Chapter 24

63 1 0
                                    

Chapter 24
Confess

Maaga pa sa usapan akong sinundo ako ni Kian sa bahay. Hinintay niya pa akong makapag-ayos saka tumulak na kami. Mas mabuti daw na kami ang maghintay kaysa kami pa ang hintayin. Pagdating namin sa may dalampasigan, nagaantay na ang mga kasama namin.

Dalawang malaking bangka ang nakaabang upang masakyan papunta sa Isla.

"Pres! Hintayin muna natin ang iba para sabay-sabay na tayo."

"Hi Rielle." Bati ng ibang babae. Nginitian ko lamang sila.

May mga dala silang pagkain at inumin na alak. Wala manlang akong naiambag, nakakahiya tuloy.

"Andito na si Quinn." Nagsimula na silang sumakay sa bangka. Huli ko nang maalala na council din pala itong si Quinn.

Diretso ang tingin niya sa akin, naninimbang. Nagulat din pero sunod na natanaw ko sa mukha niya ang isang mapaglarong ngiti at uniiling-iling pa na para bang may nakakatawa sa akin.

"Tara na, Rielle." Inalalayan ako ni Kian paakyat. Nang makaupo na ang lahat, dumako ang tingin ko kay Quinn na prenteng nakaupo na at nakatitig sa kamay ni Kian na nakahawak sa aking bewang. And another playful smile plastered on his lips when his eyes met mine.

Umandar na ang sasakyan. The girls taking pictures of us. Masaya sila at maingay. Kinuhanan din nila kaming dalawa ni Kian ng picture dahil bagay daw kami ayon sa kanila.

Mabilis kaming nakarating sa Isla. May mga tao, nauna sa amin. Mukhang mga estudyante din. May naglahad ng kamay sa harap para alalayan ako pababa. Akala ko si Kian, ngunit si Quinn ang nakita ko.

"That man will probably kill me." He murmured.

Inabot ko ang kamay ko at hindi na nagsalita pa.

"First time mo dito?" Si Yna kung hindi ako nagkakamali.

"Oo eh." Tipid na sagot ko.

"Maganda diba? Enjoy ka ah, huwag kang mahiya."

Nilapag na nila ang mga dala at tumulong na rin ako. Ang iba, nagsimula ng maligo. Naka bikini ang mga babae. Halatang sanay na sanay na. Ang iba, inayos na ang pagkain. Ready na rin ang dala nilang ihawan na ang mga lalaki na rin ang nag-aayos.

Pinagmasdan ko ang buong Isla. Only 200 meters from the beach beyond the private bay or say seven to ten minute-boat ride to finally reach this place. Habang bumibyahe kami kanina, I couldn't forget when I saw variety of colorful fish, shells and living corals sa ilalim ng dagat. Also, the clean deep blue sea offers exciting diving experiences strongly recommended only to the brave and bold one.

Nakita kong umaakyat ang iba upang tumalon sa tubig kaya ginaya ko rin. I was curious what's there at the peak.

Namangha ako sa nasaksihan. What makes this Trinity Islands special and unique are their close proximity to each other like Sesame twins. And the view of this lagoon-visible at the peak of the tallest and biggest one, itong kinatatayuan ko ngayon.

"Alam ba ni Cross na sumama ka dito?" Nagulat ako dahil sa biglaang tanong ni Quinn na hindi ko naman namalayan na andito rin pala.

Hindi niya kailangan malaman kung nasaan at kung sino ang mga kasama ko.

Nakapameywang siya habang nanonood sa mga nagddive na mga estudyante.

"Stay away from Kian, Miss. Hindi mo pa kilala si Cross. Kapag nahuli ka niyang may kasamang lalaki, lagot ka sa kanya." Huling sambit niya. Naghubad ng damit at bigla nalang nakipagsabayan sa mga nagddive.

Anong sinabi niya? Lagot ako kay Cross kapag nahuli ako nitong may kasamang lalaki? What the hell! I don't even like Kian and fuck! I don't fucking care kung magalit siya!

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now