Chapter 17

112 6 0
                                    

Chapter 17
Treehouse

"Where are we going, Kuya?" Tanong ni baby Shae. Nakatingin lang siya sa labas ng pick-up habang kandong ko.

"You'll see, honey. Just relax, okay?" Malambing na sagot naman ni Cross at hinaplos ang buhok ng bata, pagkatapos tumingin sa akin. "Wala ka bang gagawin sa inyo? Ayos lang ba sayo na sumama?"

Pinandilatan ko siya ng mata.

Fuck you, Cross! Umaandar na nga ang sasakyan mo tapos magtatanong ka pa? Bakit hindi mo ako tinanong no'ng una pa lang kung gusto ko bang sumama sayo o hindi?

"Ayos lang." Sagot ko.

Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa maliban kay baby Shae who's only making noises. Nakakagigil siyang yakapin pero natatakot ako na baka masaktan ko siya.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng gubat. Nadaanan din namin ang El Dorado. Akala ko nga doon ang punta namin pero sabi niya, hindi naman.

Nang tumigil ang sasakyan, mabilis siyang bumaba at pinagbuksan kami ng pinto.

"Thanks." Sabi ko.

Inayos ko muna ang aking buhok na nagusot at kinarga ulit si baby Shae.

Halos mapanganga ako sa gulat nang dumako ang aking mga mata sa unahan.

I saw a treehouse! Not a typical treehouse pero mukha siyang bahay sa laki at ganda ng pagkakagawa no'n. Pwede na itong tirhan.

Hindi naman masyadong mataas ang pagkakalagay ng bahay. Ang hagdan paitaas ay gawa sa mga matitibay na kahoy na suportado naman ito.

"S-sayo...i-ito?" Manghang tanong ko sa kanya nang mauna siyang maglakad.

"Watch out for some twigs, Rielle." Sa halip sa sabi niya. "Wait here, bubuksan ko lang."

Placement is everything. The treehouse got the prime real estate overlooking the flower garden. May adjacent swing chair din sa gilid na nakasabit sa isa pang maliit na puno so we can get in on the nice view, too.

"Let me—" Hindi ko namalayang nakababa na pala si Cross at balak niya pang kunin si baby Shae sa akin pero nilayo ko ang bata sa kanya.

Tumawa siya ng mahina na mas lalo kong ikinairita.

"Hindi ko aagawin si baby Shae sayo, Rielle. Kakargahin ko lang pataas baka mahulog kayo." Sabi niya kaya binigay ko nalang. "Don't worry, ibabalik ko siya sayo mamaya."

"Okay."

Pagpasok namin sa loob, mas lalo akong namangha sa nakita. Almost all the furnitures are made from Australian timber with polished wooden floor boards.

This house is nature inspired with neutral tones, chocolate brown, and a few hits of lime green. May mga naka-display na small glass bottles and jars sa maliit na tukador.

Nilibot ko muna ang aking mga mata habang abala siya kay baby Shae.

Kompleto ang laman ng kusina, may maliit na fridge, lababo at dining table. May maliit din na sala with few stripes floor cushion. May dalawang pinto din. Ang maliit na pinto, hula ko ay CR at ang isa naman ay kwarto.

Binuksan ko ang sliding door at sumalubong agad saakin ang isa pang treehouse but an  elevated gazebo type, ngunit kailangan pang tumawid papunta doon.

Humawak ako sa railings and felt the cold wind blowing. I want to reach out and touch the leaves, watch the birds, and feel the breeze blowing through here. I saw hanging string lights from the trees that makes it feel even more otherworldly and magical especially at nights.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now