Chapter 18

72 5 2
                                    

Chapter 18
Lipstick

Buong linggo kaming nagkikita ni Senyorito. Araw-araw, pagkauwing-pagkauwi ko galing eskwela, dumideretso ako agad sa treehouse niya. Palagi naman siyang nakaabang sa akin at may minsang doon na rin ako kumakain ng tanghalian at hapunan, siya ang nagluluto.

"Hindi ka pa rin kumukuha ng uniform." Sabi niya isang araw.

Pinagmasdan ko lang siya habang nakatalikod siya sa akin, nagluluto. Nakapalumbaba naman ako sa lamesa.

"Next week." Tamad na sabi ko naman. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya. Ang taray naman nitong Senyorito na'to.

"I'll be gone to Manila next whole week." Natigil ako saglit. For work probably. "Don't worry, pwede ka namang pumunta dito kung gusto mo. I'll give you the spare key-"

"Hindi na. Baka, busy na ako niyan. Malapit na rin naman ang midterm namin." Putol ko sa sinabi niya at ngumuso.

Hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan niya ako ng mga ilang minuto bago binalik ang atensyon sa kanyang niluluto.

Halos isang buwang hindi nagpakita si Senyorito Cross sa hacienda. Huling pag-uusap namin ay noong nasa treehouse niya ako. Akala ko, isang linggo lang, hindi niya sinabi na matatagalan pa pala siya sa Maynila at kung saang lupalop pa pala siya pumunta. Well, he don't need to tell me his whereabouts, though. I don't care.

Na-survive ko na ang midterm kaya wala na akong dapat na alalahanin. Malapit na rin ang finals kaya magiging abala na ulit ako.

"Ngayon ang dating ni Senyorito Cross kasama ang mga magulang niya at kapatid. Kaya maghanda ka, Rielle." Sabi ni nanay sa akin.

Cross. Tss.

"Ano po ba ang lulutuin niyo, Nay?" Tanong ko habang nagpapatuyo ng mga pinggan.

"Sinigang na hipon, ang paborito ni Senyorito Cross." Sagot naman niya. "'Yong palaging dinadala ni Sofia dito? Tanda mo?"

Tumango lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Alam mo iyang dalawang 'yan, sobrang lapit sa isa't-isa, hindi mapaghiwalay. Madalas namamalagi dito si Sofia no'ng mga bata pa sila kaya sanay na sanay na siya dito. Matalinong bata, maganda, sweet pa saka magaling sa gawaing bahay." Kwento niya.

Mapakla akong ngumiti kay Nanay. I didn't know what and how to react. Hindi ko naman siya tinatanong tungkol sa Sofia na 'yon.

Yes, she's smart and very talented and a wifelike and I'm not. I. Don't. Care.

"Ganyan ang mga gusto ni Senyorito Cross, 'nak. Minsan nga, naitanong ko na sa kanya ang mga tipo niya sa babae at parehong-pareho ang mga katangian kay Sofia ang gusto niya. 'Yon bang maalagaan siya, maipagluluto ng mga paborito niya sa tuwing uuwi siya galing trabaho." Nakikinig lang ako sa kanya, pero ang totoo, sa loob-loob ko, gusto ko ng basagin itong mga pinggang hawak ko dahil sa inis na nararamdaman. Ewan ko kung para saan pero naiinis ako!

"Saka narinig ko si Senyorito Cross, nay. Kahit hindi marunong magluto ang magiging asawa niya, ayos lang daw iyon sa kanya. Marunong naman siya magluto." Katwiran ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.

Uminit ang pisngi ko dahil sa naalala. "Ayos lang na walang nakahain na pagkain, basta't nakahain siya pagdating ko."

Tumigil si nanay sa ginagawa at hinarap ako pero nagpatuloy pa rin ako sa pagpupunas.

"Sinasabi niya lang iyon dahil wala pa siyang asawa pero hindi, Rielle. Kailangan ng babae matuto ng mga gawaing bahay. Tingnan mo si Sofi-"

Anong pakialam ko sa mga tipo niya? Saka teka nga, as if naman ako ang aasawahin ni Cross noh!

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now