Chapter 16

72 4 0
                                    

Chapter 16
Practice

Pagkauwi namin ni Nanay, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nasaksihan kanina. I don't know why I am feeling this way. I don't know why I suddenly feel betrayed but fuck! Fuck, Rielle!

"Alam kong nag-cutting ka na naman, Rielle. Kailan mo ba titigilan iyan? Magseryoso ka naman sa pag-aaral, tandaan mo na binayaran na ni Ma'am Alena ang tuition fee mo." Pangaral nanaman ni Nanay saakin.

Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis. Tamad na tumihaya at inunan ang sariling mga braso. I closed my eyes and feel the emptiness within me.

Gulat akong nagmulat ulit dahil rumehistro sa utak ko ang eksenang nakita ko sa Hacienda.

Tumayo ako at nagsuot ng jacket at lumabas ng bahay. Paniguradong tulog na si Nanay dahil sa pagod.

Pagkalabas ko, natanaw ko sa may tindahan ang grupo ni Andeng. Ngunit wala si Sofia at Senyorito Cross doon. Hindi na ako nag-atubiling lumapit at dumiretso na ako sa kung saan payapa akong nakakapag-isip ng mga bagay-bagay.

Yes. I went to El Dorado to take a dip. Siguradong bubungangaan nanaman ako ni Nanay kapag nalaman niyang bumalik ulit ako dito.

Ang lagaslas ng tubig galing sa taas, ang huni ng mga ibon sa himpapawid, ang ingay na nanggagaling sa mga ligaw na hayop,at ang liwanag ng buwan. Sadyang nagbigay saakin ng napakasarap at napakagaan sa pakiramdam. Napawi lahat ng lungkot sa akin ngunit alam ko na pagkatapos nito, babalik ulit sa dati.

Nang tuluyan na akong nakaramdam ng lamig, umahon na ako. Pag-apak ko pa lang sa malaking bato, isang bulto ng lalaki ang sumalubong sa akin kung kaya't muntikan na akong mahulog at madulas ngunit sadyang alerto ang lalaki at nahawakan niya ako sa bewang.

"Careful." He said in a cold baritone voice. Nanginig ako. Hindi dahil sa lamig kung hindi sa takot at hindi maipaliwanang na dahilan.

"Tsk." Sabi ko at lumayo sa kanya.

What is he doing here?

"What are you doing here in the middle of the night, Rielle?" Mariin niyang tanong saakin.

"How about you, Senyorito? What are you doing here in the middle of the night?" Gusto ko sanang itanong din iyon sa kanya ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong magsayang ng laway sa mga walang katuturang bagay.

Can't he see? Syempre naligo, ano pa ba? Ang tanga namang Haciendero na'to.

Nilagpasan ko siya at naglakad na palabas ng gubat. Yakap-yakap ko ang aking katawan dahil sa lamig na naramdaman. Madilim na rin at hindi ko na makita kung tama ba ang daan na tinatahak ko.

Si Cross, nasa likod ko pa rin siya, nakasunod. Wala ba siyang dalang flashlight or something na pwedeng-nevermind!

"Ano ba?!" Sigaw ko nang higitin niya ang braso ko pabalik. Tumama ang mukha ko sa malapad at matigas niyang dibdib dahil sa bilis ng pagkakahatak niya saakin.

"May bato, Rielle." Sabi niya at tinutukan ng flashlight ang dadaanan ko sana. Doon ko napagtantong, kung hindi niya ako hinila, ay baka natalisod na ako at nagkasugat nanaman.

"May flashlight ka naman pala, bakit hindi mo binuksan kanina?" Galit na bulyaw ko sa kanya. Pero ang isinukli niya sa akin ay isang nakakalokong ngisi. "Fuck you!" I cursed him, kaya napalitan iyon ng galit.

"What a bad lips you have, Rielle. Tsk." He said and I felt disappointment on his voice.

Marahas kong hinabot sa kanya ang flashlight at naglakad ulit.

"Do you have any idea of what you're doing?" Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabi. Wala akong pakialam.

"Wala." Sagot ko.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now