Chapter 22

54 1 0
                                    

Chapter 22
Want

"Rielle!" Naalimpungatan ako dahil sa sigaw ni Nanay sa labas. "Hoy Rielle! Bangon na! Anong oras na oh!" 

Nagtalukbong ako ng kumot saka tinakpan ang tenga ng unan dahil nakakarindi ang boses ni nanay. Sabado ngayon at wala kami parehong pasok.

"Rielle, ano ba?! Nandiyan si Seny—"

"Hayaan niyo na ho, nay."

Lumaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Nataranta akong bumalikwas agad sa kinahihigaan at tumayo at muntik pang mahulog sa gulat.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Senyorito Cross. Bagong ligo dahil medyo basa pa ang kanyang buhok saka ang nanuot sa aking ilong ang pabango niya. He's wearing a white shirt and khaki short that really suits him a lot.

"Good morning, Rielle." He leaned on the side of the door of my room, crossing both of his arms, with smirk on his lips while looking at me!

Nahiya ako bigla at tumalikod sa kanya.

"Lumabas ka nga, Senyorito!" Sabi ko at inayos ng bahagya ang gusot na buhok.

Narinig ko ang mahina niyang tawa na para bang nanunukso pa. Humarap ako sa kanya at pinagtulakan siya palabas.

Kumuha ako ng damit at lumabas, naabutan ko siyang nakaupo sa kahoy na upuan at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi kaya inirapan ko siya. Mabilis akong naligo at bumalik sa kwarto.

"Kung hindi pa pumasok si Senyorito, hindi ka pa gigising. May usapan pala kayo. Kanina pa siya nandito, nakakahiya kaya ginising na kita." Sermon ni nanay habang nagsusuklay at inaayos ang maliit na bag.

Wala siyang sinabing may pupuntahan pala kami ngayon. Malay ko ba eh nakatulog na agad ako kagabi. Hindi ko nga namalayang tapos na pala ang tawag niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng pick up niya.

"Sa treehouse. Susunduin muna natin si Shae sa kanila. Ayos lang ba?"

"Ayos lang!" Napangiti ako bigla dahil nabanggit niya si baby Shae. Matagal na rin simula no'ng nakasama ko siya at masaya ako na makikita ko ulit siya ngayon.

I saw him smirked.

"Maayos ba ang tulog mo kagabi?" Biglang tanong niya sa akin at umiwas ako ng tingin.

"Ayos lang." Tipid naman na sagot ko. "Uhmm. Nakatulog na ako kagabi, pagod kasi saka..." Nahihiyang sabi ko. What the heck! Why am I even explaining to him?

"Naiintindihan ko, Rielle. Hinintay kong matapos ang tawag at natulog na rin ako." Putol niya sa sinabi ko.

Hindi na ako kumibo matapos iyon. Wala na rin naman na siyang tinatanong kaya pinagmasdan ko nalang ang mga taong dinaraanan namin.

"Master! Senyorito!" Nadaanan namin ang grupo ni Fred sa may tindahan, nakatambay sila. Nang makita kami ay sumigaw agad at kumaway pa. Tinanguan ko lang sila at iniwas na ang tingin doon.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang maliit pero sementadong bahay sa gilid ng kalsada. Pinagmasdan ko ang mga nakatanim na bulaklak sa labas.

"Ako na lang ang papasok. Mabilis lang." Paalam niya sa akin at bumaba na agad matapos ko siyang bigyan ng isang tipid na ngiti.

Hindi naman siya nagtagal sa loob at nakita kong lumabas din agad. Pero hindi kasama si baby Shae.

"May pupuntahan sila ni Tita Calla sa kabilang bayan. Saka na lang daw." Sagot niya sa nakakunot kong noo.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now