Chapter 13

98 3 0
                                    

Chapter 13
Secret

Saglit kaming nagkatitigan. Na-stuck ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Wala akong mahanap na salitang dapat sabihin sa kanya.

He will like me. Does it mean, he likes me? Matagal niya na ba akong gusto pero pinipigilan niya lang? Fuck! This can't be! Gusto ko ng umatras at umuwi.

The truth is...I'm afraid. Natatakot ako sa maari niyang idugtong at sa maari ko pang marinig at malaman. I'm not yet ready for this.

"U-uuwi na a-ako." Sa wakas ay nasabi ko na rin.

"Get in. Ihahatid na kita." Binuksan niya ang pinto ng kanyang itim na pick-up. Tiningnan ko lang ang loob at hindi gumalaw. "I'll drive you home, Rielle. Please." Pagsusumamo niya.

Kinuha niya ang maleta ko at isinakay sa likod. Hindi pa rin ako gumagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nang ma-realize na hindi talaga ako sasama sa kanya, isinara niya ulit ang pinto ng sasakyan. Pumikit siya ng mariin, narinig ko ang paghinga niya ng malalim na para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon namin ngayon. At nang magmulat ng mata, mapupungay na ang mga iyon. Wala ng bahid ng galit o iritasyon kundi ang pag-aalala at pagaagam-agam.

"Do you want to stay here for a while before going home?" Malambing niyang tanong.

Tumango ako ng dahan-dahan.

"Dito muna tayo, kung ganoon."

Tumingala ako. Nagkalat ang mga bituin sa kalangitan. 'Kay sarap pagmasdan lalo na't kumikinang ang mga ito. Malamig ang simoy ng hangin. Nanuot sa aking katawan ang lamig dahil manipis lang ang suot kong damit. Niyakap ko ang sarili at sumandal sa nakaparadang sasakyan.

Nagulat nalang ako ng isuot niya bigla saakin ang kanyang itim na jacket. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. Simpleng puting t-shirt at short pero nagmumukha pa rin siyang model. Naamoy ko ang pamilyar na panlalaking pabango sa kanya. Pati ang kanyang hininga ay nakapanlambot ng aking tuhod.

Hindi ko namalayang napasandal na ang mga kamay ko sa malapad niyang dibdib bilang suporta para hindi ako tuluyang bumagsak. Ramdam ko ang kalma ng pintig ng kanyang puso samantalang ang akin ay malapit ng sumabog sa sobrang bilis at lakas nito.

Napatingin siya saakin pababa sa kamay kong nasa kanyang dibdib na nakakunot pa ang noo. Mabilis ko itong tinanggal at nag-iwas ng tingin.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. Fuck! Dahil sa sobrang bigat ng problema ko, nakalimutan ko na ang kumain. Hindi ko na rin naramdaman na nagutom ako simula no'ng umalis ako dito no'ng isang araw. Ngayong ipinaalala niya saakin, nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura. Nagutom ako bigla.

"Damn it, Rielle! You're...don't move. I'll be back." Galit na sabi niya at tinalikuran ako.

What's his problem this time, huh?

"Ano 'to?" Takang tanong ko sa kanya ng ilahad niya saakin ang dalawang plastic. Nang buksan ko iyon ay may pagkaing naka-styro at isang bote ng tubig.

"Quit smiling. Walang nakakatuwa." Masungit na sabi niya. Itinikom ko ang aking bibig na hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

"I'm not. You're just imagining things." Mataray na sabi ko naman at tinalikuran siya at hindi naiwasang mapangiti ulit. Pumasok sa front seat at doon kinain ang pagkaing binili niya para saakin.

Ngayon ko lang napagtanto, na hindi lang pala kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom, kung hindi dahil din sa iba pang bagay na natatakot akong aminin.

Nasa labas lang siya, nakasandal sa sasakyan habang nakapamulsa pa. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Ilang bote ng alak ang naubos mo?" Tanong niya nang matapos na akong kumain at lumabas ulit.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat