Chapter 2

146 6 0
                                    

Chapter 2
Alone

Nanay Wilma is on her mid 50's now. Medyo ubanin na. Siya ang nag-alaga at nagpalaki saakin simula no'ng ipinanganak ako ni Mama. She became my second mother. Kung tutuusin,siya na ang tinuturing kong tunay na ina dahil hindi rin naman ako tinuturing na anak ng tunay kong Nanay.

Siya ang nagbigay sa akin ng pangalan. Marrielle malapit sa pangalan ni Mama. At Sereno naman ang apelyido ng aking ama. Maski si Nanay,hindi kilala kung sino ba talaga ang tunay kong tatay dahil masyadong malihim si Mama noon. Ayaw ni mama na ibigay nalang ang apelyido niya saakin dahil sa galit.

She loves me. She taught me everything. Umuwi lang siya dito,8 years ago,noong twelve years old na ako,dahil namatay si Tatay Ali,asawa niya. At hindi na siya bumalik pa sa bahay at dito nalang namalagi.

"Ano nanaman ang ginawa ng Mama mo sayo,Rielle?" tanong ni Nanay pagpasok namin sa loob.

Hindi ako nagsalita.

Inabutan naman ako ni kuya Brock ng tubig at si Adair naman ay naghahanda ng pagkain.

"Anong nangyari diyan sa braso mo?saan mo 'yan nakuha?nakipag-away ka nanaman ba,Rielle?" si Adair. He's still so protective to me as usual. He's a serious type of guy. He's handsome,has a fair-complexion,lumalabas ang malalim niyang dimples kahit hindi siya ngumiti. Kaya maraming nagkakandarapang babae.

"Ano ka ba naman,Tol. Hindi naman nakikipag-away itong kapatid natin kung walang ginawa sa kanya di ba?kaya,tama lang 'yon,Rielle. Good job ka diyan!" nakangising sabi ni kuya Brock at inakbayan pa ako. He's a type of person na kapag nasa tama ka,dapat panindigan mo 'yon. He doesn't tolerate wrong doings. As much as possible,kapag naagrabyado ka,lumaban ka. Huwag kang lalampa-lampa.

Adair and Kuya Brock,sila ang apo ni Nanay sa nag-iisang anak na babae,si Tita Gelline. Matanda si Kuya Brock saakin ng limang taon at dalawang taon naman ang agwat namin ni Adair. They treated me as their sister,as their family. Huli kong natatandaan no'ng isinama ako dito ni Nanay noon,mabilis nila akong tinanggap. Halos ayaw na nga nila akong pabalikin sa Maynila eh. Pero kailangan. Pare-pareho pa kaming nag-aaral no'n.

"Kumain ka na muna. Ang layo ng binyahe mo." si Nanay.

Pinagmasdan nila ako habang kumakain ako. I know that they have so many questions to me right now but they kept their mouth shut. They just let me eat first. But I'm not comfortable with their stares so I stopped.

"Uhm...Nay...pwede po bang,dito muna ako pansamantala?m-magbabakasyon lang,don't worry po,uuwi din po ako kapag---" hindi na ako pinatapos ni Nanay sa pagsasalita.

"Pinalayas ka ng Mama mo?" mataman niyang tanong saakin.

"Hindi naman,Nay. Gusto ko lang po sanang...mag-isip-isip."

"'Yon naman pala,Nay eh!ayos!mas mabuting nandito ka,Rielle. Maliban sa mag-isa lang si Nanay dito,makakasama ka pa namin." masayang sabi ni Kuya Brock.

"Dito ka na,Rielle. Walang tanong-tanong,talagang dito ka titira." seryosong sabi naman ni Adair.

"Salamat nga pala sa perang pinadala mo,Rielle." si Kuya Brock. Pinadalhan ko siya ng pera para sa panganganak ng asawa niya. Wala namang kaso saakin 'yon,at least nakatulong ako sa kanya.

"Ayos lang,kuya." tipid na sabi ko.

Lihim akong napangiti. Even though they are not my family or relatives,perhaps,tanggap parin nila ako.

Nagpaalam na sila Kuya na uuwi na. Hinintay lang nila akong matapos kumain at nag-kwentuhan saglit. Si kuya Brock, hinahanap na ng asawa niya. Si Adair naman,may trabaho pa bukas,nags-summer job sa Rice Mill,habang bakasyon pa.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now