mo." Si Donya Victoria naman ngayon.

"At masarap pang magluto!" Pahabol ng Don.

Natigilan ako.

"Ano Kuya? Ikaw nalang ang hinihintay ni ate Sofia eh!" Sabat naman ni Venice at sinabayan pa ito ng tawa ni Ma'am Alena.

"Nagbabago din ang pananaw ng tao, Lolo. Kahit hindi marunong sa gawaing bahay ang makakasama ko, ayos lang. Marunong naman ako." Si Senyorito Cross na ininuman agad ang isinalin kong juice sa kanya.

"Pagod ka na niyan sa pagtatrabaho, hijo. Baka naman pag-uwi mo ng bahay, wala pang nakahain na pagkain." Natatawang saad pa ni Don Idefolso.

"Ayos lang din iyon, Lo, ayokong mahihirapan siya. Ako ang magluluto para sa amin. Ang gusto ko lang, may mauuwian pa rin ako, iyong babaeng makakapawi ng pagod ko." Si Cross ulit. Ngunit mas lalong nagpainit ng mukha ko ang mga sumunod niyang sinabi. "Ayos lang na walang nakahain na pagkain, basta't nakahain siya pagdating ko."

"Naku, tigilan niyo nga si Cross. Alam niyo namang pihikan iyan pagdating sa pagpili ng babae hindi ba?" Si ma'am Alena. "Thank you, Rielle." Sabi nito sa akin at hinaplos pa ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

I just nod as a response.

Nag-iwas ako ng tingin at saktong paglingon ko naman sa kaliwa ay sumalubong saakin ang madilim na mga mata ni Cross.

What's your problem, dude?

Nauna na ako kay Nanay lumabas dahil parang ang sikip ng pakiramdam ko doon sa sala kasama sila.

"You're Ms. Sereno, right? What are you doing here? Oras ng klase, nandito ka?" Umangat ang tingin ko sa nang-istorbo sa aking pagtulog.

Umayos ako nang pagkakasandal sa malaking puno dahil sa gulat nang makita kong kunot-noo siyang nakatingin saakin.

He's as tall as me, well-defined body, messy hair, reading glasses that he can't be bothered taking it off, boring hazel nut eyes but there's some sort of glow nang matutukan ito ng araw.

"Tss..." Reklamo ko at naisipang tumayo na. Walang ganang pinagpagan ko ang aking pantalon at tamad na isinukbit sa kaliwang balikat ang backpack ko.

Nilagpasan ko siya pero naramdaman kong sumunod siya saakin.

I know him. He's Kian Ignacio. He's a third year from BSBA Department. The School's Supreme Student Council President. I saw him during our first day of school when we had our orientation, isa siya sa mga naging speaker noon.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon