Chapter 12

143 4 0
                                    

Chapter 12
Exchange

Nagmadali akong naligo at nagbihis. Inimpake ko ulit ang mga gamit ko at lumabas na. Naabutan ko si Nanay na naghahanda na ng hapunan. Gulat na napatingin siya saakin papunta sa maletang hila-hila ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang makalapit na saakin.

"Nay, uuwi na po ako. Hinahanap na ako ni Mama." Seryosong sagot ko naman sa kanya.

"Hinahanap? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Ang ibig kong sabihin..." Kilala ni Nanay si Mama sa lahat lalo na sa ugali nito. Syempre, si Nanay ang nag-alaga sa kanya simula no'ng hindi pa siya naga-artista. At alam din ni Nanay kung ano ang turing ni Mama saakin. Kaya hindi siya naniniwalang na talagang hinahanap na nga ako sa bahay.

"Opo, Nay. Nag-text si Tito Tristan sa akin na nag-aalala na si Mama at hinahanap niya ako." Masayang sabi ko sa kanya. "May byahe naman ngayong gabi di po ba, Nay?"

"Paano ang pag-aaral mo? Nakapagsimula ka na ah? Ano? Hindi mo ba tatapusin?" Pag-aalala niya at binalewala ang tanong ko.

"Pwede naman po akong mag-enrol ulit doon sa Maynila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Mama, Nay." Lumabas na ako at sumunod siya. "Sige Nay, mauuna na ako. Tatawag nalang po ako kapag nakarating na ako doon. Saka, kapag may kailangan kayo, sabihin niyo nalang saakin."

"Bukas ka nalang lumuwas. Gabi na, nak."

"Hindi ko na pwedeng ipagpabukas ito, Nay."

Nag-abang ako ng masasakyang tricycle. Natanaw ko pa ang mga tropa ni Andeng sa may tindahan,nagk-kwentuhan at hindi nag-iinuman. Wala si Cross. Nang makita nila ako, sumigaw agad si Andeng. Pinapalapit ako sa kanila. Tumango lang ako at sumakay na sa tricycle bago pa man sila makalapit saakin.

"Nay, saan pupunta si Ate Rielle?" Narinig ko pang tanong ni Andeng.

Hindi nagtagal, may dumaang bus na papuntang Maynila kaya sumakay na ako. Buti nalang at hindi na ako naghintay pa ng matagal. Halos hindi na ako makatulog sa labis na pagkatuwa. Excited na ako. Kung pwede nga lang paliparin itong sasakyan, ginawa ko na, makarating lang agad sa bahay.

Namuo na sa aking isip ang maaring mangyari pagbalik ko. Mom is going to apologise to me. She'll tell me how happy she is that finally, I came back. She'll tell me she misses me so much. She'll tell me how sorry she is of hurting me physically and emotionally. She'll finally realized that she can't live without me. She needs me. She'll tell me she loves me. Paniguradong babaha ng luha ang buong bahay namin nito.

Pero kabaliktaran pala lahat ng mga naiisip ko.

"Mabuti nga at naglayas na ang bastardong 'yon! Nabawasan ang galit ko. Buti nalang napagtanto niyang hindi ko siya tatanggapin sa buhay ko!"

Natigil ako sa pag-ambang pagbukas ng pinto nang marinig ko ang sigaw ni Mama. Naibaba ko tuloy ang kamay ko sa doorknob at naestatwa sa labas.

"She's still your daughter, Marina!" Boses ni Tito Tristan. "Kailan mo ba siya matatanggap? Nasasaktan na ang anak mo! Akala mo matapang si Rielle? Pagdating sayo, mahina siya!"

"She is not my daughter! How many times do I have to tell you that, Tristan? She will never be my daughter! At hindi ko siya matatanggap! She ruined my life! She ruined everything that I have!"

Parang punyal na pinagsasaksak ang puso ko sa masasakit na salitang binitiwan ni Mama. Ganito na ba talaga kalaki ang galit niya sakin? To the point na ikinakahiya niya ang sarili niyang anak? Kasalanan ko ba na nabuntis siya ng ama ko? Kasalanan ko ba na nabuhay pa ako sa mundong ito? Kasalanan ba ang mabuhay?

Dahan-dahan akong napaatras habang dahan-dahan din sa pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi.

"Neng, aalis na kami. Sasakay ka ba?" Gulat na napatayo ako sa kinauupuan.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon