Chapter 28

91 1 0
                                    

Chapter 28
Obsessed

Late na akong nakarating sa eskwelahan. Nadaanan ko pa kasi sila Fred sa may kantong tambayan nila kaya medyo natagalan ako.

Pupunta pa sila sa covered court ng bayan namin para tumulong sa pag-aayos sa nalalapit na pista kasama ang iba pang mga kabataan. Gusto ko nga sanang huwag na lang muna pumasok at sumama sa kanila pero naisip ko na baka wala akong maitulong lalo na at bago sa akin ito at wala akong alam sa kung anong gagawin nila.

"Sabihan niyo na lang ako kung may maitutulong ako o ano. Mauna na ako." Paalam ko sa kanila.

"Sige, Master!"

"Ingat! Galingan mo sa klase!"

Nakilala ko si Fred at ang grupo niya kalaunan. Hindi na nakapag-aral. Madalas nakikipag basag-ulo sa kabi-kabilang bayan kaya laging pinapatawag sa barangay at minsan naman kapag malala ang pinagmulan ng away, dinideretso na sila sa Munisipyo para si Mayor na ang humusga sa kanila. May mga peklat sa ibang parte ng katawan dulot ng walang tigil na pakikipag-away. They're not that bad anyways. Besides, there's no such thing as bad people. We're all just people who sometimes do bad things. No one is bad nor good. Katulad ko rin naman sila. Kapag may naaagrabyado ang sinuman sa mga taong importante sa amin, hindi namin iyon pwedeng palagpasin.

Ngunit nitong mga nakaraan, napansin kong hindi na sila pinapapatawag, hindi na sila nakikipag-away, bagkus, kapag may clean-up drive o kaya may mga okasyon dito sa bayan, aktibo sila at masayang tumutulong nang walang kapalit.

Pagpasok ko sa room namin, napansin ko ang kumpulan ng mga kaklase ko sa isang tabi. May pinagkakaguluhan sila kaya dumiretso nalang ako sa upuan ko at tahimik na umupo.

"Grabe talaga ang pagkadesperada ng mga tao ngayon."

"Syempre, mayaman at gwapo si Senyorito, sinong hindi magkakandarapa doon?"

Ilang minuto pa ang nakalipas, nagkalat na sila. Si Yam; kaklase namin ang pinagkakaguluhan nila na ngayon ay may hawak na cellphone. Hindi ko alam kung sino ang pinaparinggan nila pero sa mga mata nilang mapanuya at sa tuwing tinitingnan ko sila, umiiwas at nagbubulungan pa, alam kong ako iyon. Ako ang pinagtsitsismisan nila.

"Huwag kayong mag-alala girls, balita ko, darating sa pista si Miss Kesslee, ang totooong girlfriend ni Senyorito." Tumayo si Yam at naglakad sa harap ko.

Napangisi ako ng mapakla. I just scribble on my notes, walang pakialam sa mga sinasabi nila.

Nang dumating si Sofia, dinaluhan nila ito at binulungan pa kaya napatingin siya sa akin. Ilang araw din siyang hindi pumasok. Walang emosyon ang kanyang mukha, medyo mapula ang mga mata na para bang magdamag o ilang araw ng umiyak, medyo gusot na din ang uniform, at nakalugay na ang kanyang buhok na madalas kong makita ay naka-braid ang mga ito.

Umupo lang siya sa upuan niya at hindi na pinansin ang mga kaibigan na kinakausap siya.

Natapos ang klase na hindi makausap ng maayos si Sofia. Ilang beses din siyang napagalitan ng mga professor namin dahil hindi na siya makasagot sa mga tanong sa kanya, tulala lang siya buong araw. Hindi ko rin siya napansin kanina sa canteen, dito lang siya sa loob ng room.

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. What happened? May malaki ba siyang problema? May nangyari ba sa kanila? Sa Hacienda? Oh fuck! Did Cross tell her kaya siya ganito?

Nakita kong may tumulong luha sa kanyang pisngi at mabilis niya iyon pinalis at nagmamadaling sumakay ng jeep.

Tinext ko si Cross dahil sobrang nag-aalala ako kay Sofia. For petesake, magkaibigan sila!

Ako:
"What happened to Sofia? Did you tell her? She's crying the whole time!"

Wala akong natanggap na reply galing kay Cross. Alam kong busy iyon ngayon sa talyer o kaya sa Hacienda.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now