Chapter 11

113 1 0
                                    

Chapter 11
Thoughts

Next week pa ang pasukan at nakapag-enroll na rin ako kasama si Kevin at Sofia na parehong incoming first year college din. Ayoko sanang mag-aral pero dahil pinipilit ako ni Nanay at nina Kuya Brock at Adair, wala na akong nagawa. This is for my own good, according to them.

"Rielle, bumili ka muna ng suka at toyo diyan sa may tindahan." Utos ni Nanay saakin at inabot ang pera.

Lumabas ako at bumili sa malapit na tindahan pero wala, kaya sinubukan ko sa kabilang kanto. May nakita akong grupo ng mga lalaking nakatambay sa gilid at ang iba naman, may hinihithit na sigarilyo. Napatingin ang isa saakin at binulong sa katabi kaya lahat sila, nasa akin na ang atensyon.

Tumayo ang lalaking mukhang lider nila at sumunod naman ang iba, nasa likod nito. Tinapon niya ang sigarilyo at tinapakan iyon.

"Siya ba iyon? Patpatin naman ah? Paano niya natalo ang mga magnanakaw?" Dinig ko na sabi nito.

"Matapang 'yan boss."

Nilagpasan ko sila at tumungo na sa tindahan. Pagbalik ko, naka-tayo na ang lalaki sa gitna ng maliit na eskinitang dadaanan ko. Samantalang ang mga kasama niya ay nasa gilid, nakatingin lang. Naghihintay sa maaring mangyari.

Oh come on, boy. Not now.

"Miss! Ikaw 'yung pamangkin ni Aling Wilma di ba?" Tanong ng lider nila saakin at lumapit pa. Naghahamon.

Tumigil naman ako at mataman siyang tiningnan.

"Tumabi ka." Malamig na sambit ko dahilan ng pag-ngisi niya na para bang may nakakatawa.

"Matapang ka nga. O baka naman, nagtatapang-tapangan ka lang?" Sabi pa niya.

"Boss, hayaan na natin siya." Sabi no'ng kasama niyang lumapit pa saamin.

"Ano ka ba, Ren. Huwag kang matakot sa babaeng 'yan. Saakin ka matakot! Naiintindihan mo ba?"

"Boss, siya rin ang nakatalo kay Michael sa bilyaran." Dinig kong sabi pa nito na hindi pa umaalis sa tabi ng boss nila.

Nagbago ang reaksyon ng lalaki. Ang kaninang mayabang, ngayon ay para ng nakakita ng multo dahil putlang-putla na ang kanyang mukha.

Nilagpasan ko na sila pero hinigit nito ang siko ko. Nabitawan ko tuloy ang dala kong suka't toyo.

"Bitawan mo ako." Walang ganang sabi ko.

"Miss naman, sumama ka na lang saakin. Isang gabi lang tapos makakauwi ka na. May pera ka pa." Mayabang na sabi niya.

Luminga-linga muna ako at nang makitang wala namang ibang taong dumadaan liban saamin, matapang ko siyang hinarap.

"Ano, Miss? Magkano ka ba?"

"Damn you!" Sigaw ko at lumapat kaagad ang kanina pang nanggagalaiti kong kamao sa malapad at bitak-bitak niyang mukha.

My knuckles got hurt. Parang semento ang mukha ng bwisit na lalaking ito sa sobrang tigas!

"Walang hi—" Aambang gaganti siya pero nakailag ako at mabilis kong nahawakan ang kamay niya at pinilipit ito. Sinunod ko ang isa niya pang kamay at namilipit na siya sa sakit.

"Hoy! Ano 'yan?!"

Tumakbo sa takot ang mga kasama niya pero may mga naka-uniporme ang dumating at hinarang sila.

"Dalhin na ang mga 'yan!"

Halos lumabas na yata lahat ng mga residente para makiusyoso. Dinampot kami ng mga Kagawad at dinala sa barangay hall. Nagdadalawang isip pa sila kung hahawakan ba ako o hindi. Pero hindi na nila ako kailangang kaladkarin dahil sasama ako.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon