Chapter 26

69 1 0
                                    

Chapter 26
Sobra

Bakas sa aking mukha ang kasiyahan matapos akong maihatid ni Cross dito sa eskwelahan. Araw-araw na niya akong hinahatid kahit hindi naman kailangan. I can commute and pay for myself. Pero hinahayaan ko nalang, except sa makakatipid ako, magaan din ang loob ko kapag kasama ko siya.

Tumambay muna ako sa likod na palagi kong tinatambayan, maaga pa naman at paniguradong wala pa ang iba kong mga kaklase sa room.

Pinagmasdan ko ang paligid. Sumasayaw ang mga puno at halaman dahil sa maagang simoy ng hangin. Unti-unti na rin dumarami ang mga pumapasok na estudyante. Masaya silang nagkukulitan at nagaasaran na parang mga bata.

A smile plastered on my lips but it fade away immediately. Sari-saring emosyon ang namutawi sa aking katawan.

Naalala kong muli si Mama. Paano niya nakakayanan na mawalay sa kanya ang anak niya? Matagal na ako dito sa probinsya pero kahit isang araw, hindi niya manlang ako madalaw. Ganoon na ba talaga kalaki ang galit niya sa akin? Kasalan ko ba talaga kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa kanya?

Sa tagal kong namalagi dito, I learned how to keep my emotions all by myself. And I guess, that's the toxic trait about me. I am so good at it. I never let my inner thoughts and emotions and be read by someone not until I met Cross. Siya lang ang may kakayahang basahin ang isip maski ang nararamdaman ko na hindi ko kailanman pinakita o pinaramdam sa lahat.

Tumayo na ako at nilakasan ang loob.

"Make sure na maayos lahat. I'm counting on you guys."

"Yes, Pres."

Diretso lang ang lakad ko sa pasilyo papunta sa classroom namin nang matanaw kong papalabas ng council room si Kian at ang iba niyang kasamahan.

Nang matanaw ako, bumaling muna ang atensyon niya sa mga kasama at may sinabi, pagkatapos ay agad na sinalubong ako.

Fuck! What happened last time is still fresh for me. I couldn't imagine that he has feelings for me in just a short period of time! I composed myself. He was drunk the time when he confessed to me, baka naman nakalimutan na niya iyon ngayon. I'll just pretend that it didn't happened.

Dire-diretso ako ngunit hinarang niya ang katawan niya para hindi ako makalagpas.

"Hi, Rielle." Nangingiti niyang bati sa akin na agad ko naman sinuklian iyo ng ngiti. "Pwede ba tayong mag-usap?" Kinabahan ako bigla. Fuck! I don't want to talk about it! Magagalit si Cross! Damn it, Rielle! Bakit si Cross pa ang iniisip mo ngayon.

"T-tungkol saan?"

"About what happened—"

"Don't worry, you're just drunk that time. Ayos lang, naiintindihan ko." Sabi ko nalang medyo kabado pa.

"Free ka ba next week? Aayain sana kita. Next week na kasi ang send off party namin, kung ayos lang sayo."

Oo nga pala, malapit na ang graduation nila.

"Si—" Naputol ang sasabihin ko sana nang may magsalita sa likod ko at lumitaw siya sa harapan naming dalawa ni Kian.

"She's not available, Kian. You know that." Quinn's said with his cold baritone voice.

Ah! Here he is. This motherfucker! Akala niya hindi ko malalaman ang mga pinagsusumbong niya kay Cross? Gago din talaga ang isang ito!

"Ayos lang, Pres. Free ako." Tinaasan ko ng kilay si Quinn. Wala namang masama kung sasama ako, ah.

"Talaga? Thank you, Rielle!" Sambit ni Kian at kami tinalikuran.

Tinaasan din ako ng kilay ni Quinn na para bang nanghahamon pa ata sakin bago sumunod kay Pres. Magsusumbong na naman iyon sa pinsan niya kaya uunahan ko na. Ke-lalaking tao, tsismoso. Psh.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now