Chapter 6

137 2 0
                                    

Chapter 6
Saved

Maaga na akong gumising sa mga sumunod na araw para mag-jogging. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw gising na ako. Naabutan ko pa si Nanay na nagkakape at nagulat ng makita niya ako.

"Magj-jogging ka ulit? Mag-kape ka muna." pinagtimpla niya pa ako ng kape at tinabihan siya sa pag-upo. "Malamig, Rielle. Baka—"

"Kaya ko, Nay. Saka, may jacket naman po ako."

"Mauuna na ako, may trabaho pa ako sa Hacienda. Ikaw na ang magsara ng bahay pagkatapos mo diyan. Padadalhan nalang kita ng pananghalian mamaya." Binitbit na niya ang dalang basket at lumabas na.

Inubos ko na rin ang iniinom na kape bago tumulak. May mga bukas ng tindahan at may nakita din akong nagkakape na. Ang iba naman, may mga dalang lambat at sagwan na gagamitin sa pangingisda. May mga nagwawalis na rin sa labas ng bakuran at may naglalaba.

This is a quiet and humble town years ago, in fact, it is still the same quiet and humble town today. Walang pinagbago.

Ganito ang gawain ng mga residente dito araw-araw. It amaze me most especially that they are happy even though their life is so simple. Hindi sila nagrereklamo sa kung ano ang meron sila, bagkus nagpapasalamat pa sila. They are so sentimental. Maliit na bagay na natatanggap, masaya na sila.

Dumaan ako sa isang masukal na gubat,masikip at matataas na damo. Bato ang pathway paitaas at medyo matarik ang daan. The wild flowers and tall trees are scattered around the place. Iniwasan kong tumama ang mga matutulis at makakapal na dahon sa akin. Hiningal pa ako nang maabot ko na ang tuktok.

Huminga muna ako ng malalim at nag-relax. Mabilis akong mapagod pero hindi alintana iyon lalo na kung gusto ko ang ginagawa ko.

Worth it naman ang pag-akyat ko dito sa burol dahil sa ganda ng tanawin. The sun is slowly rising up. Ang huni ng mga ibon,ang tunog ng mga kuliglig at ang lamig ng simoy ng hangin sa umaga ay nakapagpagaan sa nararamdaman ko.

I did my usual exercise. Stretching, sit-ups, push-ups and jumping and anything. Palagi ko naman itong ginagawa sa Maynila, sa gym na palagi kong pinupuntahan. Buti sana kung may gym dito, pero wala.

Hindi na ako nagtagal pa at bumaba na ulit. Natapilok pa ako at tumama ang bukong-bukong ko sa bato dahil sa gulat nang may nagsalita.

"Ilabas niyo na ang mga 'yan! Itali niyo ang bibig at baka sumigaw pa!"

Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno ng mangga dahil sa nakita. Dalawang hindi mapagkakatiwalaang lalaki ang nakabantay sa labas ng puting SUV na nakaparada sa gilid ng gubat. May dalawang motor sa likod na mukhang sasakyan ng mga lalaking ito. Lahat sila naka-bonet. Wala akong nakitang baril sa kanila maliban sa dala nilang kutsilyo.

"Hindi pa kasi ibigay ang pera, gusto pa ata masaktan!" Sigaw ng lalaki.

Nagmasid muna ako. Hanggang sa inilabas ng dalawa pang lalaking kasama nila ang driver na naka-uniporme pa, at dalawang babae, mag-ina at mas bata ang edad saakin. They looked like rich because of the clothes they are wearing.

"Ma!" Sigaw no'ng babae. Hinahaplos pa no'ng armadong lalaki ang mukha nito. She's beautiful wearing an off-shoulder knee-length dress and a strap sandals. A paper white skin and a shiny jet-black hair na hanggang balikat ang haba. She looks so innocent!

Fuck!

"Ang ganda at ang kinis!"

"Bitawan niyo ang anak ko!" Sigaw ng ginang nito.

Sinuntok at sinipa pa nila ang driver at humandusay ito sa sahig. Itinali ang kanilang kamay at bibig para hindi na makapagsalita at makapagpumiglas pa.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon